GOTA: 25

113 7 1
                                    

Undas break na. We plan to go to Tanay first then deretso na sa Tagaytay.


"Hello po Tita." Saad ni Jace at nagbless.


Akala niya hindi ko nakalimutan 'yung ginawa namin nung nakaraan! Maginoo na medyo bastos!


"Good evening hijo. Bakit kayo nandito?" Tanong Mama habang nagluluto.


"I am asking permission po. We're going to Tanay, Rizal tomorrow then head to Tagaytay po." Saad niya ng buong galang.


Nakakataas ng standard to si Jace. Kahit sinong makakakita rito, baka magustuhan din siya eh.


"Oh? Sige hijo. Dito ka na rin matulog tutal mukhang dala mo na ang maleta mo at hindi ka mahiwalay sa anak ko." Pang-aasar ni Mama na ikinapula ko.


"Mama!"


"Siya po ang hindi mahiwalay sa'kin." Saad ni Jace kaya sinamaan ko siya ng tingin.


"Sinungaling ka talaga! Sino nga ulit yung nagsama sakin sa New York kasi hindi daw matiis ng hindi ako nahahawakan?" Pang-aasar ko sa kaniya kaya't sinimangutan niya ako.


"You really love each other that much anak?" Tanong ni Papa na parang kabute sa past life dahil bigla biglang sumusulpot.


"I love your daughter tito. I think you need to ask her if she love me too." Saad ni Jace habang yakap ako mula sa likod.


"I love you." Saad ko bilang kasiguraduhan sa kanya.


Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob dahil nasa harap ko ang nga magulang ko. Pero at least hindi na siya maghihinala kung nagsisinungaling ba ako o hindi.


"Nako anak. Huwag ka dito at baka mapalo kita." Saad ni Mama habang tinatarayan ako kaya tinawanan ko siya.


Hinila ko na si Jace patungo sa kwarto ko.


"Inaantok ako. Baka puwedeng bukas na magimpake. Tulog na tayo." Saad ko sa kaniya at hinila siya papunta sa kama.


Tinatawanan niya lang naman ako hanggang sa naging ngiti na lang.


"Ang creepy mo!" Sigaw ko sa kaniya at pinalo siya ng unan.


Hindi niya naman ako binawian at umilag lang. Ang pangit niya talaga maging kalaro. Sobrang bait. Kung ako ginaniyan niya nung bata ako baka nirestling ko na siya.


"May jacuzzi ba sa rest house nyo sa Tagaytay?" Tanong ko habang nag iimpake dahil pinilit niya ako para daw aalis nalang kami bukas.


"Yeah." Saad niya habang may tinitignan doon sa slambook.


"Gagi bakit na sa'yo yan?!" Tanong ko sa kaniya at agad na binawi iyon.


But Jace is Jace. Tinaas niya iyon kaya tinalon ko naman.


"Crush: Loowi Kinter Montenegro." Basa niya sa crush ko dati.


"Jace akin na!" Sigaw ko sa kaniya pero tinatawanan niya lang ako.


"You have a crush kay Loki?" Tanong niya sakin at ibinagay na yung slambook.


"Oo! Malay kobang nag eexist ka niyan!" Sigaw ko sa kaniya at tinabi iyon sa drawer ko. Mahirap na!


"So if you know that I exist—"


"Hep! Oo na! Gwapo ka na. Mabilis kang magustuhan." Sigaw ko sa kaniya kaya tinakbo niya ang distansya namin.


Grief Of The ArtsUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum