10-Somebody Help

80.8K 1.6K 63
                                    



10- Somebody help

'Honeybunch?' napakunot ang noong napalingon ako sa katabi ko. Kung ganun nakarating na pala ako sa classroom ng hindi ko namamalayan? Weird. How long have I been spacing out?

Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata ni Zach nang lingunin ko ito. "Honeybunch?" tanong ko naman agad sa kanya nang magsink-in sa utak ko ang sinabi niya.

"You're spacing out, you know? Kanina pa tapos ang discussion ni Mr. Sanchez at tayo na lang ang nandito." Nilibot ko ang tingin sa paligid at tama nga ito kami na lang ang nasa loob ng classroom.

"Where's Jamaica?"  tarantang tanong ko sa kanya.

"Nauna na. Kanina ka pa niya pinupukaw pero sadya atang kay lalim ng iniisip mo."

"Ba't ikaw nasa tabi ko, nasan si Ryder?" nagtatakang tanong ko pa rin dito.

"He has something to attend to hindi siya pumasok ngayon." Sagot niyang tinanguan ko na lang. "Teka, okay ka lang ba?" balik-tanong niya sa akin.

"Yes, I'm okay." Sabi ko saka tumayo.

"May bumabagabag ba sayo?" Tanong niya sa akin habang naglalakad palabas ng classroom.

"Wala naman. May naalala lang ako."

"Ganun kahaba? Baka naman gumagawa ka na ng storya niyan." Pinandilatan ko ito ng mga mata.

"Believe me kung gagawa man ako ng storya sa utak ko I better write it down nang sa ganun ay hindi ko makalimutan."

"Where's your room?" pag-iiba nito sa topic nila.

"203, why?"

"I'll bring you there."

"Seriously, Zach? I can manage you know? Don't bother."

"No, it's okay. Papunta din naman ako dun."

"Okay." Pagsang-ayon ko na lamang dito. Komportableng katahimikan ang bumabalot sa amin habang naglalakad papunta sa classroom. Walang balak magsalita ngunit kuntento na rin  naman kami sa ganung kalagayan. Hindi rin naman awkward, kumbaga mas pinili na lang naming maging tahimik kesa mag-usap. Ang nagiging problem lang naman kasi ay iyong pinagtitinginan kami ng mga tao habang naglalakad sa pasilyo at pinagbubulong-bulongan.

'Grabe naman kong makabulong-bulongan 'tong mga taong 'to dinig naman masyado.' Napapailing-iling na wika ko sa sarili na napansin siguro ni Zach dahil narinig ko itong nagsalita.

"Don't mind them. They're not worth listening for." Seryosong nakatingin lang ito nang diretso.

"Paano mamuhay ang maraming fans?" curious na tanong ko dito.

Sa totoo lang dati pa ako nagtataka kung paano nila namamanage na halos lahat ng galaw nila ay pinagmamasdan ng mga tao. Lahat ay napag-uusapan na para bang wala na silang privacy. Hello, hindi naman sila celebrity but the way those people treat them higit pa sa isang celebrity. Ako nga kahit kunting pagkakamali lang ay nako-conscious na, sila pa kaya?

"Isang bagay lang naman ang dapat mong gawin kung sa tingin mo hindi importante iyon. Ang e-ignore sila dahil kung magpapadala ka hindi mo makakayanang lumaban."

'May punto din naman ito.'

"Pero paano niyo nagagawang iwasan sila? I mean non- literal."

Nagkibit balikat ito. "We are used to it so it doesn't matter at all."

"Kahit na lahat ng mga mata ng tao ay nakatuon sa inyo?"

Mr. Rich meets Miss Nobody (COMPLETED)Where stories live. Discover now