9-Detention

93.1K 1.6K 56
                                    

9 – Detention

Azalea:

I was on the verge of the life and death. Kung hindi ko makikita ang liwanag malamang katapusan ko na. Habol ko ang hininga habang tumatatakbo, hindi alam kung sa’n patutungo. Basta ang alam ko lang ngayon ay makaalis sa madilim na lugar na ito. Wala akong makita, nangagapa ako sa dilim but I need to run, I need to run for my life kung hindi ay baka ito na ang katapusan ko.

Mas lalong bumibilis ang pagtibok ng puso ko at dahil sa bilis nito ay hindi ko na ramdam ang paghinga ko. I need somebody to help me. Kailangan kong makalabas dito. Ramdam kong gusto ng sumuko ng katawan ko pero kailangan kong lumaban. I have to be strong. I have so many things to do. I still want to meet my mother so please, somebody help me.

The moment I feel so helpless. There’s a voice calling my name.

 “Thea? Thea? I’m here.” Narinig kong wika ng pamilyar na boses. Naramdaman ko ring bigla akong nabuhayan ng loob.

“Z-Zach, is that you? P-Please… help me. I-I’m scared.” Nilingon-lingon ko ang palibot ko pero wala akong makita kundi madilim na palibot lamang. Tears started to flow in my cheeks. I need Zach at this very moment. I want to hear his voice again.

“Just stay there, I’ll come, don’t be scared.” I heard that voice again making my body trembled. And I ended up sitting on the floor hugging my own knees, sobbing.

“Z-zach, p-please get me…” puno ng luha na sabi ko at hindi ko alam kung naririnig pa ba niya ako. I stayed there for how many minutes until I suddenly feel the warmth embrace.

“Shhh… Don’t be scared, Thea. I’m here now. I’ll take care of you.” At nakita ko ang pag-aalala na bumabalot sa kanyang mga mata. Ang takot na baka mawala ako.

Yes, it was Zach. Mas lalong lumakas ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko at napayakap din dito. I lean my head on his chest… crying. “A-akala ko w-wala ng magliligtas s-sa a-akin, Zach. S-salamat at dumating ka.” Umiiyak pa rin na sabi ko sa kanya habang hinihimas-himas niya ang likuran ko para pakalmahin.

“Shhh…Nandito na ako, Thea. Huwag ka ng mag-alala at palagi lang akong nandito para iligtas ka. Tahan na…”

Umiiyak pa ako ng umiiyak hanggang naramdaman ko na ang dahan-dahang pagkawala ng takot ko habang kayakap ang lalaking tanging nagbibigay ng seguridad sa akin. Nang sa tingin ko ay nakatahan na ako ay umalis na ako sa pagkakayakap sa kanya at tiningnan uli siya nang may pagtatakang bumabalot sa aking mga mata.

“Bakit mo ako tinatawag na Thea?” nagtatakang tanong ko dito.

“Because you’re my Thea.” Wika pa niya habang pinapahid ang luha sa mga mata ko.

“But I am Azalea.” turo ko pa sa sarili.

“Yes, I know.”

Magkasalubong ang kilay na tinitigan ko ito. “Anong ibig mong sabihin?”

Lumabas naman ang ngiti nito at nang akma na sana itong magsasalita ay nakarinig ako ng malakas na tunog.

 (When I see your smile

Tears roll down my face I can't replace

And now that I'm strong I have figured out)

 

Bigla kong naimulat ang mga mata at hindi ko alam kung magpapasalamat dahil nagising ako sa bangungot na iyon o hindi dahil hindi ko nakuha ang sagot sa katanungan ko.

Mr. Rich meets Miss Nobody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon