~41 Danger

2.4K 108 7
                                    

***Danger***

                 ALAS NUEBE na nang magising si Zhaac. Nasa baba ako para asikasuhin ang pagkain ng mga kaibigan niya. Hindi naman lasing ang mga ito pero halatang tinatamad ang lahat na kumilos. Tsaka ko lang din napansin na may kaniya-kaniyang baril ang lahat na nakasuksok sa kanilang mga pantalon. Hindi naman ako natakot dahil alam kong mababait ang mga ito. At isa pa, kaibigan ito ni Zhaac.


Nasa kalagitnaan ako ng paghahain nang marinig ko na nga ang boses ni Zhaac.

"Si Ilheezsa? Where is she? No, don't touch me! F*ck! Stop! Nasaan si Ilheezsa?! Bitaw, mga kupal!"

"Kumalma kang g*go ka, kung hindi bubugbugin ulit kita!"

"Shut up, stupid. Wala akong pake kung kapatid ka niya!"

"Aba't! Eh kung sabihin ko kaya kay Ilheezsa na hiwalayan ka? O kaya naman ay ilayo ko nalang ulit siya sa'yo---"

"I won't let you."

"Nagawa ko na nga, ulitin pa kaya?"

Lumabas ako upang manahimik na ang dalawa. Nang makita ako ni Zhaac ay iika-ika itong lumapit sa'kin. Pero bago pa man siya maka-lapit ay humarang na si Justine.

"Don't touch her!"

"Alis d'yan!"

"Mag-usap muna tayo. At kapag hindi ko nagustuhan ang sasabihin mo, asahan mong habang buhay mo nang hindi makikita ang mag ina---"

"Tabe, dami mong sinasabi."kahit nanghihina ay nagawa niyang hawiin si Justine. Agad na pumalag ang isa pero pinigilan na ni Mama.

"Yari ka sa'kin mamaya."

Hindi naman pinansin pa ni Zhaac si Justine at walang hiya na yumakap sa'kin.

"Baby... I miss you..."isinubsob nito ang mukha sa aking leeg.

"I miss you too..."ipinalibot ko ang dalawang kamay sa baywang nito at hinaplos ang kaniyang likod.

"Alam mo bang para akong mababaliw kakaisip kung nasaan ka? Kung saan-saan na akong naghanap pero hindi kita makita. Nilibot ko ang buong manila, even my friends helped me tapos dito sa lugar na 'to. Ang nag iisang lugar na hindi ko naisip puntahan. Dito ka lang pala tinatago ng g*gong 'yon. Halos isumpa ko na siya kahit pa alam ko ang sitwasyon na kinakaharap niya, tapos malalaman ko pang kapatid mo siya? F*ck! Pa'no akong gaganti sa pambubugbog niya sa'kin ngayon?"parang batang sumbong nito.

Natatawang hinalikan ko nalang ang noo nito. "Mabait naman si Justine, Zhaac. He took a good care of me. Binibili niya rin ang lahat ng cravings ko at ang mga personal na gamit."

"I know... Pero hindi mo maiaalis sa'kin ang mag alala. Matagal na panahon na simula nang mawalan kami ng koneksyon at alam kong galit siya sa'kin. Gusto niyang maghiganti dahil sa maling paratang niya sa'kin. And I can't blame him. Sarado ang isip niya at alam kong maaayos na namin ang lahat kapag nakapag-usap na kami ng masinsinan."

"Ano bang dahilan ni Justine?"

"I will tell you, pero siya muna ang kauusapin ko. For now, let's go to your room and let me hug you."mahina pang sabi nito.

Soft Beast ( COMPLETE )Where stories live. Discover now