~51 Brain dead

1.9K 80 3
                                    

***Brain dead***

                     HALOS LAHAT silang magkakaibigan ay pinagmamasdan lang ang lalake sa hardin na maglaro. Ang mga tauhan naman ni Yio ay inuumpisahan nang linisin ang lahat ng naging kalat at ang lahat ng b*ngkay na naiwan dito. Panay ang sulyap sa kanila ni Charlie pero halata sa mga mata nito na pagod na ito sa ginagawang paglalaro at namumungay na rin ang mga mata. May pagkakataon na humihinto ito dahil talagang inaantok na hanggang sa umalis ito at nahiga sa mismong kinasasadlakan.


Nang hindi na ito gumalaw ay tsaka lang nila ito nilapitan. Napansin niya ang papel na hawak nito. Hindi nito iyon binitiwan mula kanina. Mahigpit ang hawak do'n ng lalake na para bang ayaw nito iyong mawala.

"Anong gagawin natin sa kaniya?"tinig iyon ni Kheilib.

"Dalhin nalang muna natin sa DP."Kiano.

"Really? Sa Dark Place talaga?"si Alhexe naman iyon.

And DP ay ang lugar kung saan sila nagpaplano o may pag-uusapang importante. Sila lang magkakaibigan ang nakaaalam no'n at do'n nila dinadala ang mga taong gusto nilang parusahan. Do'n nila pinarurusahan ang mga taong hindi lang dapat sa hukuman naparurusahan. Kung minsan ay do'n nila inuubos ang oras. Gagamit ng baril o kaya ay palilipasin ang oras sa Gym.


"No. Dito nalang siya. Aalamin ko din kung bakit nagkakaganiyan siya."iyon lang ang tanging nasabi ni Zhaac.

Alam niyang hindi ito tunay na kadugo ni Thacia at isang daang porsyento siyang sigurado na anak ito ng mag asawang Ventura. Pero anong klaseng magulang ba ang mga iyon. Pati ang sarili nilang dugo't laman ay ginaganito nila? Walang kwentang mga magulang. Paano nilang nasisikmura ang mga ginagawa nila? Anong pag iisip matron ang mga taong iyon?


Buong gabi na nag-iisip si Zhaac. Kinuha niya ang loob ni Charlie at hindi naman siya nahirapan do'n. Base na rin kasi sa nakikita niyang ikinikilos nito ay bata ang pag iisip ng lalake. Pero hindi sa lahat ng oras. Nakita niya rin kung paano itong mamulsa at kausapin ang hawak na papel. Seryoso at para bang may malalim na iniisip. Sabay babalik ulit sa kung ano niya ito nakita.


Nang mahiga ito sa hardin kanina ay may kung anong tinurok si Yio dito bago nito utusan ang nga tauhan na buhatin at ilagay sa isa sa mga kwarto. Pinalinis na niya ang kabahayan. Inalis ang nga bomba at nilinis ang mga nangyari kanina lang.

Dahil sa nangyari ay hindi na niya dadalhin ang mag-iina niya dito. Hindi na sila dito titira. Ayaw niyang umapak ang pamilya niya sa bahay na ito lalo pa't dito siya kumitil ng buhay.  Magpapagawa siya ng bahay malapit sa lugar ng magulang niya. Do'n din nakatayo ang bahay ni Zhalia. Malayo ang agwat ng bawat bahay sa village na ito pero pinili niya paring saglit na paalisin muna ang mga nakatira sa kalapit na bahay upang walang madamay. Sinecure niya rin na walang makakakita sa nangyari.


Bandang alas otso ng gabi nagising ang lalake. Inuto-uto niya lang ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain na kinagat naman ng isa. Mabilis na nakuha niya ang loob ni Charlie at maayos na niyang nakakausap. Pero matapos ang isa pang oras ay natulog na naman ito. Gusto niya sana na magtanong dito ng kaunti pero sinabi ni Yio na hindi maganda ang lagay ng lalake at ipatingin nila muna bago tanungin ng mga bagay bagay.

Soft Beast ( COMPLETE )Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu