46- I'm Leaving

40.3K 802 36
                                    

You have to keep breaking your heart until it opens.

46- I'm Leaving

"Zale, sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?" tanong ulit ni tatay nang sumakay na ako sa sasakyang maghahatid sa amin papunta sa bago naming tirahan.

Hindi ako sumagot agad at napatingin lang ng diretso sa labas ng sasakyan. Nakapagdesisyon na ako. Kailangan naming umalis at kalimutan lahat ng meron ang nakaraan. Masasaktan lang kami ni Zach pag ipinagpilitan pa naming itama ang mga pagkakamali ng mga magulang namin. Nawalan na rin ako ng interes na kilalanin pa ang tunay kong ina. Tanging si tatay lang ang kinikilala kong magulang ngayon at wala ng iba.

Kung hindi siguro dahil sa akin ay malamang nakapag-asawa na rin si tatay, ngunit nahulog ang lahat ng panahon niya sa pag-aaruga sa akin. Kaya nagpapasalamat ako't kung hindi dahil sa kanya ay hindi rin sana ako makakarating sa posisyon ko ngayon. Malaki ang utang na loob ko dito at alam ko namang nagawa lang ng tatay ang mga bagay na iyon dahil rin sa daddy ni Zach. Hindi ko alam kung kaya ko ba siyang kilalaning sarili kong ama, dahil sa kabila ng mga sakripisyo nito dati ay hindi ko pa rin maitatangging may galit pa rin akong nararamdaman para sa kanya.

Minsan ay nasaktan din ako sa mga naging trato niya sa akin kaya paano ko magagawang isiping siya ang totoo kung ama. Kung talagang siya man ay nagbago na ito. Hindi na ito ang Manuel ng nakaraan, kundi isa na itong Manuel na puno ng paghihiganti.

Bumuntong hininga ako sa naisip. "Tara na 'ho, tay." Saad ko pa dito.

Nakita kong nilingon ako ni tatay saglit at binabasa ang ekspresyon ko. Ngunit puno rin naman ako ng determinasyon kaya wala rin siyang nagawa at pinaandar na lang din ang sasakyan. Hindi ko na rin inatubiling lingunin pa ang bahay nila Zach dahil alam kong sa isang sulok ng silid niya ay nakamasid siya.

Hindi na rin nasundan pa ang komunikasyon namin tatlong araw mula nang malasing siya. Naisip kong mas maganda na ring ganun para wala ng alanganin pa. Masakit man ngunit kailangang pareho naming tanggapin na hanggang dito na lang talaga kaming dalawa. He can still be happy with Cindy, in fact e-eengaged na rin naman sila kaya mas magiging madali ang paglimot sa isa't-isa.

Hindi ko namalayang may tumulo na palang luha sa pisngi ko ilang minuto mula nang makaalis kami sa mansion ng mga Ridenfield.

Zachary:

"We don't belong to each other, Zach. Love is really not for us."  Iyon ang paulit-ulit na isinisigaw ng utak ko simula nang gabing iyon. Pilit mang iutos ng puso ko na kausapin siya ngunit pigil naman ang utak ko. Mali pang ipagpatuloy namin ang relasyong ito, masakit man ngunit kailangan kong tiisin dahil pareho din naman naming kailangang magparaya nang sa ganun may magiging masaya.

Kasalukuyan akong nakatayo ngayon sa harap ng bintana ng silid ko. Nakapamulsang pinagmamasdan ng palihim ang pag-alis ni Azalea sa bahay nila. Hindi ko rin mapigilan ang mangilid sa mga mata ko habang pinipigilan ko ang sariling lapitan siya at pigilan ito sa pag-alis niya. Ngunit ano nga kaya ang kahihinatnan kung pipigilan ko siya? Mababalik pa kaya ang dati gayung malabo na ang lahat sa aming dalawa bago pa man namin nalaman ang katotohanan?

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng nalaman ko. Of all the people, bakit kailangang kami pa ang may ganitong kapalaran. Ang akala naming walang hangganan ay magwawakas rin pala sa isang rasong napakahirap tanggapin.

Umandar na ang sasakyan nila nang may kumatok sa pinto ng silid.

"Zach, are you there? Can I come in?" boses ni mommy ang narinig ko mula sa labas.

Pinahid ko muna ang mga luhang nangilid bago tinungo ang pintuan at binuksan ito.

"Cindy's here, do you want to talk to her?" tanong nitong may dalang pag-aalala.

Mr. Rich meets Miss Nobody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon