~24 Hardheaded

3.7K 153 8
                                    

***Hardheaded***

                       "BAKIT BA ayaw mo nalang ako bilihan? Mayaman ka naman! Tapos napaka kuripot mo!"humihikbing sigaw ni Ilheezsa.

Hindi na alam ni Zhaac kung paanong ipapaintindi sa dalaga na bawal nga sa kalusugan nito ang hinihingi.

"Ilheezsa... Bawal nga sa'yo 'yon. Really? Beer? Sa dinami daming pwedeng paglihian, beer pa?!"

"Huwag mo akong sigawan! Wala kang karapatan! Ang panget mo! Ang damot mo! Nakakairita ka! Lumayas ka sa bahay mo na 'to!"lalo itong umatungal ng iyak.

Hindi na maintindihan ni Zhaac ang inaasta ng babae. Gusto niyang makipag talo dito pero nanghihina siya habang nakikitang masaganang dumadaloy ang luha sa mata ng dalaga. Tinanggal niya pa lahat ng alak na nasa kusina nila para lang wala itong makuha.

"Pero masama sa'yo 'yon at sa... Babies..."

"Alam ko..."

"Alam mo naman pala eh."

"Eh gusto ko nga no'n!"

"Fine! Bakit ba ang hina ko pag dating sa'yo?"bulong nito.

"May sinasabi ka?!"

"Wala!"

"Huwag kang sumigaw! Hindi ako bingi! Layas!"

Walang nagawa si Zhaac kundi ang sundin ang gusto nito. Pangunahing bawal sa kaniya 'yon.

Magagawan ko naman siguro ng paraan?...

Maybe, Zhalia can help him. Kinuha niya ang susi sa kwarto niya at lumisan ng bahay. Saglit lang naman niyang iiwan ang dalaga. Babalik agad siya.

Sa apat na araw simula nang malaman nila ang pagbubuntis nito at matapos ang mainit na pangyayari sa kanila ay naging iritado na ito. Daig pa ni Ilheezsa ang araw araw na nire-regla. Maya-maya itong bukang bibig na gutom siya. Gusto ng ganito, gusto ng ganiyan. Ang malala pa ay dapat na ibigay agad. Kung hindi ay magagalit, sisigaw, iiyak o pagsasabayin niya lahat 'yon.


Sabi ng doctor kay Zhaac na hindi pwede itong ma-stress kaya kahit mahirap at talagang nakakapuno na ang pag uugali nito ay iniintindi niya nalang. Masaya siya sa balitang nagdadalang tao si Ilheezsa. Para bang nakamit niya ang isang napakagandang pangarap na hindi naman niya hiniling. Speechless? Oo. Pero sa loob niya ay nagsisisigaw na siya sa tuwa.


Hindi niya inakala na mararamdaman niya ang ganitong pakiramdam. Tila ba siya ang pinaka masayang tao sa mga oras na iyon kaya hindi niya pinagsisisihan na may nangyari sa kanila nang gabing 'yon. No'ng una ay oo pero hinahanap hanap niya ang babae. Ayaw niya man na aminin pero ito ang unang beses na nalibugan siya. Yes. Nalibugan siya. He do likes boys pero hindi niya na-imagine na ginagawa niya ang bagay na 'yon sa kaparehong kasarian.


Humanap pa siya nang dahilan para lang makita palagi ang dalaga. Ginawa niya itong personal assistant pero siya ang gumagawa ng gawain nito. He treated her like a princess. Sinasahuran pa niya ito at inaalagaan ang lola ni Ilheezsa. Hindi niya alam kung kailan nagsimula at kailan niya nalaman na iba ang kaniyang puso. Pero ngayon, tinatanong niya ang sarili kung... Lalake pa ba ang gusto niya o...

Soft Beast ( COMPLETE )Where stories live. Discover now