~25 Flowers

3.6K 134 12
                                    

***Flowers***

                        MABILIS NA lumipas ang isa pang linggo pero buro parin ako rito sa bahay. Napapadalas ang pag aaway namin ni Zhaac dahil sa ka-weird-uhan niya. Oo, weirdo siya. Gusto ko lang naman ng makakain tapos puro siya reklamo. Gusto ko ng beer pero ayaw niya akong bigyan dahil madamot siya. Sinabi ko na gusto ko ng strawberry na violet, sinigawan pa ako. Anong mali sa sinabi ko? Nagugutom lang naman ako at gusto ko no'n.


Hanggang sa naiyak nalang ako dahil sa paninigaw niya. Ang laki ng boses nito tapos sinigawan pa ako? Aba't dapat nag-impake na siya at lumayas. Sumasakit daw ang ulo niya sa'kin. Paanong hindi sasakit ang ulo niya eh palagi siyang nagsi-cellphone.

Siya ang weird.

Ngayong araw ay dadalaw sila Tita Liz. Hindi parin namin sinasabi ang lagay ko dahil kumukuha pa kami ng tyempo. Nahihiya rin kasi ako at natatakot. Hindi mawala sa isip ko na tatlo nga ang nasa aking t'yan. 'Yon nalang lagi ang nasa isip ko hanggang sa nagiging sanhi na 'yon ng pag init ng aking anit. Napapadalas na din ang pagpupuyat ko sa gabi. Pero buong araw naman tulog.


Nag research din ako about sa pagiging bundat at normal naman daw na maging antukin ako. Mood swings at weird cravings.

Walang weird sa cravings ko. Si Zhaac ang weird.

Kasalukuyan kong inuubos ang alateris na pinakuha ko kanina kay Zhaac. May malaki laki kasing puno no'n sa gate ng village at masasabi kong matatamis ang bunga. Kulay pula ang halos lahat ng alateris kaya natakam ako. Tinanong ko pa si Zhaac kung may color blue pero sinamaan niya lang ako ng tingin sabay baba sa puno.

O 'di ba? Nagtatanong lang ako pero masama na agad maka-tingin. Weird talaga.

Bandang tanghali ay may kung sino ang nag door bell. Buong akala ko ay sila Tita Liz na pero hindi. Nang bumaba kasi ako ay walang tao sa labas ng gate. Sumilip muna ako sa maliit na butas bago buksan ang gate. Inilibot ko pa ang paningin upang makita kung sino ang walang hiyang malakas ang trip na nag door bell pero wala. Nang magbaba ako ng tingin ay may bungkos ng pulang rosas ang nakalagay sa semintadong sahig.


Nagtatakang pinulot ko iyon sabay sara ng gate. Habang naglalakad ay sinipat ko muna ang bulaklak kung kanino galing pero isang note lang ang naroon.

                 Hey My love, good morning. Be safe and see you soon.

I love you.

Iyon ang nakapaloob sa maliit na papel na nakasabit dito.

Kanino galing 'to? At para kanino?

Baka para kay Zhaac? Wala naman akong manliligaw at wala akong kakilala na may gusto sa'kin. Baka naman may nanliligaw na sa baklang 'yon?

Biglang nanikip ang dibdib ko sa naisip. Hindi ko alam kung bakit pero ayoko. Ayokong may manligaw dito. Matapos na may mangyari sa'min tapos magpapaligaw siya? Baka ipalunok ko sa kaniya ang limang pregnancy test na katunayan na buntis ako?! At tatlo pa! Speaking of bakla, naglalakad na papalapit sa'kin si Zhaac. Namumula ang kaliwang pisngi niya at kasalan ko 'yon.


Habang mahimbing kasi itong natutulog sa tabi ko ay bigla ko nalang siyang nasampal. Naiinis kasi ako sa paghinga niya. Ayokong makita na humihinga siya. Buntong hininga lang ang ginawa niya kagabi. Tila ba pagod na pagod ito. E wala naman siyang ginawa kundi ang bumili lang naman ng apple na violet.


Yung nangyari rin between me and Jenna last week. Hindi naman bilog ang buwan pero inaaswang na ako. Jusko! Akala ko manananggal kaya nasampal ko ng dalawang beses. Sinampal din ako ng bruha at nag umpisa na mag-rap. Mabuti nalang at nadapa si gaga kaya hindi niya ako naabutan papaakyat sa kwarto.


Ngayon lang ako natakot sa aswang.

"Kanino galing 'yan?"

"Ewan ko. Para sa'yo yata. Mula sa manliligaw mo."

Pabalyang inabot ko sa kaniya ang bulaklak bago muling pumasok sa kabahayan. Dumiretso ako sa kusina para humanap ng makakain dahil nagugutom nanaman ako.

Nang buksan ko ang ref ay siyang bungad naman sa'kin ng amoy... Beer? Hinanap ko kung saan 'yon galing pero wala talaga. Tanging cake lang na chocolate ang naroon. Nang subukan ko na amoyin ay halos manlaki ang mata ko.

Do'n galing ang amoy.

Cake? Na beer flavor? Sinong tanga ang gagawa ng ganito? Only lasingero lang ang gagawa nito.

"Nakita mo na pala."

Mula sa likod ay ang tinig na iyon ni Zhaac. Bitbit pa din nito ang bulaklak pero medyo magulo na ang pagkakasalansan ng rosas. Para bang hinalukay.

"Hindi ka pwede ng beer kaya gumawa nalang ako ng paraan."

"Para sa'kin 'to?"naka-ngiti na tumango ito.

"Yeah."

"Baliw ka ba? Cake na beer flavor?"

"Kainin mo nalang. Andami mo pang sinasabi."

Mabilis na napalitan ng inis ang mood nito at inilapag ang bulaklak sa mesa. Mag isang naiwan ako sa kusina kasama ang bulaklak. Parang bigla nalang nanayo ang aking balahibo habang naka-tingin do'n.

Isa pang weird...

Kibit balikat na lang na kinuha ko ang cake sa ref. Hindi ko na iisipin kung bakit amoy at medyo lasang alak ang cake na 'to. Ang mahalaga ay maubos ko ito. Ilang minuto ako sa gano'ng ginagawa nang may marinig akong kotse. Nagmamadaling niligpit ko ang kinakain dahil baka sila Tita and Tito na iyon. Ang bungkos naman ng rosas ay tinapon ko na.


Bahala na...

Nang makalabas ay hindi nga ako nagkamali. Tumatawang naglalakad si Tita Liz at Tito Deniel papasok ng bahay. Wala ang dalawa sa kapatid ni Tito. Tanging siya lang at ang kaniyang asawa.

"Ilhee! Oh, gosh! I miss you!"

Walang hiya hiyang sinalubong ko naman ang yakap nito at nagbeso. Magaan ang loob ko sa mga magulang niya. Walang halong biro.

"Na-miss ko din po kayo Tita, Tito."

"Nasaan si Zhaac?"

"Nasa taas po. Nagpapaka-weird."

"Huh? Why?"

"Hindi ko po alam... Ang weird niya tapos ang daming reklamo."

Nagkaniya kaniyang tango naman ang mga ito bago ako igiya sa kusina dahil may binili daw silang pagkain para sa'kin.

———

~❤

Soft Beast ( COMPLETE )Where stories live. Discover now