37- Reconciliation or Disaster?

45.3K 792 45
                                    

"Sometimes the hardest things in life are the things we have to do. And even when we feel it's right, I never want to hurt you."

- Juliana Theory, "the hardest things"

37- Reconciliation or Disaster?

Zachary:

 "Zach, manonood ka ba mamaya sa audition?" tanong ni Jethro sa akin kinabukasan nang matapos ang unang subject namin at kasalukuyan kaming nagbabaktas sa pasilyo.

 Hindi ko nakita ngayon si Azalea at hindi ko rin ito makontak sa phone niya kahapon. Kaya ang sana'y balak kong pakikipag-ayos dito ay hindi na rin natuloy dahil nang puntahan ko ito nang makauwi ako sa bahay ay wala pa ito. At sa muling pagbalik ko  nama'y tulog na raw kaya hindi rin ako nagkaroon ng pagkakataong makipag-ayos pa.

Kanina nama'y hindi ko rin naabutan ang paglabas niya sa bahay dahil maaga din daw itong umalis. Sadya ata'ng ipinagkakait ng tadhanang magkita kami sa pagkakataong gustong-gusto ko itong makita.

Kaya naman sa halip na sagutin ko si Jethro  ay tinanong ko ito.

"Hindi ba pumasok si Azalea?"  napahinto siya sa naging katanungan ko at sinipat ang noo ko. Tinampal ko naman ng mahina ang kamay niyang nakahawak dito. "Anong ginagawa mo?" sita ko pa sa kanya.

"I thought you stop caring for her." Wika niyang nangingiti bago itinuon na rin ang pansin nito sa daan. Sumunod naman ako dito. "May review sila ngayon for the Science Club Contest.. whole day, kaya excuse muna sila."

"Ganun ba?" Ngayon ko lang din napansin na wala din pala si Ryder sa upuan nito.

"Zach..." seryosong turan niya sa akin.

"Bakit?" hindi lumilingong tanong ko sa kanya.

"Tuloy pa rin ba ang deal niyo ng daddy mo?"

Natahimik ako saglit bago huminga ng malalim. "Hindi ko alam kung magagawa ko pa iyon kaya lang knowing dad malaki ang tsansang sasaktan niya rin si Zale."

"Okay na ba kayo ni Azalea?" pag-iiba naman niya ng topic.

"I'm planning to reconcile with her." Nakangiting tugon ko dito at nakita ko naman ang pagliwanag ng mukha niya.

"Really?? That would be great. Hope you'll do it before the audition. In that way, makabalik na siya sa dati niyang sarili." Saad pa niyang mas excited pa ata sa akin na magkaayos kaming dalawa. "I knew it, hindi mo matitiis si Azalea kaya sana naman iwasan mo ng saktan pa siya."

I never said a word. I only smile as an agreement.

———————————

Azalea:

Nakaupo ako sa isa sa mga bench ng open ground nang biglang nag beep ang phone ko. Agad ko din naman iyong kinuha sa bulsa at bigla'y bumilis ang tibok ng puso ko nang mabasa ang sender. It was Zach. Ano kayang laman ng text nito? Makikipagbreak na kaya ito? Sasabihin kaya niyang hindi niya ako kayang mapatawad sa lahat ng mga nagawa ko? Iniisip ko pa lang iyon ay nadudurog na ang puso ko. Kaya naman ay napapailing at pinakalma ko muna ang sarili bago binuksan ang mensahe niya.

Zachary: Could you make some time after your audition?

Hindi ko alam kung magiging Masaya ba ako sa text niya o hindi. Paano kung sabihin niya sa aking hindi na talaga kami dapat na magsama pa? Anong gagawin ko? Dahil sa pangangamba it takes me a couple of minute before replying.

Zale: Kung bad news iyon please tell it to me by phone... because I'm afraid I can't let you go.

I replied thinking that he will dump me. At parang may ilang toneladang bakal ang idinagan sa akin sa bigat ng nararamdaman ko.

Mr. Rich meets Miss Nobody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon