Special Chapter - New Born Love

62.5K 1K 81
                                    


"Zach, buntis ako!" sigaw ko pa nang makalabas ako sa banyo matapos makapag-pregnancy test.

Natutuwa namang nilapitan ako ni Zach.

"Talaga? Buntis ka? Sa wakas magkakaroon na rin ng bunga ang pagmamahalan natin, Zale." Natutuwang hinawakan pa niya ang tiyan ko't hinaplos-haplos iyon.

"Kaya naman pala ang sungit-sungit mo kasi may dinadala ka na pala." Si Zach pa rin iyon.

Tiningnan ko naman ito ng masama. "Bakit? Gusto mo na ba akong ipagpalit?" masungit na saad ko naman dito.

Agad din naman niya akong inakbayan. "Bakit ko naman gagawin iyon? Naghintay nga ako ng ilang taon sayo di ba?" sagot naman niya sa akin na ang tinutukoy nito ay ang pagbabalik ko sa kanya. Malaki pa rin ang pagkakangisi nito.

"Masaya ka ba na magkakaanak na tayo?" tanong ko pa sa kanya sabay harap.

"Oo naman. Ako na ang pinakamasayang ama sa buong mundo." Saad pa niya sabay tapik  sa dibdib nito.

"Masayang-masaya din ako, Zach dahil sa wakas ay natupad na rin ang hinihiling ko." Nakangiti na ring baling ko sa kanya.

"Kaya kailangan maibigay natin ang lahat para sa kanya."

Tumangu-tango ako at hinalikan naman niya ako sa noo.

—-

Zachary:

Makalipas ang walong buwan ay mas nagiging masungit at mas naging mainitan pa ang ulo ni Azalea. Palaging nakasigaw at nanghihingi ng kung anu-ano.

Pag nasa kanya na naman ay aayawan na niya. Ganun ba talaga pag nagbubuntis? Masyado sensitive sa lahat ng bagay. Ako na yata ang binabatuhan ng lahat ng kasungitan nito eh. Kung hindi ko nga lang mahal na mahal ang babaeng 'to eh.

"Zach!" narinig ko pang tawag niya mula sa sala.

Dali-dali ko naman itong nilapitan matapos ibinaba ang telepono.

Nanonood kasi ito ng tv samantalang nasa library naman ako't may kausap sa telepono na taga opisina. Nagleave muna kasi ako sa trabaho dahil malapit na rin itong manganak.

Hindi ko na rin naman siya pwedeng pabayaang mag-isa sa bahay kahit na sabihing may mga kasambahay pa.

"Bakit? Anong masakit sayo?" Nag-aalalang tanong ko pa dito nang makalapit.

"Ibili mo ako ng alimango." Sabay turo niya sa pagkain na inaanunsyo sa tv.

"Zale naman, akala ko naman napano ka na." nakahinga ng maluwag nang marinig ko ang sinabi nito.

Inirapan niya naman ako. "Sige na ibili mo na ako." pagpipilit naman niya.

"Okay. Iyon lang ba?" suko ko naman dito. Ano pa bang magagawa ko eh para naman 'to sa anak namin eh.

Tumango-tango siya ngunit hindi na nakatingin sa akin.

Hinalikan ko muna ito sa pisngi bago na iniwanan.

Napapailing na naglakad na ako papunta sa garahe.

Ilang sandali pa ay nakarating na ako bitbit ang dala kong alimango. Ipinaluto ko naman agad din iyon kay manang.

Ngunit nang maluto na ito ay umayaw naman siya.

"Ayaw mo na bang kumain niyan?" tanong ko pa dito.

Umiling-iling siya. "Gusto ko hipon na sinigang."

Sikreto akong napapikit habang kagat-kagat ang labi ko. Nagpipigil na magalit dito.

"Zale, baka naman pagdating ng hipon ay ayaw mo na naman." Mahinahong wika ko pa dito.

"Bakit iiwanan mo na ba ako?"

Nabitiwan ko ang hawak na kutsara at tumingin ng tuwid dito.

"Anong klaseng tanong iyan, Zale?"

Ngumiti naman siya at nagpout ng lips. "Sige na, Zach... Nagugutom na si Baby." Saad naman niya at wala rin naman akong magawa kundi ang sundin na lamang ito.

Walang araw na hindi siya ganun. Mabilis magbago ang isip at napakasensitibo.

Kaya nga minsan ay hinihiling ko na lang na lumabas na ang baby nito nang sa ganun ay matapos na ang ugali niyang ganito. Pero hindi naman ako nagrereklamo. Sa umpisa lang siguro ito dahil unang anak pa lang namin.

Pero kahit ganun naman siya ay malambing pa rin naman ito at maalalahanin. Kaya kahit kailan ay hindi magbabago ang pagmamahal ko sa kanya.

Tatlong taon na rin ang lumipas simula ng makasal kami at ngayon pa lamang kami magkakaanak kaya malaking pasasalamat na rin namin.

Ang sabi kasi ng doctor niya ay less ang tsansang makaanak siya kaya naman ay down na down siya ng mga panahong iyon. Hanggang sa dumating na nga ang milagrong ito. Wala talagang imposible kapag may paniniwala ka lang sa Panginoon.

Kaya nga lang, nalaman din naming ito na ang huli naming magiging anak dahil na rin delikado para sa kanya ang magbuntis pa. May Medical history kasi ang babae kaya mahihirapan siyang dalhin ang bata at baka magkaroon pa ng kumplikasyon.

Pero okay na din iyon atleast biniyayaan naman kami ng isang anak.

At paglipas nga ng isang buwan ay isinilang na niya ang napakagandang sanggol na nakita ko sa buong mundo.

At ang ipapangalan namin dito ay Bettina...

——- <<<< ———- >>>> ————

Naks naman! May anak na ang mag-asawang Ridenfield. Eh ano naman kaya ang magiging buhay ng pinakamamahal nilang anak?

Read the sequel of Mr. Rich Meets Ms. Nobody entitled "My Dream Boyfriend" here in wattpad.

Thank you for the support.

Mr. Rich meets Miss Nobody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon