17- K-One; Z-Zero

80.3K 1.4K 76
                                    

Annyeong haseyo dogja (Hello, Readers)

Ito na po iyong pinakahihintay niyong update...
Enjoy Reading and hope I make you smile:))

“It’s one thing to fall in love. It’s another to feel someone else fall in love with you, and to feel a responsibility toward that love.”

––Every Day by David Levithan

======****========

 17- K-One; Z-Zero

Zachary:

Nagising akong naramdaman ang malambot na bagay na nakapulupot sa katawan ko. Tiningnan ko ito at sumilay sa mga labi ko ang isang matamis na ngiti. Mahigpit na nakayakap si Azalea sa akin habang ang ulo naman nito'y nakaunan sa dibdib ko at mahimbing na natutulog.

Then, I remember what happen last night. Kung paano niya ako sermunan at kung paano niya ginawan ng paraan ang panginginig ko kagabi. Hinalikan ko ang mabangong buhok niya at mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap ko dito.

How I wish na magtagal pa kami sa ganitong posisyon nang sa ganun ay maibsan ang nararamdaman kong pagkamiss sa kanya for the past month. Pero, alam kong sa ugali ng babaeng ito ay magfre-freak out ' to and I can't wait to see her reaction.

Mayamaya pa ay naramdaman ko ng gumagalaw ito at ramdam ko ang pagkatigil ng paghinga niya and pinigilan ko ang sariling mapatawa. Now, I know may effect din pala ako sa kanya.

Nakita ko na dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay ko sa beywang niya at sinadya ko namang pabigatin iyon nang sa ganun ay hindi niya ito matanggal. Pilit niya pa rin iyong tinatanggal kaya naman nagsalita ako. "Kumusta naman iyong unan mo? Nakatulog ka ba ng maayos?" Panunudyo ko pa dito na ikinabalikwas niya agad ng bangon at tumalon sa paanan ng kama.

Agad niyang inayos ang sarili nang makatayo at nakita ko ang pamumula ng pisngi niya. Lumabas ang nahihiyang ngiti nito bago ako binati.

"Ah…hehe…good morning…" sabi pa niyang pinamumulahan pa rin ng pisngi at hindi mapakali sa pagkakatayo.

"Good morning, honeybunch. I hope you slept well last night." nakangiti ko pang wika dito na mas lalong naging kulay kamatis ang mukha nito. Ngunit saglit din naman kasi napalitan iyon ng pagkakasingkit ng mga mata niya.

“Hoy, huwag mo akong ngini-ngisi ngisihan ha? Dahil mataas ang lagnat mo kagabi kaya ginawa ko lang ang dapat kong gawin.” Pagsusungit din naman nito agad sa akin.

“Really? Baka naman may pagnanasa ka lang talaga sa maganda kong katawan.” Panunudyo ko pa rin dito.

“Aba’t!” napasinghot siya sandali bago nagpatuloy “Gabi iyon at madilim kaya hindi ko nakita iyong katawan mo at walang effect sa akin iyang six-pack abs mo no, kaya huwag kang feeling.”

“Talaga?” tumayo ako at nilapitan siya at nakita ko ang pagkataranta nito.

Mr. Rich meets Miss Nobody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon