GOTA: 10

123 9 1
                                    

Nadaan ko ang ibang mga tropa ni Kuya na mga babae. Naka swim suit ang iba. Ang sexy nila.


Umakyat ako sa kwarto ko nagpalit ako ng red swim suit na nakalagay don sa study table ko. Kanino galing 'to?


Isinuot kodin yung oversize na white polo ko na mali ang pagkakabili ko online. Iyon naman kasi talaga yung size ko kaso no'ng dumating sakin hanggang half ng thigh ko siya. Nagmukha tuloy over size.


Ipinatong ko 'yon sa two piece ko at brinaid ang sarili kong buhok. Nakaka ngalay nga lang. Naglagay din ako ng light na water proof make up. Ayokong magmukang losyang. May lights sila, makikita ang pagmumukha ko.


Kinuha ko sa drawer ko 'yung box ng necklace ko at nilagay 'yon doon. Napansin ko naman yung isang pahabang box na kulay blue. Ayon 'yung pinag ipunan kong ireregalo ko kay Kuya! Hindi kona to naalala sa sobrang ginto ng presyo. Meron din isa pang box na kulay blue din. Ito yung Rolex na gustong bhin ni Kuya pero hindi niya magawa kasi kuripot siya.

Dinampot ko yung dalawa at inilagay sa sa paper bag. Binalibag ko l'ang 'yon dahil sumasama ang loob ko kapag naalala ko ang presyo.


Bumaba na ko habang dala iyon at dumiretso sa pool side. Nakasalubong ko pa sila Mama.


"Ano 'yan nak?" Tanong ni Papa. "Anong laman?" Dugtong niya. Hala ka.


"Rolex po Papa and gold necklace po." Saad ko na ikinalaki ng mata nila ni Mama.


"Ganyan din gusto kong regalo sa birthday ko Anak ha." Saad ni Papa at tumawa.


Nakitawa nalang rin ako at nagpaalam na. May pinagmanahan nga talaga si Kuya. Parehas silang kuripot ni Papa.


Pumunta ako sa pool side at tinawag si Kuya. Naka beach shorts nalang siya. Napaka bilis talaga. Nando'n din si Kuya Andrey na topless din.


"Kuya Andrew!"


"Yes princess?" Tanong niya sa'kin at hinawi ang buhok niyang basang basa. 


Pinagtinginan naman siya ng babaeng tropa niya. I mean yung abs niya lang, 'yon lang naman kaaya aya sa katawan niya. Hinampas ko iyon bago tumawa.


"Hoy!" Sigaw niya sa'kin.


"Takpan mo nga andaming nakatingin." Saad ko at tinarayan siya. Kinuha niya naman yung tuwalya at tinakip yon sa sarili niya.


"Oh." Abot ko sakanya ng paperbag. Lumawak naman ang ngiti niya na parang bata.


"Ang taray ng bunso ko! May regalo pa!" Announce niya sa lahat ng tao kaya napunta sa kanya ang atensyon.


Hindi ba siya nahihiya? Kasi ako gusto ko nalang lumubog sa kinakatayuan ko ngayon.


Kinuha niya iyon at binuksan. Nanlaki naman ang mata niya at tumitig sakin. Malamang kasi dalawa. Nilabas niya iyon at binuksan muna yung necklace.


"Punyawa gold. Shet shet shet Chase mainggit ka hindi mo kapatid si Shy!" Sigaw niya kay Chase kaya sinimangutan siya non. "Suot mo nga sakin bilis." Utos niya sa'kin.


Bwisit. Pasalamat siya birthday niya. Kinuha ko 'yon sa kaniya at sinuot. Bagay. Syempre gold eh.


Kinuha niya naman yung box ng rolex. Nilipat koyon sa ibang box para naman surprise. Binuksan niya iyon at nanlaki ang mata niya.


"Tangina Rolex!" Sigaw ni Kuya at tinaas payon. "Totoo ba 'to? Hindi ba 'to prank? Baka kay Papa to ha!" Sigaw niya sa'kin kaya tinawanan siya ng tropa niya.


Grief Of The ArtsWhere stories live. Discover now