~30 I like you

3K 127 3
                                    

***I like you***

                IN-ENJOY KO nalang ang pagkain ng inihaw. Natakot talaga ako sa kaninang tagpo pero kumalam na ang sikmura ko kaya naka-limutan ko agad. Masarap talaga ang mga ito at mukha pang malinis. Sulit ang bayad. Nasa panghuling subo na ako ng isaw nang  nakaramdam nang pagsusuka.


Sh*t naman!

Walang pag aalinlangan akong pumasok sa restau na katabi ng ihawan upang pumunta sa banyo. Ayokong sumuka sa tindahan ni Manang. Nakakahiya. Nalula pa ako sa laki ng restaurant nang tuluyan akong pumasok. Mabuti at nagawa ko pang magtanong kung nasaan ang C.R kaya nagmamadaling pumunta ako ro'n.


Hindi ko na tinignan pa kung sa panlalake o babae ba ako pumasok. Nasusuka na talaga ako. Lumapit ako sa lababo at do'n nilabas lahat. Mabuti at walang tao dahil sa panlalake pala ako nakapasok. Sapo ang t'yan na yumuko ako upang mailabas lahat. Para bang tinulak lahat ng aking t'yan papalabas. Sayang lang pala ang pera ko.


Patuloy ako sa ginagawa nang aking marinig ang pagbukas at pag lock ng pinto. Wala akong panahon na tignan pa kung sino iyon dahil nananakit na ang aking sikmura. Kulang nalang ay dumaan na sa ilong ko. Habang nakayuko parin sa lababo ay siya namang yabag ng paa papalapit sa'kin. Kasabay no'n ay ang paghagod nito sa likod ko. Agad na kumalat sa paligid ang pamilyar na pabango nito.


"I'm mad, you know?... Pero hindi ko kayang magalit sa'yo ng matagal..."seryosong sabi niya.

Lumuluhang nag mumog at humarap ako sa kaniya. Nanghihina ako. Nakakainis. Ang dalawang malalaking kamay nito ay inalalayan ako na makatayo ng diretso. Nang hindi makayanan ay yumakap na ako dito.


"Are you okay?"

"N-No..."

"Kaya mong mag-lakad?"

"Hindi..."

Hindi na ako nagulat nang buhatin ako nito. Iniyukyok ko na lamang ang aking mukha sa leeg niya. I love his scent. Napapakalma ako.

***

               KINAIN NG takot ang buong sistema niya nang hindi maabutan si Ilheezsa. Buntis ito at kung may mangyaring masama sa dalaga ay hindi niya talaga mapapatawad ang sarili. Bakit ba naman kasi nag inarte siya kanina? Nagugutom ito at responsibilidad niyang bigyan ito ng makakain dahil hindi lang isa o dalawa ang nakikinabang sa pagkain na isinisubo nito. Kundi tatlo!


Bakit hindi ako nag iisip?!

Mabilis na kinuha niya ang cellphone upang tawagan si lola Beth upang tanungin kung pumunta ba do'n si Ilheezsa. Pumunta rin siya ng parking lot upang hanapin ang dalaga.

"Hello, Apo. Bakit?"

"Lola, nand'yan po ba si Ilheezsa?"

"Wala. Bakit? Nag-away ba kayo?"

"Hindi po. Sige na po. Ingat kayo d'yan, 'wag hong magpapakapagod."

Soft Beast ( COMPLETE )Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