GOTA: 33

120 9 1
                                    

The photo shoot went well here in New York. Ngayon ay nasa magdamagang byahe nanaman kami papauwi.


Ngayon ang party ni Jace at alam kong hindi ako makakaabot doon kahit anong gawin ko. Limang araw narin ang lumipas ng alukin niya ako ng hiwalayan.


Grabe, dati ba siyang bumbay in a unique way? Sakit niya sa atay.


"You okay?" Aethan asked me.


"The truth? No. Hindi ako okay." I answered.


"So kailan ka magiging okay?" He asked again.


"Kapag kinausap niya ako, kapag nag-usap kami. Kapag mayroon na siyang time ulit sa akin?" Patanong na sagot ko.


Even me, I don't know if we'll get back to what we are before. Because honestly, puro lamat na.


We can't fix a broken glass perfectly.


Kung ako ang tatanungin, hanggang ngayon, gusto ko pa 'rin siya. Wala akong iba, wala akong ipapalit. Siya yung mahal ko, kaya babalik at babalik ako sakanya.


Hanggang ngayon, tinatanong ko pa 'rin ang sarili ko, kung saan ako nagkulang, saan ako nagkamali. O di kaya'y nagkulang ba talaga ako? O humihingi lang siya ng mga bagay na hindi ko kayang ibigay?


Mahal ko si Jace. Mahal ko siya. Pero hindi ko alam ang kaya kong gawin kapag naubos ako.


"Kain na." Bulong sa akin ni Aethan kahit nasa private plane kami.


"Ayoko, busog pa 'ko." Tanggi ko at tuminhin sa bintana.


"Ayaw mo? Sarap pa naman ng nachos. Oh yum." Saad niya.


I look at him and he's eating a nachos right now.


"Pahingi?" I asked and pout.

"Hindi mo ako madadala sa pa cute mo. Kumain ka muna ng dinner." He said and hid the nachos.


"Pahingi muna ako Aethan!" Sigaw ko but he just shook his head. "Isa, Aero Thunder makakatikim ka sa'kin!" Sigaw ko ulit pero lumayo siya sa'kin.


"No, eat your dinner first. Baka sumakit ang tiyan mo." He said while laughing.

Ang lakas mang-asar nitong lalaking to!


"Pahingi ako! Isa lang! Promise!" I said and raised my hand.


"Left yan." He notice so I change it with right.


Kumurot siya ng napakaliit na piraso ng nachos at ibinigay yon saakin.


"Bwisit ka! Muka ba akong hamster?!" Sigaw ko habang hinahabol siya sa aisle papuntang cockpit.


"Oo! Mukang magang siopao ang pisngi mo! Tapos yung mata mo pang hamster din!" Sigaw niya pabalik.


"Talaga, 'wag mo 'kong kakausapin." I said and get back on my seat.


Nakatulog ako at nagising lang makalipas ang ilang oras. Matagal pa bago mag land kaya nag cr muna ako.


"Ah, hello? Do you have some food?" I asked one of the flight attendants.


"Yes ma'am, Sir Lee left you some. Let me prepare it and I'll just bring this to your seat once I'm done." She said politely, ang cute niya.


"Can I eat here? Lintik na Aethan 'yun." Pabulong kong sabi sa huling parte.


"Anong nangyari ma'am?" She asked making me gasped.


Grief Of The ArtsWhere stories live. Discover now