35- When the Bad Day Strikes

47.4K 879 57
                                    

"I want you to fight for me! That's all I ever wanted!"

— Real Steel

35 — When the bad day strikes

Zachary:

I left dumbfounded nang marinig ko ang mga sinabi niya. I'm hurting her. I make her cry. I want to show her my affection pero may pumipigil sa aking gawin iyon. I want to run unto her and say something pero walang gustong lumabas sa bibig.  Ang tanging nagawa ko lang sa mga oras na 'to ay ang manatiling nakatayo. Nang dahil sa akin ay muli na naman itong umiyak.

She became restless and she's really in pain. Pero pareho kaming sugatan nang dahil lamang sa isang tao. Si daddy, na kahit kailan ay hindi man lang nagawang ipahintulot ang relasyon naming dalawa. Pero ayoko rin namang masira na lang agad ang relasyong 'to kaya tama ito.

"Huwag ka sanang bumitiw, Zale. Stay strong until malaman ko ang katotohan tungkol kay Thea." Wika ko pa na animoy maririnig pa rin ako nito. Naglabas pa ako ng malalim ng buntong-hininga bago napatuloy ng maglakad papunta sa opisina ni daddy. Nagbabakasakaling nandun ito ngayon.

Ilang sandali pa ay nakarating na rin ako sa opisina ni daddy. Nadatnan ko naman itong busy sa pagpeperma ng mga papeles nang makapasok ako sa loob.

"Anong kailangan mo at bakit hindi ka na yata marunong kumatok?" bungad na tanong niya sa akin na hindi ako nililingon.

"Hindi pa patay si Thea!" I declare at hindi ko alam kung ilusyon lang ba iyon nang makita ko siyang nabigla sa sinabi ko at biglang namutla.

"Anong ibig mong sabihin?" Kung hindi ko lang ito ama ay malamang mapapaniwala pa niya akong isa siyang magaling na actor. Alam niya talaga kung paano pakalmahin ang sarili.

"Nagsinungaling ka sa akin, dad." Sa halip ay matigas na wika ko sa kanya. "Hanggang kailan niyo itatago sa akin ang katotohanan? Bakit kailangan niyong ipalabas sa akin na patay na si Thea? Hindi niyo ba alam kung gaano ko pinagsisihan na namatay siya ng dahil sa akin? Iyon pala isang kasinungalingan lang iyon lahat." Hindi ko na mapigilan ang sarili at pasigaw na iyon na wika ko sa kanya.

Bigla akong nakaramdam nang pagkalito nang marinig ko itong tumawa ng mahina. Tawang parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"You're assuming things, Zach. Nalaman mo lang na pareho ng tinitirhan si Azalea at Thea and now ikino-conclude mong iisang tao lang sila?" hindi makapaniwalang saad naman niya sa akin nang matapos ito sa pagtawa. Sumeryoso ito at tinitigan ako sa mata bago nagsalita. "Tama ka...  Mali nga sigurong itago ko pa sayo ang katotohanan but I did it to protect you. I admit... buhay pa sa Thea."

Muntik na akong mapatumba sa narinig ko mula sa kanya bago napahawak sa sarili kong noo at hapong naihilamos ang sariling palad sa mukha ko nang makumpirmang totoo pala lahat ng hinala ko. At dahil sa dami ng katanungang bumabalot sa utak ko wala ring gustong lumabas na kataga sa bibig ko kahit inaaksyon ko na iyong ibuka.

"Pero, maling sabihin mong si Azalea at si Thea ay iisa lang, Zach." Narinig ko pang pagpapatuloy nito. Nagtatagisan naman ang mga bagang napatingin ako dito.

"Pero bakit? Bakit mo nagawang itago sa akin ang katotohanang iyon? At bakit nakatira si Azalea dun? Bakit mo pa siya pinagbawalang makipagkaibigan sa akin to the point na ipalihim mo sa kanya ang katotohan? What's your intention,dad?" Sukdulang pasigaw na tanong ko sa kanya habang hindi rin naman ako mapakali sa kinatatayuan at patuloy ang paglakad-lakad ko sa harapan niya.

Saglit siyang natahimik at pinagkrus ang mga daliri nito bago tumikhim at nagsalita.

"Isang bagay lang ang sagot sa lahat ng katanungan mo Zach. At iyon ay ang layuan mo na siya dahil hindi siya ang taong makakapagpasaya sayo."

Mr. Rich meets Miss Nobody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon