~33 Takot

2.8K 100 4
                                    

***Takot***

                 NANATILI KAMI sa office ni Zhaac nang mga sumunod na araw. Kinuhanan nalang din ako nito ng mga damit kahapon. Nag grocery rin siya para sa makakain namin. Wala ito ngayon. Nagpaalam siyang may mahalaga siyang meeting at bilin nito na 'wag akong lalabas. Kung may kailangan man ako ay itawag ko nalang dito at ipag uutos nalang niya sa iba. Tumango nalang ako para hindi na humaba pa ang usapan. Muntik pa nga kaming mauwi sa mainit na labanan nang halikan ako nito bago umalis. Natawa nalang ako nang maalala ang kanina.

Hinanda ko ang sarili para sa pagkikita namin ni Justine mamaya. Hindi na nasundan pa ang huli naming pag uusap pero desidido ako. May gusto akong malaman. Bakit niya kailangan ng tulong at bakit parang nag iingat si Zhaac sa kaniya.

Kahit pa hindi ko naman kilala ang tao ay pakiramdam ko mabait siya. Makikita at maririnig sa boses nito ang labis na lungkot kaya gusto kong malaman. Pero sana... Sana... Wala itong ibang balak na ikakasama ko.

Alam kong may mali kaya gusto kong malaman. Anong relasyon nila ni Zhaac? Bakit ayaw tulungan ni Zhaac si Justine? Why? Kahit walang kasiguraduhan at umaasa lang sa tiwala ko kay Justine ay pumunta ako. Kung saan nito kami gustong makita.

Nilisan ko ang ang Yamaz Real Estate bandang alas kwatro ng hapon. Pumara nalang ako ng taxi at sinabi ang address na binigay sa'kin ni Justine. Medyo malayo ang lugar kaya halos trenta minuto ang biyahe. Nang sabihin ng driver na iyon na ang lugar ay agad ako na bumaba. Tumambad sa'kin ang malawak na karagatan at isang beach house.

Sakto lang ang laki no'n at maganda ang disenyo kahit pa labas palang ang nakikita ko. Walang bakod pero mataas ang bahay at kung saan itinayo iyon. Nasa taas iyon ng bato at pwede ka nang tumalon sa dagat kung gusto mo maligo. Pero mataas. Tanging matapang lang ang kayang tumalon.

Sa terasa may kung sino ang naka-upo roon, sumisimsim sa baso habang pinapanood ang pag lubog ng araw.Napansin siguro nito na may naka-tingin sa kaniya kaya tumingin ito sa gawi ko. Kita ko pa kung paanong natigilan ito pero nakabawi rin agad.

"Ilheezsa! Tara!"sigaw nito.

Malayo pa kasi ako mula sa bahay kaya kailangan pang sumigaw upang magkarinigan. Maingat na binaybay ko ang hindi kataasang hagdan bago tuluyang naka-rating sa bahay. Pinagbuksan ako nito ng pinto at iginiya papasok.

"Sandaling oras lang ang mayroon ako, kaya sana, matapos agad."

"Have a sit first. Kukuha lang ako ng makakain. So, what do you want to have?"

"Huwag na. Ayos lang ko."

"Gano'n ba?..."

"Anong kailangan mo? At bakit sa'kin ka humihingi ng tulong?"

Natigilan ito. Ang kaninang maaliwalas na presensya nito ay naging mabigat.

"Ikaw lang kailangan ko, Ilheezsa. At ang mapunta ka dito ay ang pinakamalaking tulong para kusang pumunta dito si... Ul..."mariin na sabi nito. Hindi nakatakas sa'kin ang ang dumaan na lungkot sa mata nito.

Mabilis iyon na nawala. Alam ko... Alam kong may koneksyon sila ni Zhaac at sigurado akong hindi maganda.

I stepped back when he tried to touch me.

"Justine! Ano ba?!"

"I won't hurt you, Ilheezsa. And that's a promise..."he smile. A genuine one.

"Uuwi na 'ko."

Hindi ito nagsalita o pigilan man lang kaya agad ko itong tinalikuran. Kaunti nalang ay malapit na ako sa pintong pinasukan nang biglang kusang sumara iyon.

Nagmamadaling pinihit ko ang seradula pero hindi ko na iyon mabuksan. Sinubukan ko na itulak pero hindi ko nalang pinuwersa ang sarili. Bawal sa'kin.

"Justine, open this door."

"You can't leave. Mananatili ka muna dito ng ilang linggo o buwan. At pagkatapos no'n ay ibabalik na kita sa inyo."

"Ano?! Hindi pwede! T'yak na hahanapin ako ni Zhaac. Magagalit siya dahil umalis ako sa company."

"Sorry, Ilheezsa... Kailangan ko talagang gawin 'to. Para na rin sa ikatatahimik namin. Ang tangi ko lang na ipapangako ay..."bumaba ang tingin nito sa t'yan ko. Wala sa sariling hinaplos ko iyon."Hindi kita sasaktan at ang bata sa t'yan mo. Pangako..."

Tinalikuran ako nito at umakyat sa pangalawang palapag ng bahay. Naiwan ako do'n na naka-tanga.

Matapos ang ilang segundo ay do'n ko na-realize ang lahat ng nangyari. Dahil sa katigasan ng aking ulo ay napasok ako sa ganitong sitwasyon.

Bakit ako nagpadala sa kaniya?! Bakit ako nadala sa lungkot nito?! Hindi ako nag iisip! T'yak na magagalit sa'kin si Zhaac

Nag uumpisang nanubig ang mata ko hanggang umagos ang masaganang luha. Pa'no nalang ako aalis dito? Kung pwede lang akong tumalon sa matataas at tumakbo ng mabilis ay gagawin ko. Hahanap ako ng paraan makalabas lang. Pero hindi pwede!

Sa prostrasyon ay napa-upo ako sa sahig. Base palang sa nakita ko sa labas ng bahay ay tanging iisa lang ang pinto papalabas at terasa lang ang open. Nasa pangalawang palapag pa iyon. Kung tatalon ako ay plakda ako sa tubig.

Hindi pwede...

Pahid and luhang umakyat ako sa pangalawang palapag at nakita ko si Justine na nakaharap sa laptop nito.

"Uuwi na 'ko..."

"No."

"Please... Nagmamakaawa ako."

"Nasa kaliwa ang kwarto mo. Magpahinga kana. Kung nagugutom ka ay may pagkain sa ref. Initin mo nalang o kaya magsabi ka nalang sa'kin."pag iiba nito sabay turo ng kwarto sa kaliwang parte ng bahay.

"Justine, please... Baka hinahanap na 'ko ni Zhaac."

"Magpahinga ka... Walang magagawa iyang pag iyak mo."bumalik ang tingin niya sa laptop.

Nagbaba nalang ako ng tingin dahil bakas ang pagmamatigas sa boses nito. Hindi talaga ako paaalisin.

Sinunod ko ang sinabi nito. Pumasok ako sa kwarto sa kaliwang bahagi. May pinto sa kanan at siguro ay iyon ang kwarto niya.

Nang makapasok sa kwarto at maisara ang pinto ay do'n ako lalong naiyak. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon pero nangingibabaw do'n ang takot...

———

~❤

Soft Beast ( COMPLETE )Where stories live. Discover now