GOTA: 34

177 8 2
                                    

I was too stunned to speak nor answer what my Kuya said. Ipalaglag? No. Anak ko to. This baby know nothing. It wasn't planned, but I want to keep this.


"Pa? Ma?" I look at them both.


"Ang bata mo pa Shy. Pero wala tayong magagawa kasi nandiyan na 'yan. 'Wag mong pakinggan ang Kuya mo. Hayaan mo munang lumipas." Saad ni Papa na ikina ngiti ko ng bahagya.


"Alam na ba ni Jace?" Tanong ni Mama.


"Hindi pa po. Balak ko pong sabihin sa kaniya ngayong birthday niya po. Pupunta ako sa condo niya Ma." Saad ko at ngumiti.


"Samahan na kita. Baka kung ano pa mangyari sa'yo." Aethan said na tinanguan ko lang. 


Naghanda ako bago lumabas ng ospital. Saktong pa-land na pala kami ng himatayin ako kanina sa eroplano kaya't nadala agad ako sa ospital.


Itinuro ko muna kay Aethan na pumunta sa Red Ribbon at bumili ng cake. Nagpresinta siya na siya na lang ang bibili para hindi ako galaw ng galaw.


"Ano ba ang ipapalagay dito?" He asked.


"Ano na lang. Congrats you're a Dad? Ano ba ang maganda?" Tanong ko pabalik.


"Happy Birthday Daddy." He said then laughed.


"Ayon! Pwede na! 'Yung strawberry cake ha! Thank you!" I shouted at him at nag-okay sign lang siya.


Nagkalikot muna ako sa cellphone hanggang sa dumating siya.


"Madam oh." Abot niya sakin ng cake.

"Lagay mo sa likod." Sagot ko habang may tinitignan sa cellphone.


"Ay hindi porket muntik ka na kanina uutos-utusan mo ko ha!" Pabirong sigaw niya sakin kaya't tinarayan ko siya. "Joke lang hehe. Piece." He added and put the cake on the backseat.


Ilang minuto pa na byahe ay nakarating na kami sa condo kaya't dumaretso na ako sa lobby dahil kilala naman ako dito ng guard at receptionist.


"Dito na lang ako sa labas. Tawagin mo ko pag success na ha? Baka kalimutan mong nandito ako. Magtatampo talaga ako." Pabirong saad niya na tinawanan ko naman.


I tap the password at dahan dahang pumasok. Hinubad ko muna ang sapatos ko bago dumiretso sa sala. Wala siya dito, malamang nasa kwarto yun.


Papunta pa lang ako sa kwarto niya ng may marinig akong tawa ng isang babae. Sinundan ko ang tunog nito.


Habang dahang dahan akong iginagaya ng paa ko sa kusina ay palakas din ito ng palakas.


"Ano ba Creed may kiliti ako sa leeg. Babe!" Rinig ko saad ng babe.


Kasabay ng pagkakita ko sa kanila ay ang pagkarinig ko ng mga katagang matagal niya ng hindi nababanggit sa akin.


"I love you Sasha." He said and kissed the girl.


Napahawak ako sa kung saan kasabay ng pagbagsak ng isang basong babasagin. Napatingin sa kung saan si Jace. Agad na nagbago ang mukha niyang may ngiti sa mukha na puno ng pag-aalala.


"Hey Sasha babe are you okay? Bakit kasi hindi ka nagiingat, baka mabubog ka. Diyan ka lang. Kukuha ako ng walis." Saad niya at pumunta sa gawi ko. 


Kita ko ang gulat sa kanyang mukha kasabay ng pagkabagsak ng hawak kong cake. Hindi ko alam ang dapat kong gawin.


"S-Shy. A-anong ginagawa mo d-dito?" He asked the obvious.


Grief Of The ArtsWhere stories live. Discover now