~17 Mabahong sagupaan

3.6K 141 3
                                    

***Mabahong sagupaan***

                   NAGISING AKO kinaumagahan na walang naka-yakap sa'kin. Hindi din ako agad dinalaw ng antok kagabi kaya mag madaling araw na ako nakatulog. Hindi na din bumalik si Zhaac sa kwarto ko pero alam kong nandito siya sa bahay. Ang hindi ko lang sigurado ngayon ay kung nasaan siya. I want to talk to him but I don't know how will I face him. Agad kasi akong nanggagalaiti sa t'wing naiisip ang pinagsasasabi nito kagabi.


Sabihin ba naman na girlfriend niya ako? Aba, at umaasa pa ang Mommy niya na may laman ang t'yan ko. Pa'no kung meron?! Tapos malalaman nila wala talaga kaming relasyon. Idagdag pa ang pagsama ng loob ko kagabi. Hindi sa kanila dahil pinaalala nila ang magulang ko. Sa mismong magulong ko ako mismo galit. Kung may tyansa man na papiliin ako ng magulang ay kahit kailan, hindi ko sila pipiliin. Hindi ko sila kinamumuhian pero galit ako. Galit sa kanila. Ayoko na silang makita kahit kailan. 


Hay...

Nang magtanghali ay naisipan kong lumabas para sana dalawin si lola. Namimiss ko na siya ng sobra. Dati, halos araw araw ko siyang nakikita pero ngayon... Dahil sa baklang 'yon ay nagkanda letse-letse lalo ang buhay ko.

Kung ngayon na kaya ako tumakas?

Tapos dalahin ko na din si lola. Pupunta kami sa malayong malayo para hindi niya kami makita. Babayaran ko nalang siya kapag may pera na 'ko.

Natuwa ako sa naisip kaya mabilis na niligpit ko ang lahat ng aking gamit. Hindi ko isinama ang mga bagay na galing sa kaniya. Kahit sa gustong gusto ko na dalahin. Pero agad ako na natigil nang marinig ang door bell. Nagmamadaling isinilid ko sa ilalim ng kama ang maleta.


Galing siya sa labas? Pero bakit siya magdo-door bell eh bahay niya 'to? Baka naiwan niya ang susi?


Inayos ko ang sarili bago nagmamadaling nagtungo sa baba. Huminga muna ako ng malalim para pakalmahin ang nagwawala kong dibdib. Bakit nagwawala? Hindi ko din alam. Nag umpisa ito kagabi. Iniisip ko ang mga pinag-sasabi niya kagabi at do'n na nga nag umpisa.


Muling nag ring ang bell kaya binuksan ko na iyon. Ang ngiting hinanda ko ay nawala nang iba ang mabungaran sa labas. Si Jenna. With her disgusting face. Hilam ng luha ang mga mata nito at halos kainin na ng nalusay na make up ang mukha niya.


Kung kanina ay nagpapaawa siya, bigla nalang nanlisik ang tingin nito nang makitang ako ang nagbukas ng pinto.

"Anong ginagawa mo dito?!"

"Pake mo?"

"Answer me! You witch!"

"Who's witch? Me? Oh, gosh, Annabelle. Itong mukhang 'to? Witch? Nagpunta ka ba dito na ganyan ang itsura mo? Ow c'mon. Mas mukha kang mangkukulam kaysa sa'kin."

"WHAT?!"

"Humayo ka at tumalon sa bangin."isasara ko sanang muli ang pinto nang itulak niya iyon ng buong pwersa.

Soft Beast ( COMPLETE )Where stories live. Discover now