GOTA: 07

130 10 0
                                    

"Punta muna ako sa KFC. Magpa-paalam ako sa manager namin. Baka patalsikin ako no'n. Ang sungit sungit pa naman no'n. Sarap pabagsakin eh." Sabi ko kay Jace habang nasa likod ko siya.


"No need Shine." Saad niya kaya napalingon ako sa kaniya! This is the second time he call me Shine!


"Paanong no need? Susustentuhan mo ba ako kapag natanggal ako sa trabaho? Pabida pa naman 'yung boots na 'yon." Naghahamon na tanong ko sa kaniya at tinaas pa ang kilay ko.


Totoo naman! Papakainin niya ba ako kapag tinaggal ako ng boots na 'yon?


"Boots? 'Yung manager?" Tanong niya at tumawa.


Napatingin naman ako sa kaniya. This is the first time I heard him laugh.

"Wala akong sinasabing boots ah!" Depensa ko! Narinig niya pala 'yon.


"Hmm." He said then laughed sexily.



What the fuck! Bakit ang unfair ng mundo?!


"No need to excuse yourself to your manager." Saad niya kaya naman napatingin ulit ako sa kaniya. "That KFC is one of the branch of my family. Ako nang bahala Shine." Paglilinaw niya sa'kin.


"Sa inyo 'yon?!" Sigaw na tanong ko sakanya kaya natakpan niya ang tenga niya.


"Lower your voice. You're so noisy." He said, glaring his eyes.


Napaka-sungit!


Ganon ba kalakas boses ko? Hindi naman ha! Anong gusto niya? Mag-ala Maria Clara ako rito? Trying hard!


"A-ah. Pwedeng daan muna tayo sa branch niyo para makapag palit ako?" Tanong ko sa kaniya. Nag-aalangan.


"Doon ka na lang magpalit sa loob ng sasakyan. It's tinted. Dito lang ako sa labas. Just knock when you're done. Okay?" Paninigurado niya na tinanguan ko lang naman.


Sa kaniya pala 'tong van! Raptor pa! Ang mahal nito ah! Around 2 million ang prices nito dahil Ford. I know because this is one of my dream car.


"Okay okay. Pasok na ako." Paalam ko sa kaniya pero hindi kona hinintay ang sagot niya at pumasok na.


Ang ganda! May curtains pa ang kuya mo! Ang yaman talaga nila 'no? Halata naman sa features niya. May Aussie Accent pa kapag nagsasalita ng english.


Nagpalit ako ng white t-shirt at pantalon na itim. Black and white, parang patay ang pupuntahan ko at hindi birthday.


Imbis na kumatok ay lumabas nako sa pinto at pinuntahan siya sa gilid ng passenger seat.


"Hey. I'm done." Saad ko sa kaniya habang inaayos 'yung pagkaka tuck in ng tshirt ko.


Tumingala ako sakanya at nakitang naka hoodie na siya at pantalon na itim. Parehas pa kaming naka converse. What a coincidence.


"Oh. Match." He said, smirking.


"Saan ka nagpalit?!" Sigaw ko sa kaniya dahil nakapantalon na itim lang siya kanina at white tshirt pero naka hoodie na siya ngayon!


"Here. Naghubad ako. Bakit?" Parang walang muwang na tanong niya sa akin.


Pwede ko bang ma interview 'yung mga dumaan kanina? May abs kaya siya? I mean fit ganon? Oh my god. Shy, ang utak mo!


"Umalis na nga tayo!" Sigaw ko sa kanya at hinatak siya. Baka kung ano pang magawa ko.


"Alam mo naman bahay nila 'no?" Tanong ko sa kaniya at tinanguan nalang. Na traffic kami. May accident daw sa harap.


Grief Of The ArtsWhere stories live. Discover now