~50 Charlie

1.9K 84 3
                                    

***Charlie***

                     SINIGURADO NI Zhaac na nakasunod sa kaniya ang itim na van. Pupunta siya ng bahay niya at nasisiguro niyang ang sakay ng van na iyon ay ang mag asawang Ventura. Nagpadala siya dito ng mensahe na ibibigay niya ang lahat ng iniwan ni Thacia kapalit ng kalayaan nila. Pero ang totoo niyang pakay ay ang mahuli ito mismo. Alam niyang nababalutan ng bomba ang buong bahay niya at kagagawan iyon ng mga taong iyon. He put some cameras around the house and connect it to his computer, he saw lot of men. Wearing black mask. Gano'n din ang damit na kasuotan ng mga ito.

Halos lahat ng sulok ng bahay ay nilagyan ng mga ito. Hindi na siya natutuwa sa mga nangyayari, mabuti nalang at napipigilan niya pa ang sarili na 'wag kumilos ng hindi naaayon sa plano. Hindi lang siya ang bumuo ng planong ito, kasama niya ang mga kaibigan na pinipilit na idawit ang sarili sa gulo.

Hindi nalang niya pinigilan dahil hindi naman ang mga ito magpapapigil. Lalong lalo na si Kheileb at Yio na halos nasa kaniya ang oras. Ito kasi ang maraming oras sa pagtulong sa kaniya kahit pa may mga napupusuan na ang mga ito. Well, he heard, Kheilib's girl is pregnant. Pero ang loko ay sabak lang ng sabak sa kung saan saan. Hindi iyon alam ng kasintahan niya at kapag nalaman ay siguradong lagot siya sa babae.

Ipinarada ni Zhaac ang kotse sa harap ng gate. Nasa paligid lang ang kaniyang mga kaibigan at iba ay nasa malayo. Kiano and Brendel is a snifer at halos lahat silang magkakaibigan ay bihasa sa baril at hand to hand combat. Ikinabit niya ang maliit na microphone sa kaniyang kuwelyo upang ma-record nila ang pag uusapan. Dagdag ibedensya. Kahit pa alam niyang sapat na ang hawak nila ng ama ay gusto niyang makasigurado.

Bitbit ang bag na kunwari'y naglalaman ng tapes ay bumaba siya ng kotse. Nang makababa sa kotse ay walang lumabas sa van na nakasunod. Nando'n lang iyon at para bang nakikiramdam. Ilang sandali pa ay lumabas nga ang pakay niya, pero si Mrs. Ventura lang iyon at ang limang lalakeng naglalakihan. Sa likod nila ay isang lalake na ngayon niya lang nakita. Ito ang unang beses na makita niya ito pero sigurado siyang si Charlie iyon.

Payat at para bang sabog at nalulong sa droga. May hawak itong lukot na papel at tila ba pinaka iingatan niya iyon. Mukha rin itong wala na sa katinuan.

Anong klaseng magulang ba ang nga ito? O baka naman pati si Charlie ay hindi nila anak?

"Give me the tapes, now..."

"Where's Mr. Ventura?"

"Akin na ang bag! Ngayon na!"

"No, we have to talk."

"He's not here. Ako lang ang pinapunta niya."

"Hindi ko ibibigay ang bag kung gano'n."nakipagtagisan siya ng tingin dito.

Nag-umpisa nang lumapit ang mga tauhan nito at si Charlie naman ay sinisilip ang lukot na papel na hawak bago pumunta sa likod ng van.

"You can leave now, Mrs. Ventura."

Pero hindi ito nakinig. Sinenyasan nito ang mga tauhan at alam niyang gagawin iyon ng ginang kaya mabilis niyang dinipensahan ang sarili. May tatlong itim na van pa ang dumating at mabuti nalang ay naging handa siya.

Mabilis siyang pumasok sa loob ng kaniyang bahay. Alam niyang iniisip ng mga ito na pwede siyang sumabog kasama ng mga kagamitan dito pero bago pa man siya makipagkasundo sa mga ito ay nade-activate na niya ito. Salamat nalang sa dati niyang trabaho.

Hindi sumunod ang mga tauhan ng ginang siguro ay sa mga panahon na ito ay pinipindot na ng mga taong iyon ang remote control na hindi naman na gagana. Ilang sandali pa ay inasahan niyang susunod ang mga ito kaya pumunta siya sa ikalawang palapag ng bahay. Nakita niyang prenteng nakaupo sa sofa si Kheilib, Elvin, En-Yu at Weinmar.

