31- Story of Two Rabbits

44.6K 908 62
                                    

Sometimes truth is the most painful things of all. That's why it's better for the things to remain as secrets as much as possible and just wait for the right moment when you're ready to tell or to accept it.

————*****————

31- Story of Two Rabbits

Azalea:

 "What do you mean Divisional Science Club Contest?" gulat na tanong ni Zach sa akin nang sabihin ko dito ang tungkol sa sinabi sa aming dalawa ni Ryder ni Mrs. Lacandula ilang araw rin ang nakalilipas mula nang i-announce ng guro namin ang tungkol sa presentation namin for the Performing arts. Kami ang napili nilang representative for the Divisional Contest ng Science club at kung papalarin man na makapasok sa Regional ay mae-extend lalo ang pagsasama namin ni Ryder dahil sa mga Reviews and Trainings na gaganapin for the preparation of the said contest.

 "Zach, engot lang? Haler?" pinanlakihan ko siya habang sumusubo ng Junk food na binili namin sa supermarket kanina matapos ang klase namin at napagpasyahan naming pumunta sa park para tumambay.

"I know what that means. What I wanted to know is that why both of you?" Alam kong si Ryder ang ibig niyang iparating ngunit wala namang masama kong magkasama kami. Para naman siyang walang tiwala sa akin niyan , eh. Pero di ko rin siya masisisi ako nga nagseselos din pagkasama niya si Cindy o kaya naman may ibang babaeng lumalapit dito paano pa kaya siya? Hindi naman sa maganda ako pero sadyang mahal nga lang siguro ako nito kaya masyadong napaka protective na hindi niya namamalayan over na.

'Haha. Huwag kayo maingay. Sikreto lang natin iyon.;)'

"Bakit ano bang masama kung si Ryder iyon? Buti nga siya pa kasama ko kasi mas maaalagaan pa ako nun—Aray! Ano ba?" Pinisil niya ang pisngi ko at pinanlakihan ako ng mga mata. Hinampas ko naman ang kamay ko sa braso niya at sinipatan ito.

"May boyfriend ka na nanglalandi ka pa." sabi pa niya sa akin na pinandilatan ko lang naman ng mga mata.

"Loko-loko, hindi iyon paglalandi, ang sinasabi ko lang naman eh mas maganda na ring kilala mo na ang taong kasama mo kasi hindi mo na kailangang mag-aalala sa akin ng husto." Sabi ko pa sa kanya saka isinubo dito ang hawak kong chichiria bago nagpatuloy. "Isa pa kahit naging crush ko iyon never pa ako nanglandi dun —-"napatigil ako at napatingin sa nakakunot noong mukha ni zach "Pa...tay!" agad kong tinakip ang palad ko sa bibig at itinikom ito bago umiwas ng tingin kay Zach.

'Aishh...Stupid mouth!' nagsisising saad ko sa sarili.

"What did you say?" Nakataas ang isang kilay na tanong niya sa akin at aksyong hahawakan sana ako sa braso ngunit tumayo naman ako agad at tumakbo palayo dito habang sumunod din naman siya sa akin. Tumago ako sa malaking kahoy na nakita ko nang pansin kong malapit na siya sa akin at nagpatintero kaming dalawa na pumapagitna naman ang puno ng narra.

"Anong sabi mo?" tanong niya sa akin habang nililinga ako ngunit natatantsya ko naman iyon.

"Wala akong sinasabi ah." Sagot ko na lamang dito na pinipigilang matawa.

"So, siya pala ang sinasabi mong crush mo ha?" sabi pa niya sa akin ng maalala ang tungkol sa sinabi ko sa kanya dati nang first na inilabas niya ako at kakikilala pa lang namin.

"Eh, bakit ba? Gwapong-gwapo ako sa kanya eh." Sa pagkakataong ito ay nahuli na niya ako at hinawakan sa magkabilang kamay mula sa likuran upang pigilan ako sa gagawin ko pa sanang pagtakbo at kiniliti sa giliran hanggang sa matumba kami pareho sa damuhan. Iyong isang braso naman niya ay nadaganan ng aking ulo ngunit di pa rin siya tumigil sa pagkiliti at ako naman ay halos habol na ang hininga sa kakatawa.

"Zach, please... haha... please...haha...tama na..." hindi ko mapigilan ang pagtawa ko at ganun din naman siya.

"Sabihin mo ulit sinabi mo kanina."

Mr. Rich meets Miss Nobody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon