GOTA: 06

120 10 0
                                    

"Hey. Shy. Lunch na." Naramdaman kong may umaalog sa'kin kaya napadilat ako.


"Lovie, inaantok pako." Saad ko sa kaniya at humikab.


Alas tres na ako naka uwi dahil sa call center. Gumawa pa ako ng assignments at PETAs.


"Kailangan mong kumain. Ang payat mocna oh." Saad niya sa akin at tinuro pa ko.


Alam ko naman na pumapayat na ako dahil minsan ay dalawang beses nalang ko nakaka kain sa isang araw dahil sa pagtitipid. Bumibili din kasi ako ng materials for school, hindi na kasya pera ko.


Dalawang linggo na rin kasi simula no'ng mangyari 'yung bagay na 'yon. Simula no'n, hindi na ako umuwi sa bahay dahil tumuloy ako sa apartment. Though, mabigat pa rin ang atmosphere.


"Busog pa ko. Kayo na lang." Pagsisinungaling ko dahil inaantok pa nga ako. Kusa ng bumabagsak ang talukap ng mata ko at wala naman akong pambili ng pagkain.


"Bibilan nalang kita tapos kainin mo ha." Saad ni Ashter.


Nanahimik nalang ako at dumukdok ulit. Hindi pa malalim ang pagtulog ko ng bigla nanaman silang dumating.


"Shy kainin mo raw 'to oh!" Sigaw nila sa'kin kaya naalipungatan ako.


"Hindi nga ako gutom." Mahinahon kong saad.


Don't let my temper break down. Sisigawan ko talaga sila. Pagod ako.


"Eat or else ako ang magpapakain sa'yo." Kumunot naman ang noo ko at nagsulubong ang kilay.


"Sinabi ngang hindi ako gutom! Hindi ba kayo maka intindi?!" Sigaw ko at tumingala.


Nawala naman ang pagdidikit ng kilay ko ng makilala ko kung sino yon. Si Jace. Dalawang linggo narin pala no'ng huli ko siyang makita.


"Kakain ka o isusubo ko sayo to?" Tanong niya sakin. Umayos ako ng upo at hinablot 'yon sakanya. "Good." Saad niya at upo sa tabi ko.


Good lang? Ayaw niya ng very good? Binuksan ko 'yung lunch box at nakita adobo 'yon.


"Favorite." Mahinang saad ko at pasimpleng ngumiti. Tumawa naman siya.


"Kumakain ka pa ba ng maayos? Ang payat mo na oh." Sabi niya sakin.


Puro katawan ko nalang napapansin! Ayaw niyo sa muka ko? O kaya sa mata? Na doble doble na ang eye bags?


Simula ng mag working student ako, alam ko na kung anong klaseng hirap ang nararamdaman ng mga kaklase kong halos matulog na lang sa klase.


Mahirap. Hindi na rin kasi ako humihingi ng kahit ano kayla Mama, Papa at Kuya. Malaki kana Shy diba? Kaya mo na diba? Dalawang lingo pa lang naman pero para na akong nalulugmok.


"Nakaka kain pa naman ako 'no!" Sigaw ko sa kaniya.


Paos ako ngayon. Kumanta ako sa bar kagabi eh. Sayang, pera din 'yun.


Alas tres natatapos ang klase ko dahil minsan ay may meetings sa club. Pagkatapos no'n, dumidertso ako sa KFC diyan malapit sa school para mag cashier din. Mas lalo ko tuloy naka close si Ate Kris. Working student din siya. Alam ko third year college na ata siya. Doctor ang pangarap.


Hindi na siya sumagot sa'kin at ininom na lang 'yung milk tea niya. Nang aakit pa ata ang hayop! Tumunog ang cellphone ko kaya nilabas ko iyon. Nag text si Mama. Uwi daw ako. Birthday ni Kuya Andrew.


Grief Of The ArtsWhere stories live. Discover now