GOTA: 05

129 11 1
                                    

"The patient is okay. Isinemento ng braso niya. Mali ang pagkalaglag niya dahil natukod niya ang siko niya." That's what the doctor says.


Lumabas na din siya na saktong pagpasok nila Lance. Tinitigan niya naman yung braso ko. Inirapan ko siya. Bahala siya diyan!


"Are you alright?" Tanong ni Loki.


"Mukha ba akong okay?" Sarkastiko kong sagot sa kaniya.


Totoo naman ha! Hindi naman talaga ako mukhang okay! I'm stating the facts here!


"Hey. Sorry. Hindi ko alam na ikaw yung nasa likod ko Shy." Mahinahong paliwanag ni Lance.


Malamang e paano mo malalaman kung nakikipag suntukan ka diba? Tinignan ko siya.


"So? How would you know if you focused on punching Jace?" Sarkastiko kong tanong.


"Ah. So that man named Jace. 'Yung kahalikan mo." Walang ganang sabi ni Kuya Andrey.


"Yes. I'm CJ and she didn't kissed me. I. Accidentaly. Kissed. Her." Napatingin ako sa pinto.


Nakita kong papasok sila ng mga tropa niya. Nailipat naman ako sa private room kaya pwede kahit ilan ang bisita pero para namang may ayuda rito sa dami nila.


"Tigas ng bagang mong pumunta dito ha!" Sigaw ni Lance sa kaniya.


"Lance ano ba!" Sigaw 'ko sa kaniya. Tinignan niya ako na parang nagtatanong.


"Lahat kayo. Umuwi na. Maliban sayo Loki, Lance, at kayong lima. Maiwan kayo rito." Malamig na sabi ni Kuya.


Ayan na nga ang dragon, malapit ng magbuga ng apoy.


Nagsilabasan silang lahat. Hinalikan naman ako ni Gray sa pisngi tsaka umalis na rin. Wala namang kaso 'yun kay Kuya Andrey dahil alam niyang tinuturing akong parang kapatid ni Gray. May tinawagan naman si Kuya at alam kong sila Mama iyon.


Gigisahin nanaman ako nito. At ang masaklap pa, sa harap nila Jace. Nakakahiya.


"Wait for a minute." Saad ni Kuya Andrey habang nakaharap kayla Jace.


Nagmuni muni muna ako. Hinanap ko ang cellphone ko at nakita 'yon sa drawer. Kasama no'ng pouch na may lamang earpods. Kinuha ko 'yon at cinonnect sa cellphone ko. Nagpatugtog ako ng Yakap sa Dilim.


Sandal mo sana ang ulo mo sa unan
Katawan mo ay aking kukumutan
Mga problema'y iyong malilimutan
Habang tayo'y magkayakap sa dilim


I hummed in the song. Nakapikit pa. Feel na feel ko kahit alam kong halos lahat sila ay nakatingin. Sinabayan ko rin iyon ng pag piano sa apps ng cell phone ko.


Huwag mong pigilin kung nais mapaluha
Pakiramdam mo sana'y guminhawa
Kung gusto mo ay magsigarilyo muna
Bago tayo magkayakap sa dilim


Napaayos ako ng upo ng may umubo. Ano ba 'yan! Feel na feel ko na eh!


"What happened here?! Anak!" Sigaw ni Mama mula sa pinto.


Tinanggal ko agad ang earpods sa tenga ko at tinabi 'yon sa side table.


"Shy! Anong nangyari?" Tanong sa'kin ni Kuya Andrew at lumapit sa'kin.


Niyakap ko naman siya. I rested my head on his shoulder. I don't know but I silently cry there. Sesermonan na naman ako ni Mama. Ayos lang naman sa'kin pero bakit dito pa.


Grief Of The ArtsWhere stories live. Discover now