~1 Sore

7.4K 247 22
                                    

***Sore***

            GUSTO KO mang magsisigaw nang maramdaman ang kakaibang sakit galing sa pagitan ng mga hita ko ay hindi ko magawa dahil ayokong magising ang lalakeng mahimbing na natutulog sa kama. Maingat akong bumangon pero hindi pa man ako nakakarating sa pinto ay natumba na ako.

Hindi ko alam ang gagawin nang mabungaran ang istrangherong lalake na mahigpit na naka-yakap sa baywang ko kanina lang. Nataranta ako pero agad na pina-kalma ang sarili dahil binangunan ako ng matinding takot. Ayokong magising ito at makita ang itsura ko.

Nakakahiya!

Nagmamadali ako no'ng bumangon and thankful ako nang hindi ito magising. Pinilit ko pa ang sarili na lisanin ang kama at nang magtagumpay ay pilit ang sariling mag-bihis bago umalis.

Hirap man ay nagtagumpay naman ako na nalisan. Sumakay ako sa elevator at sumandal do'n dahil hindi na maganda ang pakiramdam ko. Parang ano mang oras ay matutumba ako. Sobrang sakit nang katawan ko, lalong lalo na na ang nasa pagitan ng hita ko. Ni hindi ko nga alam na nasa mataas kaming building. O hindi ko lang napansin dahil sa kalasingan.

Gaano ba kalaki ang kargada ng lalakeng 'yon?

Alam kong sobrang lake pero gusto kong malaman ang eksaktong sukat para naman alam ko kung g'ano kalaki ang ni-welcome ko kagabi!. Naalala ko ang lahat ng nangyari kagabi lang. Gusto kong kastiguhin ang sarili dahil sa mga katangahan. Sa halip na maghanap ng trabaho ay sakit ng katawan pa ang nakita ko. Wala na ngang pera nag aaksaya pa ng oras sa walang kabuluhang bagay.

Gusto kong tutukan ang kalusugan ni lola dahil matanda na ito, marami nang gamot na kailangan inumin. Kaunti nalang ang perang mayroon ako kaya kailangan ko nang mag-seryoso sa paghahanap ng trabaho. Pero paanong mangyayari 'yon kung ganito ang kalagayan ko. Napaka-bigat ng talukap ng mga mata ko, gusto kong mahiga at matulog nalang mag-hapon.

Narinig kong bumukas ang elevator at pikit mata akong lumabas. Hilot hilot ang mga brasong pilit na nag-lakad papaalis. Pakiramdam ko ay hindi ko na kayang idilat ang mga mata ko. Ni hindi ko nga alam kung nasa ground floor ba ako o nasa ibang palapag palang ng building.

Pinilit kong ihakbang ang nananakit na hita pero hindi iyon nag-tagal. Hindi ko na ma-kontrol ang galaw ko hanggang sa unti unti akong bumagsak.

"Oh my gosh! Hey, miss. Wake up!"panandalian kong naimulat ang mata para tignan kung sino iyon at bumungad sa'kin ang mala anghel na babae.

Hindi ko na napag aralan pa ang itsura nito dahil unti unti na akong nilalamon ng dilim. Basta ang alam ko lang ay paulit ulit nitong tinatapik ang namamanhid kong pisngi.

***

"MAY MGA deep cuts akong nakita at siguradong makaka-apekto iyon sa paglalakad mo. Sa tingin ko ay apat na araw o higit kang mahihirapan sa paglalakad. Pero may mga gamot akong ibibigay para sa mabilis na pag galing. Inumin mo lang iyon sa loob ng isang linggo and kung sa tingin mo ay hindi ka pa okay, visit me here and I will check you up, okay?"

Napa-hilot ako sa sariling sentido sa sinabi ng doctor. Marami na nga akong problema, dadagdag pa ito. Paano akong hahanap ng trabaho kung isang linggo akong hindi makakalakad ng maayos?! Ano? Tengga lang ako sa bahay habang nag iisip kung paano na kaming makakakain dahil paubos na ang pera ko, gano'n?!

Eh, mamamatay kami sa gutom no'n! Ano ba naman kasing katangahan ang pinaggagagawa ko?!

