GOTA: 08

126 10 1
                                    

Napatingin sa'kin si Kuya. Nagtatanong at nagugulat ang mga mata. Sino ba namang hindi? Batang maluho, nagtatrabaho na ngayon.


Seriously kasi, mahilig ako bumili, it's not like I don't save money. Nag save naman ako pero hindi naman talaga kasya sa'kin 'yon kasi may mga kailangan pa sa school.


"Shy? Hindi ako nakikipagbiruan ha." Banta niya sa'kin at sinamaan ako ng tingin. Sinamaan ko 'rin siya ng tingin. Totoo naman 'yon ha.


"When did I lie to you Kuya? Kailan?" Tanong ko sa kanya. Siya lang naman ang nasasabihan ko ng lahat.


"Saan ka nagtatrabaho?" Seryosong sabi niya sa'kin. No sense of lying. He's my kuya after all.


"Kapag tapos ng klase ko ng 3pm dumideretso ako sa KFC para mag cashier. Then 8pm ang labas ko, babyahe agad ako papuntang Sta. Mesa para mag call center. Out ko ng 3am, doon lang ako nakakabalik sa apartment tapos ginagawa ko pa assignments ko kaya isa o dalawang oras lang ang tulog o kaya wala." Sagot ko at yumuko. 



Patuloy sa pagbagsak ang luha ko kahit ilang beses ko na iyong pinalis. Nakaka-inis naman.


"Bakit? Bakit Shy?" Tanong niya ulit sa'kin na ikinahikbi ko lalo.


"W-wala nakong pera Kuya eh. Hindi na kasya sa'kin 'yung na ipon ko." Saad ko sa kaniya at nagsumiksik sa leeg niya.


This is my comfort place. In his arms. Inside of my Kuya's arms. Siguro kung nandito 'yung kambal ko, ganito rin kami 'no?


"Diba sabi ko sa'yo kapag walang wala kana, puntahan mo lang ang Kuya?" Saad niya sa'kin at umiiyak na rin.


I want to cry louder of the term he used for himself. Kuya. My dearest Kuya, bestfriend.


"Nahi-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bumukas ang pinto ng kuwarto niya at inuluwa nito sila Mama, Papa at Kuya Andrey.


"Totoo ba yon Shy?" Mahinahong tanong ni Mama.


I know that she was in the verge of crying. Namamasa na ang mata niya. I know she doesn't want me to work. Ayaw na ayaw niya iyon kaya't hanggat maaari, sila ang gumagastos para sa'kin.


"O-opo." Sagot ko at inilabas pa yung ID at name tag ko na nasa bulsa ko lang. Kinuha niya iyon at lumapit sa'kin.


Mas lalong nangilid ang luha niya at umiyak sa balikat ko.


"A-anak naman." Saad niya at humagulgol sa balikat ko.


Hindi ko mapigilang yakapin si Mama. Tumingin ako kay Kuya Andrey at nakatitig lang siya sa'kin. Blangko rin ang tingin ko sa kaniya. Wala na yung galit. Napalitan na ng tampo.


"Birthday ko tas nag-iiyakan tayo ha." Sabat ni Kuya at pinanlakihan ako ng mata. Gets ko na 'yon.


"May tumutulong naman po sakin Ma." Saad ko.


Sinamaan ko talaga ng tingin si Kuya Andrew. Kapag kami lang nahuli rito.


"Sino? Dapat magpasalamat ako diyan anak. Sino 'yan?" Paulit ulit na tanong ni Papa kaya napatingin ako sa kaniya.


Napatingin naman ako ulit kay Kuya na hindi nakatingin sa'kin. Sinasabi ko na nga ba!


"Si J-jace po." Patawarin mo ko nawa Jace.


"Wag ka ng magta-trabaho ulit Shy. Puwede ka namang lumapit samin kapag hindi mo kaya. Alam mong may hika ka 'di ba."


"Kaya ko po 'no!" Sigaw ko at tumawa pa pero sinimangutan nila ako.


Grief Of The ArtsWhere stories live. Discover now