~37 Mama...

2.4K 105 3
                                    

***Mama***

                NAGISING NA naman akong umiiyak kinaumagahan. Mag-iisang buwan na ako dito at hindi talaga ako makalabas. Hinahayaan naman ako ni Justine na libutin ang bahay at kahit ilang beses pa akong magmakaawa dito na iuwi ako ay para lang siyang bingi na lalagpasan ako. Kahit pa anong libot ko sa buong bahay ay walang kahit na anong exit bukod sa pintong pinasukan ko.


Hindi naman niya ako pinagugutuman. Sa halip ay nagtatanong pa ito kung anong gusto kong kainin at walang kaabog-abog niya iyong ibibigay. Ang mga cravings ko at mga personal na kagamitan.

Nahuhuli ko din itong gabi-gabi na sumisilip sa kwarto at kung minsan ay aayusin pa ang aking kumot. Bubulong ng patawad bago umalis. Alam ko sa sarili kong hindi talaga masama si Justine. I can feel it. Sa tingin ko ay matanda ito sa'kin. Gusto ko man siyang galangin bilang nakatatanda ay hindi ko nalang ginawa.


Pahid ang luhang nagbaba ako ng tingin sa aking t'yan. Nakikita na ang baby bump ko. Siguro dahil sa tatlo ang laman kaya hindi masyadong normal ang laki. Paulit-ulit ko na hinaplos iyon. Ito lang kasi ang ginagawa ko para palipasin ang oras. Kakausapin sila kahit pa para akong tanga malibang lang ang sarili.


"Asan na kaya ang Daddy niyo? Ang bagal naman niya kumilos..."sumisinghot pang ani'ko.

Nasa gano'n akong sitwasyon nang makarinig ng mga boses. Mabilis akong napa-bangon nang mapagtantong may iba pang tao sa bahay.

May tulong...

Nagmamadaling umalis ako ng kwarto at pumunta sa baba. Maliliit at maingat na hakbang ang ginawa ko upang hindi makagawa ng ingay. Gusto ko munang maka-siguro kung nasa itsura ba nito ang pagiging mabait pero gano'n nalang ang gulat ko nang makita kung sino ang nando'n.

"Mama..."mahinang bulong ko. Natigilan naman si Mama at unti unting lumingon sa kinaroroonan ko.

"I-Ilheezsa?..."

Mababakasan din ang labis na gulat sa mga mata nito at kasunod no'n ay ang iba't ibang emosyon. Pareho kaming naka-tingin sa isa't isa. Para bang nakikita ko ang matandang Ilheezsa sa aking harap. Ang tsokolate nitong mata na katulad ng sa'kin ay napuno ng luha. Paunti-unti itong gumawa ng hakbang papalapit sa'kin at wala sa sariling napaatras ako.


"Ilheezsa---"

"Huwag mong banggitin ang pangalan ko!"

"Anak—"

"At lalong 'wag na 'wag mo akong tatawaging anak!"

"Mama, anong nangyayari?"mula sa kusina ay lumabas si Justine.

Parang sasabog ang utak ko nang marinig ang itinawag nito sa aking ina.

Anong ibigsabihin niyon?

"Ma, nandito kana pala. Nasaan na po ang pinabi—"natigil si Justine sa pagsasalita nang maramdaman ang tensyon na namamagitan.

"M-Mag... Magpapaliwanag ako. Ilheezsa, please!"

"Wala kang kailangan na ipaliwanag! Dahil una palang ay alam ko na ang totoo!"

Soft Beast ( COMPLETE )Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum