~7 Thank you...

4.2K 193 8
                                    

***Thank you...***

              NAGTATAKANG LUMAPIT ako rito. Hindi niya agad napansin ang aking presensiya dahil bahagya siyang nakatalikod sa gawi ko dahil nakasandal siya sa desk.

Ang pinto kasi na pinasukan ko ngayon lang ay nasa banda likod ng cubicle ko kaya hindi mo talaga makikita ang darating maliban nalang kung sa tapat ng door ng office ni Sir Ul ka nakasandal.

Ang buong palapag kasi na ito ay tanging office lang niya. Mula sa pwesto ko ay may malaki pang espasyo, samantalang pag pumasok ka sa office niya ay mas malawak. Bukod pa do'n ang isang pinto na hindi ko alam kung anong nasa loob. Kumuha 'yon ng malaking space pero hindi ako sigurado kung ano ang nandoon.

Umayos ako ng tayo at taas noong naglakad papalapit dito. Bahagya ko pang naaninagan ang gulat sa abuhing mata nito bago umayos ng tayo at nakapamulsang humarap sa'kin.

"Bakit ngayon ka lang?"seryosong tanong nito.

"Masakit ang katawan ko kaya natagalan ako sa paglalakad."kunwaring kalmado akong naupo sa swivel chair ko pero deep inside, gusto ko nang kumiwal sa sakit.

Ang sakit na nang katawan ko.

Kung ano anong kinalikot ko sa table para lang maiwasan ang tingin niya.

"Masama ba ang pakiramdam mo?"kalmadong tanong nito.

Naguguluhan ko naman itong tinignan. Kanina lang,kung awayin niya ko ay daig ko pa ang nakakadiri, ngayon naman bakas ang pag aalala sa tinig nito.

"Oo, pero kailangan ko tapusin 'to dahil kailangan mo 'to bukas. May meeting ka rin with Mr. Cando tomorrow morning, 8:30 at board meeting nang 11:20 ng umaga. Ang proposal nam---"

"Stop. You can go home now. Ako na ang bahala sa mga 'yan. Alam kong masakit ang katawan mo because of me kaya umuwe kana at magpahinga. Pumasok ka nalang bukas before my meeting with Mr. Cando."

Natuwa naman ako sa narinig. Gusto talaga magpahinga na dahil lalong lumalala ang parte sa balakang ko.

"Hindi na, tatapusin ko na 'to."pagpapakipot ko.

"Sige, ikaw bahal---"

"Joke lang! Aalis na. Masakit talaga katawan ko, at kailangan ko na magpahinga. Maraming salamat boss!God bless!"

Nagmamadaling nilisan ko ang lugar dahil baka magbago pa ang isip nito.

Grabe... Nagpapapilit lang naman ako...

Nagpaalam lang ako kay Nathalya bago sumakay ng elevator. Nasa 30th floor na nang may isang lalake ang pumasok na sa tingin ko ay baba rin.

Malaki ang pangangatawan nito. Nang tignan ko ang mukha ay namangha ako. Gwapo rin katulad ni Sir Ul pero mas gwapo si boss. His thick brows and eyelashes. His proud nose and his jaw line.

Wala rin kapores pores ang mukha nito at halatang alaga. Hindi mababakasan ng acne o kung tinigyawat man ba ito. Hanggang baba lang rin ako nito. Nakakapangliit.

Nabalik lang ako sa realidad nang magsalita ito.

"Stop staring."

"Huh?"

Soft Beast ( COMPLETE )Where stories live. Discover now