51- A Bomb to my Ear

34.6K 724 30
                                    

"If you come running back to me I'll be here waiting, cause I still believe in a love worth saving."

- Plain white t's, "come back to me"

51- A Bomb to my Ear

Azalea:

Biglang tumaas ang kuryosidad ko nang nagsipagtakbuhan ang mga estudyante papunta sa may open ground. Isang bagay na ngayon lang nangyari simula nang…

“Ano kayang posibleng gawin ni Zach sa lalaking iyon? Sa hitsura nito mukhang walang ligtas ang lalaki.” Narinig kong wika nang babaeng nakasalubong ko na nagpalaki naman sa tenga ko kaya ang ginawa koy sinundan ang mga ito.

“Hay! Nakakatakot talaga ang hitsura ni Zach kanina kung nakita mo lang kung gaano ito nanggalaiti sa galit, kung bakit ba naman kasi nagawang magkamali ng third year student na iyon.”

“Akala ko nga hindi na babalik pa ang ugaling iyon ni Zach pero kapag nakaugalian mo na talaga mahirap iwanan.” Dagdag pa nitong halata rin ang takot nito sa posibleng mangyari sa sinasabing lalaking kaaway nito.

“Ano ba kasing nangyari?” tanong pa ng isang babae.

“Hindi ko nga alam. Pareho’ng nasa boys locker lang naman sila nang bigla nalang akong nakarinig ng kalabog mula sa loob. Iyon na nga kinaladkad niya ang lalaki palabas habang di naman maipinta ang mukha nito. For the past few years during my stay here ngayon ko lang siya nakitang ganun kagalit. Maniwala ka.”

“Iyon ba iyong bagong recruit sa team nila?”

“Oo… Mga isang linggo pa lamang iyong nakasali.”

“Kung bakit ba kasi nagawa niyang kalabanin si Zach…” Hindi ko na pinatapos ang sasabihin pa sana nito nang bigla akong humarurot ng takbo papunta sa open ground.

Hinihingal na pilit kung isinuksok ang sarili sa dami ng studyanteng nakapaligid sa animo’y labanang Pacquiao at MayWeather fight. Ilang sandali pa ay nakalabas narin ako sa malakarayom na dami ng studyante at saktong pagtanaw ko ay napatumba ni Zach ang lalaking duguan na at halatang bugbog sarado na ang mukha nito sa suntok na gawa ni Zach.

Ganun din naman si Zach marami na ring pasa ang mukha nito… Hindi ko alam kung bakit wala man lang security o guro ang umawat dito. At mas lalong hindi ko alam kung bakit hindi man lang sila magawang awatin ng mga studyanteng nag-eenjoy lang sa panonood ng bugbugan ng dalawa.

Nagpalitan pa ito ng mga suntukan. Natamaan si Zach sa kaliwang pisngi nito na ginantihan rin naman ng suntok ni Zach sa tiyan na nagpatumba dito sa damuhan. Hinawakan niya ang kwelyuhan ng damit nito at pinagsusuntok pa.

Doon ko na naisipang lumapit para pigilan ang mga ito. Bahala na, kesa naman magpatayan ang dalawa.

Hinawakan ko ang kamay ni Zach na dadapo pa sana sa bugbog ng mukha ng kaaway nito. Ganun na lamang ang pagtataka ng lalaki at galit na napatingin sa akin ngunit ang galit na iyon ay napalitan ng masamang aura nang makita niya ako.

“Please, Zach. Stop this.” Pagmamakaawa ko pa dito sabay iling.

He stare at me with full of anguish. Then he pushes away my hand and started to stand leaving the other guy on the ground. Halata ang kirot sa mukha nito ngunit nagawa pa nitong mapangiti ng sarkastiko habang dahan-dahan na tumayo.

“You sure have a great impact to him.” makahulugan pang wika nito sa akin bago tiningnan ng masama si Zach. Nilapitan niya ito at hinawakan sa balikat ago nagsalitang muli. “Hindi pa tayo tapos.” Nakita ko ang muling pagkuyupos ng mga kamao ni Zach na halatang pinipigilan nito hanggang sa makalayo na nga ang lalaki.

Mr. Rich meets Miss Nobody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon