GOTA: 12

89 8 0
                                    

Sa sobrang bagal ng araw ay hinihiniling ko talaga na pabilisin na 'to ni Grim Reaper Gong Yoo. Napaka tagal mag Sunday. Excited na ako eh.


Wala bang ginnie diyan sa tabi tabi para naman makapag wish ako na pabilisin niya ang araw at gawing linggo na agad? Inip na inip na ako. Gusto ko nalang humilata sa bahay at matulog hanggang sa mag linggo.


Pinagsasampal ko ang sarili ko. Shy ganito kaba kaadik kay Jace? Magdahan dahan ka naman.


Hindi tayo puwedeng bumagsak tapos hindi tayo sasaluhin. Mali 'yon.


Hindi na ako magtataka kung sasabihan nila ako na ang bata bata ko pa tapos ang landi landi ko na!


Bakit ba? Masama bang kiligin kahit mga five seconds? Nakakasawa naman 'yung lagi akong nakatunganga 'no. Kailangan ko rin maranasan maging blooming kasi in love.


Nakakainggit kaya 'yung mga school mates kong nakangiti lagi kapag pumapasok. 'Yung tipong kahit may surprise quiz, nakukuha pa ring ngumiti.


Kami kasi kapag may surprise quiz auto rant sa twitter. Paano kasi yung mga nagpapaquiz e hindi naman nagkaklase. Ginawa lang nila nung araw na 'yon ang ikekwento 'yung talambuhay nila hanggang sa maubos 'yung oras.


Wala na. Wala nang naturo. Tapos kapag bagsak, kami sisisihin. Kasalanan ba namin ang daldal nila at inuna pa ang chismis ni aling Marites kaysa sa pagtuturo?


"Good morning class."


Nabalik ako sa ulirat ng makita si Sir Rush. Last subject na pala ngayong araw at Saturday na bukas.


"Ah Miss Mendez. Come here." Tawag nito sa akin kaya napatalima agad ako.


Iniisip ko kung may nagawa ba akong kasalanan naglalakad ako papunta sa kaniya. Nakakaiyak naman to si Sir ' e. Ichicika ko talaga 'to sa kambal.


"Why po Sir?" Parang walang muwang na tanong ko sa kaniya.


Kinakabahan ako! Wala naman akong maalalang may ginawa akong hindi kaaya-aya ngayon linggo. Mabait po ako.


"There's someone who wants to talk to you outside. You're excuse for a minute." Saad nito kaya nagtaka ako.


Sinong kakausap sa'kin? Baka kidnapin ako at ibenta ang organs ko ha. Wag na wag. Marami pa akong pangarap.


Out of curiosity ay lumabas na ako at nakita kong nakasandal sa railings sa corridor si Jace. Bakit nandito 'to? Akala ko Sunday?


"Hi!" Saad ko at lumapit sa kaniya.


Umangat ang tingin niya sa akin. Malamlam ang mga mata nito. Halatang pagod.


"Is there any problem? Pagod ka?" Tanong ko sa kaniya.


"A-ahm." He stuttle a bit. Okay? "Ah Shine is it okay if we move our date next Sunday? May kailangan kasi kaming puntahan sa Sunday e, for school. I try to explain it to my prof but I need to be there. I'm sorry." Litanya nito.


I can't process what he just said.


"Move? Next Sunday? Uh okay?" Hindi ko alam kung anong sinasabi ko. Halos matulala ako sa sinabi niya.


"Hey look. It was not my inten-" I cut him off.


"Ah ano. Okay lang. Balik nako sa klase ko. Ilang minuto lang binigay sa akin ni Sir." Saad ko at tumalikod na.


Kailangan ko talagang bumalik. I can't miss his discussion! Hindi ko parin ma process yung sinabi sa akin ni Jace. In short. Sabog ako.


He pulled my wrist that get me closer to him. Muntikan pa akong masubsob sa dibdib niya!


Grief Of The ArtsWhere stories live. Discover now