Hindi ko namalayan na nag uunahan na palang bumagsak ang luha ko. Nasa gano'n akong sitwasyon nang may magaang kamay ang humaplos sa aking likod . Nang mag-angat ako ng tingin ay bumungad sa'kin ang babaeng kanina kong nakita bago ako mawalan ng malay. Puno ng pag-aalala itong naka-tingin sa'kin.

"Hey... Are you okay? Why are you crying?"magaan ang boses na tanong nito. "If it's about the bill, don't worry. Nabayaran ko na."dugtong nito.

Napa-ayos ako ng upo. Medyo napa-igik pa nang bahagya kong maigalaw ang lower part ng katawan ko. Pinahid ko ang luha bago ito tinignan sa mga mata. Sandali pa akong natigilan nang makita ang pares na mga mata nito. Pamilyar ang abuhing mata niya.

"A-Ano... Ma... Magkano? Babayaran ko nalang..."mahinang kausap ko dito.

"Naku! 'wag na. It's okay."

"No, babayaran kita. Para na rin sa tulong at abala."

"Ano ka ba,okay lang... Natakot ako kanina nang matumba ka nalang sa harap ko. Sa naaalala ko ay masakit ang bagsak mo sa floor. Nataranta ako kaya bubuhatin sana kita kaso hindi pala ako lalake! Kaya ayon, si Kaelh nalang ang bumuhat sa'yo papunta dito. No, I mean, si Kaelh ang bumuhat sa'yo papuntang kotse ko, tapos nag maneho din siya habang ako nasa tabi mo, inaalalayan ka. Panay pa ang bulong mo na 'masakit' tinatanong kita kung ano masakit pero hindi mo naman ako sinagot kaya nanahimik nalang ako. Muntik pa mga ako mag-tampo eh, mabilis kasi ako mag-tampo. Tapos nang maka-rating sa hospital ay maingat ka niyang binuhat ulit, sabi ko kasi ingatan. Maingat ka ulit niyang hiniga sa stretcher kahit hindi ko naman sinasabi. Tapos ayon, hinila na ang higaan mo, pinasok ka sa E.R kaya naiwan ako sa labas, bawal daw ako sa loob kaya ang ginawa ko, kina-usap ko nalang si Kaelh kahit hindi naman niya ako sinasagot. Minsan iniisip ko, putol ang dila niya pero hindi pala kasi nakita ko siyang humihikab kanina. Nang malaman ko 'yon, kinausap ko ulit siya pero hindi parin sumasagot kaya ang inisip ko naman, pipi siya. Natuyuan na nga lang ako nang laway hanggang sa sinabi na nga ng doctor na okay kana daw. Pinalagay kita sa private room at dahil tanga 'yong doctor, tinalikuran ko siya habang nagpapaliwanag. Nagkaroon ka daw ng appreciation, bakit niya sa'kin sinasabi? Ako ba pasyente?! Kaya ayon, iniwan ko siya."

Appreciation? Baka laceration...

Gusto kong mapanganga sa mahabang sinabi nito. Detelyado ang lahat na animo'y kailangang kailangan. Ang totoo, natutuwa ako sa paraan ng pananalita nito. Sa itsura palang ay kitang kita na ang ibang lahi nito pero ang pananagalog ay diretsong diretso.

Kung normal lang ang araw na ito ay siguradong humagalpak na ako ng tawa pero hindi maganda ang pakiramdam ko. Masyadong mabigat pero hindi na katulad kanina. Masakit ang nasa pagitan ng hita ko, oo pero nabawasan na, dahil siguro sa pain reliever na pinainom sa'kin kanina.

"Teka, hindi pa pala ako nagpapakilala. Ehem, I'm Zhalia Yamaz, twenty-four, daughter of Deniel Yamaz and Elizabeth Yamaz, galing sa bansang---Ugh! Dugong spanish pero pusong pinoy, how 'bout you?"para itong naasiwa nang ipakilala ang sariling may dugong taga labas ng bansa.

"A-Ah... Ano... Ilheezsa Ojano."nagulat ako nang kusa nitong kinuha ang kamay ko at nakipag-kamay.

"It's nice to meet you, ShaSha! Sa ayaw o sa gusto mo, bestfriend na kita, okay?"bago ako nito niyakap.

Magaan lang iyon, banayad at maingat. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang kagaanan ng loob na naramdaman ko para dito. Basta ang alam ko, gusto ko siyang maging kaibigan.

***

Vote and comment mga Luvs.

Soft Beast ( COMPLETE )Where stories live. Discover now