Prologue

158K 2.3K 107
                                    

"Huwag ka nga magulo, Zach. Kita mo namang may ginagawa pa eh" Naiinis na napakamot sa ulo si Thea nang puntahan siya ng anim na taong gulang at kasing edad niyang lalaki sa bahay nila. Ito ang palagi niyang kalaro at palagi ding nang-aasar sa kanya.

Kasalukuyan siyang gumagawa ng assignment nang yayain siya nitong bumili ng ice cream. Kanina pa siya nito kinukulit ngunit di naman niya mapagbigyan dahil bawal nga silang pumunta sa highway dahil nga delikado.

"Sige na, pangit samahan mo na ako." pangungulit pa nito habang hinahatak yung damit niya.

"Bawal ka ngang pumunta sa highway di ba? Gusto mo ba talagang palayasin ako ng mama mo dito?" Nakahalukipkip na tanong pa niya dito.

"Hindi naman niya malalaman yun, eh. Malapit lang naman yun."

"Basta ayoko." Hindi tumitinging sabi pa nito sa lalaki.

"Thea, please, please, please. Promise last na lang 'to. Tsaka ibibili din kita ng hamster na gusto mo dun sa may pet shop."

"Talaga?" Nanglalaki ang mga matang sabi  ni Thea sa kanya. Gustong-gusto kasi niya yung hamster na tinda ni manong Pepe sa kabilang kanto. ang ku-cute kasi ng mga 'yun at ang ganda-ganda ng mga balahibo.

"Oo, kaya samahan mo na ako."

"Sige, saglit lang." Dali-dali naman niyang inayos ang mga gamit niya tsaka nilagay 'yun sa kwarto bago sila umalis ni Zach.

Chineck muna nila ang garden kung may tao bago tinungo ang malaking gate.

"Ililinga ko lang yung guard tapos takbo tayo palabas." Tumango si Thea sa iniutos ni Zach sa kanya. "Okay, one…two…three." at may kung ano siyang kinalampag dun banda sa kulungan ng aso dahilan upang mapatahol ang alaga nilang bulldog.

Agad din namang pinuntahan ng guard 'yung lugar na iyon at magkahawak kamay silang lumabas ng gate.

Natatawang huminto muna sila nang mapagtantong malayo na sila sa mansion.

"Kita mo 'yun? Natatarantang napatakbo si mamang guard…haha" hinihingal na sabi ni Zach kay Thea.

"Pano kung hanapin ka nila?"

"Don't worry akala nila natutulog ako, kinumutan ko yung mga unan ko para magmukhang natutulog na tao." nangingiti pang wika ni Zach.

May pagkapilyo din kasi ang batang to eh.

"Pilyo ka talaga,Zach".

"Halika na at nang makabalik tayo agad." Inilahad niya ang kamay nito sa kanya at tinanggap naman yun ni Thea bago magkahawak kamay na nagpunta sa ice cream parlor.

Ilang sandali pa ay nakarating na rin sila dun at pinili yung palagi nilang kinakaing ice cream tsaka umupo sa isa sa mga bench ng kaharap nitong park.

"Anong gusto mong maging paglaki mo, Thea?" tanong ni Zach mayamaya habang sinisimulang kainin ang binili nitong ice cream pop.

Saglit muna siyang natahimik at ibinaling muna ang atensyon sa ice cream bago sumagot.

"Gusto kong maging artista paglaki ko kasi sabi ni tatay artista daw yung nanay ko nang sa ganun ay makita ko na rin si nanay." Seryosong saad nito.

"Sa pangit mong 'yan? I'm sure hindi ka makakapasa bilang artista." pagbibiro naman ni Zach sa kanya na kinaismid ni Thea.

"Bakit, di ba pwedeng maging artista ang mga pangit? Marami namang naging artista na pangit ah." sabi nito sabay subo sa ice cream nito.

"Ako, gusto kong maging detective."

"Bakit naman?"

"Para matulungan kita sa paghahap sa nanay mo." Napakunot ang noong napatitig si Thea sa lalaki. "Basta Thea kahit anong mangyari huwag kang mawawala sa tabi ko ha? Kasi pag nawala ka wala na akong aasarin, wala ng makakapagpasaya sa akin." sabay ginulo nito ang buhok niya at tumayo.

"Halika, bilhin na natin yung favorite mong hamster." at tumakbo siya papunta sa kalsada. "Pag nahabol mo ako ibibili kita ng isang dosenang hamsters."  pasigaw na sabi niya dito  habang winawagayway ang kamay dahil medyo nakalayo na rin ito sa babae.

"Labo mo naman eh, wala naman yan sa kondisyon mo kanina ah." Humalukipkip na sabi niya habang tinitingnan niya itong papalapit ng tumawid sa kalsada.

Tumakbo na rin siya papunta dito at nakita niya itong huminto sa gitna ng kalsada dahil natanggal ang sintas ng sapatos nito. Nasa dulo na siya ng tawiran at luminga-linga sa paligid.

Bigla siyang nakadama ng kaba nang makita niya ang isang sasakyang parang  nawawalan ng control dahil sa pagkaway nito kasabay ng pagbusina ng paulit - ulit na halatang pinapaalis ang bata sa gitna.

Napatingin siya kay Zach na halata ring kinakabahan habang nakatingin sa rumaragasang sasakyan. Hindi na rin nito magawang maihakbang ang mga paa dahil sa panginginig ng tuhod nito.

Bago pa man tuluyang maabot ng sasakyan ang katawan ni Zach ay mabilis na tumakbo si Thea papunta dito at tinulak ito dahilan upang siya ang masagi ng bagay na iyon.

Nakita ni Zach kung pano tumilapon ang duguang si Thea sa gitna ng kalsada matapos itong mahagip ng sasakyan at kung pano rin ito nagpagulong-gulong dahil sa lakas ng pagkakatama ng sasakyan sa buong katawan ng babae. 

Agad naman niyang nilapitan si Thea at di malaman ang gagawin na hinawakan niya ang duguang mukha nito.

"Thea…Thea…please… please… gumising ka." Umiiyak na niyugyog yugyog ni Zach ang babae.  "Sorry na Thea, please huwag ka namang magbiro oh. Promise di na kita aasarin di na rin kita tatawaging pangit. Please lang, Thea. Gumising ka na bibili pa tayo ng Hamsters. Malapit na tayo eh. Thea…Thea." labis ang hinagpis na nararamdaman ngayon ni Zach habang pinapanood niya ang hapay na katawan ni Thea.

Ilang sandali pay nagdatingan na rin ang mga pulis at ambulansya.

Kasunod naman nito ang mga magulang ni Zach pati na rin ang tatay ni Thea. Agad din namang nilapitan ng mga ito ang kanilang mga anak.

"Zach, anak. Nasaktan ka ba?" Nag-aalalang sinipat sipat ng mommy ni Zach  ang buong katawan ng bata.

Umiiyak na umiling-iling si Zach

"Mommy, si Thea." sabay turo nito sa batang nasa tabi niya at yakap yakap ng ama nito.

"Thea, anak ko. Huwag mo munang iwan ang tatay. Anak, lumaban ka para sa tatay." puno ng pagdadalamhati at umiiyak na wika ng ama ni Thea.

Kinarga niya ito at madaling isinakay sa ambulansya.
Ilang sandali pa ay nakarating na rin sila sa hospital at nagmamadaling dineretso sa E.R.

Diyos ko, huwag niyo po sanang hayaang may mangyaring masama sa anak ko

Naghihinagpis na dasal ni Artemio habang nakaupo sa bench sa waiting area ng ER.

Mr. Rich meets Miss Nobody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon