25- Better Late than Never

55.7K 1K 75
                                    

There are times in our life that we feel like we are really down and don't want to get up,times when all our hopes are gone and discouraged to do anything. Our passion with the things we wanted to do has now all vanished. We have nowhere to go and we feel that we became lost with the path we are heading. It is something that you'll really think that, in the first place, maybe it's better if we don't exist.

———-****———-

25- Better Late than never

Ryder:

"Zale, we're here." pukaw ko sa natutulog na babae ngunit ganun na lamang ang aking pag-aalala nang mapaso ako sa init ng katawan niya kaya naman sa halip na gisingin pa ito ay bumaba na lang ako ng sasakyan at umikot sa kabila para kargahin siya.

Agad din namang binuksan ni mommy ang pinto nang sa unang bell ko pa lang dahil hindi ko na rin naman kayang buksan pa ito gamit ang susi ko.

"Ryder, what happen?" mababakas din ang pag-aalala sa mukha nito nang nilakihan niyang buksan ang pinto.

"She's sick, mom." Sagot ko naman agad dito at mabilis na tinahak na ang hagdan papunta sa silid ko.

"I'll get warm water and a towel." Sabi pa niya sa akin at pumunta na ng kusina.

Nilapag ko naman agad si Zale sa kama ko nang makarating sa silid at tinanggal ang suot nitong sapatos pati na rin ang damit nito dahil pansin ko namang may suot pa itong sando sa ilalim. Sinipat ko ang noo niya at mainit na mainit pa rin siya at nanlalamig kaya naman ay kinumutan ko siya hanggang sa leeg niya.

Pinagpapawisan din ito ng malamig habang napapaungol. Siya namang pagdating ni mommy at hinayaan ko na siyang mag-asikaso sa babae dahil babae rin naman ito.

"Ako ng bahala sa kanya, Ryder." Pagbibigay pa ng assurance ni mommy kaya napatango na lang ako at lumabas na ng silid.

Agad ko din namang kinuha ang cell phone sa bulsa at may tinawagan pagkalabas ko sa silid. Ilang beses ko ring tinawagan ang numero ni Zach ngunit voicemail lang ang natatanggap ko kaya naman napagpasyahan ko na lang na sa landline ng bahay ko na lang nila tumawag.

Ang mommy niya ang nakasagot sa tawag.

"Hello, tita. Magandang gabi po nandyan po ba si Zach?" magalang na tanong ko dito.

"Nandito na siya, Ryder but I doubt kung kakausapin ka niya kasi nagkulong siya sa kwarto pagdating niya." nag-aalala namang sagot nito.

"Ganun po ba? Di bale na lang 'ho at mara—" napahinto ako nang magsalita ang ginang.

"I don't know what happen to him pero basang-basa siya na umuwi dito. Mainit pati ang ulo. Kung di lang sana nakialam ang daddy niya sa kanya edi sana napuntahan pa niya si Azalea." Nag-aalalang wika pa niya sa akin.

"Ganun po ba? Ano po bang nangyari?" sinubukan kong tanungin iyon baka sakaling sagutin niya ang katanungan ko.

"We had our family dinner with Cindy and he was force by his father to attend the dinner kaya naman hindi niya napuntahan si Zale."

'Ngayon alam ko na kung bakit hindi niya sinipot si Zale.' sagot naman ng utak ko.

"Sana nga lang hindi naghintay sa kanya ang kawawang babae. Pero sa tingin ko sa init ng ulo niya ngayon may nakita siyang hindi maganda." Napatda ako sa sinabi niya.

'Kung ganun siya nga talaga ang nakatayo sa may puno banda?'

"Pakisabi na lang po, tita na tumawag ako." Sagot ko na lamang dito na tinugon din naman niya at ibinaba na ang telepono.

Mr. Rich meets Miss Nobody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon