GOTA: 24

85 7 0
                                    

July 19. When I gave him a yes. I can't forget how he smiled at me that time. He was precious as gold. He was handsome and tall. A boy who is family oriented. Study first daw siya dati pero dumating ako. So kasalanan ko bang ang ganda ko lang?


"Saan ba tayo pupunta?! Susumbong kita kay Mama! Kakasuhan ka namin ng kidnapping!" Sigaw ko sa kaniya.


Kanina pa kami nasa daan pero hindi parin kami nakakarating sa kung saan man kami pupunta. Naiinip ako e.


"Chill love." He said.


Natahimik naman ako. Hindi pa rin ako sanay na tinatawag niya akong love! Imbis na matuwa, napapangiwi ako. Hindi ko alam kung bakit.


Paano kasi, kakauwi ko lang ng bahay. I mean kakabihis ko pa lang galing school tapos hihilahin niya ako papunta sa sasakyan niya. Akala ko tuloy may magnanakaw at sumigaw pa ako kanina. Nakakahiya.


"Pahiram cell phone. Pupunuin ko na lang gallery mo." Saad ko at hindi na hinintay na ibigay niya sa akin yon dahil nakuha ko na.


He just laughed at me. Wala naman na kasing password ang cell phone niya ngayon. Tinanong ko siya nung nakaraan. What if kinalkal ko to tapos nahuli ko siyang nagsesearch ng babaeng naka bikini lang? Wanna know his answer?


'Shienny Khim Mendez Bikini Photos is the one I would search'. Like dude! Napakalakas ng loob niya. Walang hiya 'tong lalaking 'to.


I opened his camera at doon nagpicture. We should be confident without filter. Nang matapos ay pumunta naman ako sa gallery niya. Puro picture ko lang nandoon e! Mayroon siyang picture kaso isang piraso ata kada buwan ang ruling.


"Love tingin ka." I said.


When he looked at me, I quickly press the button.


"Naks gwapings. Sana all photo genic. Sana all pogi kahit sa mga stolen." Untag ko sa kaniya na tinatawanan niya lang. "Post ko 'to ha." Asar ko sa kaniya at sinamaan niya lang ako ng tingin.


Kaso, kasi ano. Pinost ko muna bago ako nagpaalam. Wala ng atrasan, dami na agad nag like.


"Artista kaba o may kamukha kang artista? Bakit andami mong followers?" Tanong ko sa kaniya habang nagi scroll sa followers niya.


"Pogi kasi ako." Untag niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.


"Ang pangit mo talaga. Hangin grabe." Asar ko sa kaniya pero tinawanan niya lang ako.


Nakakainis talaga siya kasama. Nakakainis din asarin. Hindi napipikon. Nangigigil ako para gusto ko na lang siyang bugbugin kapag tinotopak ako. 'Pag ako may kasalanan siya pa rin 'yung magsosorry. Nakakawalang gana kabonding, joke.


"We're here." Saad niya.


I looked around. Dito pala kami sa Manila. Kaya pala antagal kasi MOA pa 'to.



"Cap." Saad niya ulit sa akin. Inabot ko naman 'yon at sinenyasan din siyang magsuot 'non.


Baka imbis na magsaya kami, bigla kaming dumugin. He's the second son of Sanford's, and I am a model kaya't kilala kami.


Pagkalabas na pagkalabas ay andami nang tumitig agad sa amin. Napayuko naman ako. Hindi na ako magtataka ulit kapag may nakakilala na naman sa amin.


"Omg! Ate! Kuya papicture po!" Sigaw ng isang babae kaya't wala kaming nagawa ni Jace kung 'di magpapicture nalang.


"How did you know that it is us?" Tanong ko sa kaniya kaya nginitian niya ako at nagtitili tili.

Grief Of The ArtsWhere stories live. Discover now