GOTA: 01

423 17 5
                                    

They always asked me, ano ang nagustuhan ko sa pag guhit? Ano naman daw mapapala ko rito?


Hindi ko alam kung mayroon ba akong mapapala pero sa lagay ko ngayon, alam kong mayro'n. Anong nagustuhan ko sa pagguhit? Simple lang. In arts, I can express my feeling without telling it like what others do.


"Dre, may gawa ka sa essay ni Mrs. Sungit?" Tanong sa akin ni Lance, nakaabang naman sa isasagot ko si Ashter.


Mga tao talaga ngayon, kahit 'di gusto ang course basta may kokopyahan why not diba?


"Hingi kayo kay Lovie, 'wag kayong aasa sa'kin. Sabay sabay tayong babagsak imbis na sabay sabay tayong magtatapos." Litanya ko at tumawa. Binatukan naman nila ako.


"Kay Shy kayo humingi, taas ng grades niyan kay Mrs. Sungit remember? Favoritsm." pagbabalik naman sakin ni Lovie. 'Di pa sinakyan, parang 'di kaibigan.


"Hoy Louisse Vienne at Shienny Khim 'wag niyo kaming pinagloloko ha."


Masama ang tingin samin ni Ashter. Parang papatay ang gaga.


"Alam naman namin na maganda yung second name namin pero wag niyo namang banggitin. Nakakabawas ng dignidad." Litanya ni Lovie.


Napatawa naman ako. It's true. Tawagin ka ba naman sa second name mo?


"Kaysa naman sa inyo Ashlene Tertiana." sagot ko at ipinitik ang kamay ko. "Mas lalo kana Lace Nash, lubid ka?." Sagot ko at tumawa ng malakas.


Wala akong paki kung may mga dumadaan pang estudyante dito. Ang mahalaga nakapag joke ng hindi corny.


"Stupid." Irap sakin ni Lance.


"Hindi ako tanga sa love kagaya mo Lance kaya please lang." Sagot ko at nilagay ang kamay sa dibdib tsaka yumuko.


Napahagikhik naman ako dahil sinimulan nya kong kilitiin. "Tama na hoy, hindi na mauulit Lance ko." Asar ko sa kaniya na ikinapula naman ng tainga niya.


"Oh, kinilig si Lourd. Kung 'di niyo lang ako kaibigan iisipin kong kayo na." Pang aasar ni Ashter. Napatigil naman ako sa pagtawa dahil do'n.


"Talo talo am."


"Kadiri tanga."


We said in unison.


Hindi pumasok yung teacher namin sa dalawang subject kaya bakante kami ngayon. Panis, baka teacher namin 'yan.


Hindi rin pumasok 'yung sa Gen Math. Yawa. Ang hirap hirap ng pina assignment nyo tapos 'di kayo papasok. Ayos 'yan ha. Minadali ko pa 'yon!


Sa sobrang inis ay lumabas na lang muna ako ng classroom at pumunta sa garden.


Fresh air.


Kaso walang gwapong dumadaan.


Bakit kasi laging busy ang mga pogi rito sa UPLB! Masiyadong focused sa studies, sinesecure ata future namin.


Pero sa seryoso, madalang akong makakita rito ng lalaking gwapo tapos hindi masyadong nilulunod ang sarili sa pag-aaral. Parang in the middle of study and bar.


Gano'n lang naman ang ibang estudyante ngayon. Sa totoo, madalas ay pagkatapos ng exam asahan mong puno ang bar na malalapit rito. Buti nalang may sariling bar sila mama rito kaya nakakapag reserve kami. Pero, bawal ako sa alak kaya yakult muna.


I saw some man na paikot-ikot and based sa suot na hindi sila tiga rito sa school dahil bawal dito ang hindi naka uniform. Naka black shirt silang lahat maliban sa lalaking naka black cap at white shirt.


Grief Of The ArtsWhere stories live. Discover now