GOTA: 13

84 8 2
                                    

"Taray ng word of wisdom ng ate mo!"


"Walang wala sa'tin, walang experience 'yan ha!"


"Mga alagad ni satanas!" Sigaw ko sa kanila.


Epal eh. 'Di ba sila pinapansin ng mga tao sa bahay nila?


"Dre anlaki nito ha! Kasama mo si Venn no?" Sigaw ni Lance. So alam nila?


Sinamaan ko ng tingin si Chase. Ako lang 'yung hindi niya sinabihan! Maduga! Nag peace sign naman siya kaya tinawanan nila kaming lahat.


Tumayo ako at pumunta sa kusina. May pagkain ba rito? Nagugutom ako. Nachos.


"Nachos?"


Napatingin ako at nandon si Chase. Inirapan ko siya at tumango. Pumunta naman siya malapit sa sink at binuksan yung sa taas. Kumuha siya ng isang balot ng nachos doon kaya parang nagtwinkle ang mata ko. Tumakbo ako sa kaniya at kinuha agad 'yon tsaka lumabas papunta sa garden.


Sinundan nila ako sa labas dahil mag-iihaw daw at mag iinuman. Umupo ako sa swing at dinuyan 'yon gamit ang mga paa ko. Naalala ko si Jace. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Nag-aaral?


Hindi naman ako nagalit dahil sa inadjust niya 'yung date namin. Nakakatampo lang dahil excited na ako at plinano namin 'yon. Nag-imagine pa ako kung anong mangyayari sa amin sa date. O kaya kung saan man kami pupunta.


Hinayaan ko nalang dahil alam kong mas importante ang studies. Kung ako din naman ang nasa lagay niya, mas pipiliin ko 'yung mas importante.


Syempre siya! Charot!


Studies before love. My motto in life! Even I love you a lot. I would still chose my study after you. I want a secured future.


Gusto ko kapag nag-kapamilya at nagka-anak ako, gusto ko secured na rin sila. Ayokong nagpaplano ng baliko. Alam ko namang makakatapos ako eh.


I know by now that the road I am walking to will lead me on my right path.


I know that my feet will lead me to a better future.


Malubak ang dinadaanan ko ngayon at nagkakanda sugat sugat ako pero alam ko na sa paglipas ng panahon lahat ng sugat naghihilom.


Lahat ng sakit nawawala.


Lahat ng pagsisisi napapalitan ng saya.


Lahat ng pangarap matutupad.


Lahat ng daang baliko, tutuwid.


At lahat ng inaasam, natutupad.


"Ang lalim ng sinisisid ni Shy o!"



"Gagi hindi. I'm just thinking of something." Pagtatanggol ko sa sarili ko.


"Something or someone? Ikaw ha! Balita ko may date kayo ni Creed sa Linggo! Sana all Sundate!" Tukso sa akin ni Lovie. Dakilang chismosa talaga. Matakot kana Marites.


Hindi nalang ako sumagot at tumahimik na. Baka mas lalo nila akong asarin kapag sinabi kong inadjust niya dahil sa mga school works or peta ba 'yung pupuntahan nila?


"Shy! Pili ka bilis! Electric, Acoustic o Piano?" Tanong sa'kin ni Lovie.


Tinuro ko yung acoustic at binigay niya sa akin. Sakto namang dumating si Venn kaya dumiretso siya sa'min.


Sinimulan ni Lance ang pag piano na sinundan naman namin ng gitara. Buti alam ko yung Chords.


I thought I was the one who will sing pero bigla sumulpot si Chase.


Grief Of The ArtsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin