7-First Encounter

84.6K 1.5K 59
                                    

7- First Encounter

Azalea:

“Salamat nga pala last time, Ryder.” Sabi ko sa crush ko habang papalabas kami ng classroom. Nagpaalam kasi si Jamaica na may pupuntahan siya saglit kaya magkasabay kami ngayon ni Ryder.

Nakangiting tumango ito at nagsalita.

“Hmm...Kung talagang thankful ka then pwede mo ba akong ilibre ng lunch?” Nakangising sabi pa niya sa akin.

Napatigil ako at napatingin sa kanya.

“Pwede ba talagang sumabay sayo?” gulat na tanong ko dito. Siyempre naman magugulat ako no? Bihira lang kaya mangyari ang ganito. Ang crush mo, makikisabay ng kain sayo? Iniisip ko pa lang kinikilig na ako.

Kunot ang noong hinarap ako ni Ryder.

“Bakit? May rule bang nagsasabi na bawal akong makisabay sayo?” bigla akong namula sa sinabi niya. Ang gwapo niya naman kasi eh.

Tumawa ako ng mahina sa sinabi niya.

“Ah… hehe… wala naman…” sabi ko saka nagpatuloy ng naglakad papunta sa next na room namin.

Napahinto ako nang huminto siya sa paglakad at hinawakan yung braso kong may band-aid.

“Anong nangyari sa braso mo?” Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

“Ah… ano kasi… nadulas ako habang papauwi sa amin. Di ko kasi namalayang may balat pala ng saging sa daanan.” Nag-aalangang sagot ko dito. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin sa kanya ang totoong nangyari lalo pa’t magkaibigan sila ni Zach. Baka mamaya mabuking pa ako eh.

 “Really?” amused na tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung kumagat ba siya sa sinabi ko o hindi.

Tumango ako bilang tugon.

“That’s how lame I am.” Sabi ko pa sa kanya na nakapagpatawa dito.

Ito iyong unang pagkakataong nakita ko itong tumawa.

 Kaya naman ay napalingon ako sa kanya at tinitigan ito.

“Ngayon lang ako nakakita ng babaeng katulad mo. Mukhang alam mo talaga akong patawanin eh.” natutuwa pa ring wika nito sa akin.

“Totoo naman, eh. May pagkalampa kasi ako minsan.” Sagot ko dito saka iniwas na yung tingin sa kanya at nakisabay na rin ng tawa dito.

Pero bakit parang walang kaba o anuman ang nararamdaman ko para sa kanya? Bakit ramdam ko parang wala lang? Di ba dapat lumalakas ang kabog ng dibdib mo kapag kasama mo crush mo, pero bakit nasa tabi ko na naman siya ay parang wala lang?

Nagtatakang napahawak ako sa dibdib.

Hindi na rin ito kagaya ng dati na sa tuwing lumalapit si Ryder sa’kin ay hindi ako mapalagay. Ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib ko.

Pero ngayon bakit wala na ‘yun? Ganun ba talaga ‘pag napapalapit ka na sa taong gusto mo ay nawawala na ‘yung kaba?

Naguguluhan pa ring tanong ko sa sarili.

Pero bakit pagdating kay Zach, sa tuwing napapalapit ako sa kanya, ay lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko?

Napapailing na binura ko na lang sa utak ko ang huling nasabi ko.

That’s not even possible. I hate that man so much that I can’t take to be with him even for just a second.

Imposibleng iniisip mo. Matagal ng panahon iyon kaya imposibleng…

Mr. Rich meets Miss Nobody (COMPLETED)Where stories live. Discover now