~26 Park

3.3K 129 18
                                    

***Park***

                     "SO,KAILAN mo balak ipaalam? Baka lumobo nalang iyang t'yan mo tapos hindi pa natin nasasabi kila Mommy at sa lola mo."

"Na... Natatakot kasi ako."

"Natatakot?"

"Oo... Pa'no kapag nalaman nila na hindi mo ako girlfriend? Teka, bakit nga pala sinabi mong girlfriend mo ako?"

"Gusto ko lang."

"Puro nalang gusto mo! Ginagawa mo lang yata akong panakip butas d'yan sa kabaklaan mo."

"Kinda"

"Ano?! So totoo nga?"

"Ito na naman tayo."

Inis na ipigkrus ko ang aking braso sa harap ng dibdib.

So tama talaga ako? Na ginagawa niya akong panakip butas? Eh kung layasan ko kaya 'to? Eh wala naman yata siyang plano sa'kin at sa nasa t'yan ko. Mababaliw na nga ako kakaisip kung pa'no ko itatae lahat 'to tapos siya parang wala pang plano. Aba'y dapat na pinupugutan ng dalawang ulo itong baklang 'to.

Unti unti tuloy sumasama ang loob ko sa nalaman. Kung gano'n ay isa lang pala akong kagamitan sa kaniya. Panakip butas nga.

"May plano ako sa'yo tsaka sa magiging anak natin."mabilis na sinulyapan ko ito dahil sa sinabi niya

May plano siya?...

Tawagin niyo na akong baliw pero bahagya akong kinilig sa sinabi nito. Kasama ako sa plano niya. At sa sinabi nito, para bang tanggap niya na, na magiging ama siya.

"T-Talaga?..."

"Hm."he hummed."Kahit pa... Alam mo na... Kaya kong dalahin ang responsibilidad ko sa'yo."malayo ang tingin nito pero rinig ko ang kaniyang pagiging sinsero.

"Pa'no k-kung--- a-ano... Makita mo n-na yung mamahalin mo sa future?"

Lumipas ang ilang minuto pero wala akong nakuhang sagot. Naging seryoso ang aura nito na para bang may malalim na naman na iniisip.

"Eh ikaw?"

"Anong ako?"

"Are you gonna leave kung nakita mo na ang mamahalin mo? I'm not gonna stop you naman."nagulat ako sa pagbabalik tanong nito.

Tulad ng ginawa niya ay tumingin din ako sa malayo. Tinanong ko din ang sarili. Walang sagot. Hindi ko makita ang sarili na may kasama sa future. Kundi siya lang...

Paki-ramdam ko ay kulay kamatis na ang mukha ko sa naisip. Ano ba naman 'yon? Bakit siya? Pero bakit hindi?Inaamin ko na may kaunti akong weird na nararamdaman para rito. Kaunti lang naman. Kung baga sa one hundred percent ay nasa twenty two percent lang. Gano'n.

"Ayoko muna. M-Magpo-focus nalang ako sa mga baby..."

"Good answer."

May naglalarong ngiti sa labi nito ng ibulong iyon. Lumipat siya ng pwesto papalapit sa'kin bago ako akbayan at halikan sa noo. Napapadalas na ang ginagawa niyang iyon. Ang mas malala pa ay napapadalas din ang paglalaro namin ng apoy.

Pakiramdam ko kasi ay sobrang kailangan ng katawan ko no'n. Ako ang nag uudyok na gawin namin 'yon at wala naman pag tanggi mula sa kaniya. Ibinibigay nito ang lahat ng hinihiling ko hanggang sa maabot ng makakaya niya. Gabi na at maraming tao sa parkeng ito. May fire works daw kasing magaganap kaya kami nandito. Si Zhalia sana ang kasama ko pero nagbago ang kaniyang isip. May trabaho daw siyang dapat na tapusin. O tinatrabaho.

Agad naman na pumayag si Zhaac nang ayain ko. Gustong gusto ko kasi na makapunta dahil new year pa simula nang huling fire works na nakita ko. Anong buwan na, june na.

Nangangalay na ako sa kakaupo at napansin naman ng isa.

"Nangangalay kana?"tumango ako."Tara"

Inalalayan nito akong mahiga at iniunan ang kaniyang hita. Nagiging maingat ito. Sa bawat galaw ko ay siya namang alalay niya.

Nag umpisa na din siyang haplusin ang aking buhok na nakalugay habang nag hi-humm ng kanta. Tahimik. Walang nagsalita sa pagitan namin. Tanging ingay lang ng mga tao sa kalayuan ang naririnig. Medyo malayo kasi kami sa tao. Kagagawan niya rin iyon. Masyadong kilala ang pamilyang Yamaz kaya sa bawat galaw ay may nakabantay na guard dito. Napapalibutan kami ng mga tao nila at ayos naman sa'kin 'yon. Well, wala naman na akong magagawa.


Inaantok na ako pero gusto ko pang makita ang fire works. Kaya lang ay mahapdi na ang mata ko kaya hindi ko napigilan na makatulog. Pero bago pa man ako hilahin ng dilim ay siya namang bulong nito at halik sa labi ko.


"Gusto kita Ilheezsa..."

***

                   BWISIT TALAGA siya kahit kailan! Bakit hindi niya ako ginising?! Hindi ko tuloy nakita ang fireworks! Ang malala pa ay nagising ako sa loob ng kwarto ni Zhaac. Katwiran niya ay ginising niya daw ako pero hinampas ko pa siya. Kahit pa sana hinampas ko siya ay ginising niya parin ako. Alam naman niya na gusto ko talagang makita ang nagkikislapang paputok na 'yon tapos...


Wala akong nagawa kundi ang umiyak na naman. Gusto ko makita 'yon! Feeling ko ay pinagkaitan ako. Nakakaasar!

"Tigil na... Sorry, Okay?..."

"Mukha mo! Kung alam ko lang. Edi sana ibang lalake nalang ang sinama ko."

"What did you say?"biglang nagbago ang tono ng boses nito. Mula sa pagiging malambing ay naging matalim iyon. "May I remind you that you're pregnant with my babies?"

"Pake mo naman? Bakit? Boyfriend ba kita?!"

"I can be your boyfriend."

"Pero boyfriend din ang gusto mo 'di ba?!"

"So what?"

"Bwisit! Pa-fall kang bakla ka!"

"What?"

"What, what, watawat!"

Muli kong tinakluban ang sarili ng comforter. Hindi dahil nagtatampo ako, kundi gusto ko ang amoy no'n. Ang amoy ni Zhaac.

"Are you hungry?"mabilis na lumabas Kong inalis ang nakatabing sa'kin.

"Pa'no mo nalaman?!"

"Ganiyan ka kapag gutom since last week."

"Gusto ko ng..."

Pinakatitigan ko muna ito bago sabihin ang nais kong sabihin. Reklamador pa naman siya.

"Mangga..."

"Wiws... Akala ko paaandarin mo na naman ng ka-weird-uhan---"

"...na pink."

"Ugh! Wala na 'kong sinabi."

Kamot ang ulo na nilisan nito ang kwarto habang binubulong kung saan nanaman daw siya kukuha no'n. Pinapaandar nanaman niya ang ka-weird-uhan. Pinabibili lang eh, marami pang sinasabi.

Bumalik ako ng higa at naghubad ng damit. Tanging panty lang ang aking itinira. Alas kwatro palang ng madaling araw kaya inaantok pa 'ko.

Tama kaya ang narinig ko kanina sa park?

———

~❤

Soft Beast ( COMPLETE )Where stories live. Discover now