~22 Ano?!

3.7K 160 13
                                    

***Ano?!***

                     WALANG SALITA ang namutawi sa'ming dalawa. Pareho lang kaming titig sa limang pregnancy test kit na pare-pareho ang resulta. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Masyado nang naghalo halo. Karamihan ay takot na hindi ko alam kung saan nanggagaling. May kaunting saya na galing naman sa aking puso. Dahil ba magiging mommy na ako? Na may bata sa t'yan ko?


Nang mag angat naman ako ng tingin ay nasalubong ko ang mga abuhin niyang mata. Puno ng iba't ibang emosyon at nangingibabaw doon ang... Saya? Nangingislap ang mga 'yon. Pero bakit? Ang buong akala ko ay ayaw niya dahil ano siya. Na parehong kasarian ang gusto niya.


Naiintindihan ko ang part na may nangyari sa'min at hinahanap niya daw 'yon. Na gusto niya akong makita sa hindi malamang dahilan. Pero ang ganitong bagay. Malayong malayo do'n. Is he going to accept the baby? If not, Okay lang. Kaya ko ang sarili ko. Aakuin ko lahat. Kahit hindi pa ako handa ay wala naman na akong magagawa kundi ang tanggapin. I have no choice. Pero bakit ganiyan siya maka-tingin? Bakit may nababasa akong kislap sa mga mata nito?


"B-Baka nagkamali l-lang 'to. Bumili ka ulit. Sa ibang b-butika. Oo, tama."

"Lima 'yan at lahat nagsasabi na positive."

"Baka nga mali lang!"

"Tama 'yan."

"Hindi pwede! Bumili ka pa to make sure."

"Gano'n mo ba kaayaw na mabuntis?!"

Bahagya akong napa-atras sa pagtaas nito ng boses. Agad ako na natahimik dahil do'n. Pakiramdam ko ay may hinanakit sa tinig nito. Pero isinawalang bahala ko nalang.

"I just want to make sure!"

"You want to make sure? Okay... Matulog kana at maaga tayo bukas."

"How will I sleep kung iniisip ko 'to?!"kinuha ko ang isa sa PT kit at ibinato sa kaniya.

"Can you please, calm down?"

"At paano akong kakalma?!"

"Please..."

"Ayoko!"

Tanggap ko naman na kahit papaano ang katotohanan na sumasampal sa'kin ngayon. Hindi ko lang maiwasan na makipagtalo. Mainit ang dugo ko. Umiinit dahil sa kaniya.

"Fine! Edi 'wag kang kumalma! Pero kailangan mo matulog."

"Bakit ka naninigaw?!"

"Hindi ako sumisigaw!"

"Naninigaw ka!"

Mabilis na nanubig ang mata ko pero gusto kong magmatigas. Galit ako! Nagagalit ako! Gusto ko ng argumento!

"Okay, fine."huminga ito ng malalim bago dahan dahan na ibinuga. Paulit ulit nito iyong ginawa. "Ahm... You have to sleep na dahil masama sa'yo—kung buntis ka man—na mapuyat."

Soft Beast ( COMPLETE )Where stories live. Discover now