GOTA: 43

157 10 0
                                    

"I'll comeback once I'm done." Jace said.


"No need na Jace, sayang pera." I commented.


"So?" He half asked. "I need to go, bye take care love you." He said when he heard his flight number.


6:00 AM ang flight niya, siguro by 11:00 PM ay nasa Pinas na siya.


"Take care, love you too!" I said gracefully and then he kissed me on my forehead before heading to the boarding area.


Nang mawala siya sa paningin ko ay nagsimula na akong maglakad papunta sa exit ng Air Canada. Pumara lang ako ng taxi bago nagpahatid ulit sa bahay.


Gamit ko naman ang inayos ko dahil mamayang madaling araw na ang lipad ko pauwi. Pagkatapos iyong ayusin ay kinuha ko ang susi ng sasakyan ko at pumunta na sa garage.


Ngayon lang ako nagka free time pumunta sa ospital dahil hindi ko maiwan si Jace.


Nasakto pang wala akong dalang sasakyan noong pauwi si Kuya dahil ang sabi niya, susunduin niya ako. Actually, motor talaga ang gamit ko simula dati pero binenta ko na yon dahil ang pangit kong tignan habang nagdadrive ng naka uniform.


Binati ako ng mga nakakasalubong kong doctor at nurses. Sinusuklian ko sila ng simpleng ngiti lang.


Dumiretso ako sa office ko at kinuha ang naiwang gamit doon bago inilock ulit. Walang mag-ooffice dito dahil baka bumalik balik rin ako rito sa Canada dahil ito ang main branch namin.


I was busy driving back to my house when my phone rang. Sinagot ko ito dahil si Ate Kris naman iyon.


"Hello?" I half asked then laughed.


"Kailan balik mo? Bar tayo." Aya niya.


"Grabe! Hindi pa nga ako nakakaalis ng Canada may nag-aaya agad sa akin!" Sigaw ko.


"Kailan ba kasi?" Pagkukulit niya sa akin.


"Mamaya na 'yung flight ko pabalik ng Philippines. Kailangan ko ng Grand Entrance alipin ko." I said.


"Tang ina mo ang kapal." She cursed at me.


"Napaka buti mo namang role model Ate. Kaya siguro wala kang asawa at jowa dahil minumura mo 'yung last mo." I said then laughed hard.


"Foul kang bata ka ha ! Lagot ka sa'kin pagbalik mo! Sasabihin ko dito sa ospital 'wag ka nang tanggapin!" She shouted again, grabe talaga tong babae na to. Kawawa siguro mapapangasawa nito.


"Baka ikaw tanggalin ko diyan." I said.


Ate Kris doesn't know that I am the new hospital owner of Gutierez Hospital.  Iaanounce palang iyon pagbalik ka sa Pilipinas.


"Lakas mo naman. Sige nga, gawa oh. Walang iyakan
ha."  Banta niya pa sakin.


"Sure Doc Isabella Kristel Courtney." I mentioned her full name.


"Mandiri ka nga Doc Shienny Khim Mendez." Pagbawi niya sa akin.


"Correction, It's Dr. Shienny Khim Mendez-Sanford." Pagmamayabang ko sa kanya.


"Ay kasal? May sing-sing? Wala diba." She fired back.


"'Wag kang magulo, doon din papunta yon. Agap ko sa kanya, nabati pa tuloy.


"Talaga ba Doctora?" She teased.


"Ang epal mo, tumanda ka sanang dalaga." I fired back then ended the call.


Grief Of The ArtsWhere stories live. Discover now