"Hay, sa wakas, nandito na sila. Kanina pa ako nababagot dito. Pangit kabonding ng mga 'to."si Kheilib iyon na para talagang bagot na bagot sabay turo sa iba.

"En-Yu? Bakit ka nandito?"

"Ask me later. Baka maaga kang m*matay."sabi nito sabay baril sa gawi niya. Nanlalaki ang matang tinignan niya ito.

"Tatamaan mo ba ako?!"

"G*go, nasa likod mo."

Sunod sunod na putok ng baril ang narinig nila. Nagkaniya kaniya sila ng tago upang hindi matamaan ang bala. Tatapusin lang nila ang gabing ito at gagawa ulit ng bagong plano. Kailangan niyang mahuli ang demonyong iyon sa lalong madaling panahon. Ayaw niyang itago ang mag-iina niya at gusto niya rin ang malayang buhay para rito. Kahit pa marami rin silang kakumpitensya pagdating sa trabaho.

Sa nakalipas na sampung araw, simula nang m*matay ang ina ni Ilheezsa ay bukang bibig nito ang pag-uwi. Nanghihingi nalang siya ng ilan pang araw at wala namang pagtutol do'n ang babae. Lagi lang itong tatango at uupo sa kama. Tututukan ang mga anak nila at kung minsan ay para bang wala sa sarili.

Pumasok siya sa library ng kaniyang bahay at nagtago sa isa sa mga shelves. Pinakinggan niya kung May susunod sa kaniya at maya maya lang ay may mga yabag na pumasok. Sa hula niya ay tatlo iyon at nang kaniyang silipin ay tama siya.

Tatlong armadong lalake ang may mga hawak na armas. Nasa bandang likod siya at ang mga ito naman ay nasa pinto. Bago pa man siya naunahan ay pinaputukan na niya ito. Mabilis na nagpanic ang dalawa kaya pinaulanan ng mga ito ng bala ang kinaroroonan niya.

Bumalik siya sa pwesto at muling pinaputukan ang dalawa pa. Tag-isang bala na tumama sa mga ulo nito. Hindi siya maaawa sa mga ito dahil pare-pareho lang ang mga itong halang ang bituka. Hinanda niya ang sarili na lumabas at barilin ang sasalubong sa kaniya. Kaya muntik na niyang makalabit ang gatilyo nang basta nalang lumabas si Kheilib galing sa kung saan.

"Chill dude. Umalis na sila. And Yio is trying to track them. And man, iniwan nila ang isa nilang kasama."

Mabilis na nagtungo sa labas si Zhaac at hindi na pinansin pa ang pagtawag ng kaibigan. Bakit iiwan ng mga ito si Charlie? Baka naman hindi agad nakasakay? O sinadya talaga nilang iwan.

Pag labas ni Zhaac sa bakuran ng kaniyang bahay ay nakita niya itong parang bata na pumipitas ng bulaklak. Inilalagay nito iyo sa damo at hinuhugis puso. Nagtatatalon pa ito na tila ba excited. Nilapitan ito ni Zhaac at hahawakan sana pero naging mabilis ang galaw ng lalake. Kita niya sa mata nito ang galit at takot.

"Who are you?"

Hindi agad nakapag-react si Zhaac nang marinig kung paano itong magsalita. Paos ito na para bang kaunti nalang ay mawawalan na ng boses pero naiintindihan niya parin. Tumikhim siya bago nagsalita.

"I'm Zhaac and—"

"I don't care! Get out! Can't you see? We're playing. Natatakot ang kapatid ko sa'yo."parang batang pagpapaalis nito sa kaniya.

Kumunot ang noo ni Zhaac. Anong nangyari dito? May sakit ba ito sa pag-iisip? Kung umakto kasi ito ay parang pitong taong gulang na bata habang mahigpit na yakap ang isang papel na una niyang nakita na hawak nito kanina.

"What happened to you?..."bulong nalang iyong nailabas ni Zhaac. Tinalikuran na rin siya ng lalake at bumalik sa pag lalaro pero panaka naka parin siyang tinitignan. Panibagong isipin na naman ang dumagdag. Bakit ng mga ito iniwan ang sariling anak? Ano ang kalagayan nito at bakit?

———

~❤️

Soft Beast ( COMPLETE )Where stories live. Discover now