3- The Secret Untold

123K 1.9K 122
                                    

3- The Secret Untold

Azalea:

“Good morning, tay.” Bati ko kay tatay habang papunta ng kusina.

“Good morning. Kumusta ang pag-aaral, nak?”

“Nah! Nothings change. Ganun pa rin, tay.” Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin na nakahalubilo ko ang anak ng amo niya.

“Hindi mo naman siguro kinakausap si Zach---Tama. Imposibleng mangyayari iyon. Iniiwasan mo naman siguro siya, anak diba?”  Napapailing na tanong pa ni tatay sa akin.

Oo, tay. Iniiwasan ko nga siya. Dahil nga sa pag-iwas ko ay siya ‘yung nakakuha ng first kiss ko. Nilubog niya rin ang cell phone ko sa aquarium at hindi rin niya ako nilulubayan.

Umiling-iling ako.

“Mabuti naman kung ganun. Alam mo naman sigurong --”

“Bawal akong makihalubilo sa anak ng boss mo at lalong bawal ko ding ipaalam na iisang lugar lang ang tinitirhan namin.”

Yes, totoo ‘yun. We live in the same place but dun sila sa mansion while us here in the staff house. Personal driver kasi ng daddy ni Zach ang tatay ko kaya naman dito na kami pinatira ng ama niya.

“Mabuti naman. Sige, kumain ka na anak at malelate ka na sa klase mo.”

Tumango ako bilang sagot bago sinimulan na ang pagkain.

Matagal na ring nagtatrabaho ang ama ko sa pamamahay nila simula pa lang daw nung kinder pa ako. Ang totoo wala akong maalala na lumipat kami dito. Kung sabagay bata pa naman ako kaya ano naman ang maaalala ng paslit na kagaya ko noon. Dito na rin ako halos lumaki sa bakuran nila pero di ko nakita kahit minsan ang nag-iisang anak ng mag-asawang Ridenfield dahil nga after daw nung accident ay dun na nanirahan sa Canada ang mag-ina. Habang si Mr. Ridenfield naman ay pabalik-balik na lang sa Canada dahil nga marami itong inaasikasong negosyo.

“Tay, alis na po ako.” Pasigaw na pagpapaalam ko sa aking ama na kasalukuyang naglilinis ng sasakyan na gagamitin mamaya ng amo niya sa may garahe katabi lang din ng bahay namin.

Kinuha ko na ‘iyung bag ko sa couch at isinukbit iyon sa balikat ko.

“Sige, anak. Ingat ka.”  Mahinang sigaw din nito.

“Opo, tay.” At lumabas na nga ako sa maliit na gate dito sa likuran.

Sinadya talaga ‘tong ipagawa para di kami makisabay sa mga Ridenfield na lumabas sa malaking gate ng mansion nila at para na rin maiwasan kong makahalubilo ang anak niya.

Ewan ko ba kung bakit parang nilalayo nila ako sa anak nila, wala naman akong nakakahawang sakit  tsaka as if naman na papansinin ako ng taong ‘yun kung di nga lang dahil sa insidente kahapon ay baka hindi niya malamang nag-eexist pa ako.

Zachary:

“Thea??” nakakunot ang noo at puno ng kaba na napatanong ako sa isipan nang makita ko ang paglabas ng babae mula sa likuran ng gate.

Ang alam ko kasi ay ginawa ‘yun para daanan ng mga empleyado ni daddy.

Kasalukuyan na naming binabaybay ang kalsada papunta sa labas habang ang babae naman ay paliko dun sa kabilang kanto.

Kinukutuban ako, alam kong walang ibang anak na babae ang mga kasambahay nila except lang kay Thea na anak ng personal driver ng daddy ko pero imposible namang maging si Thea ‘yun kasi matagal na namang patay ang babae.

Napapailing na napabuntong-hininga na lamang ako nang mailiko na sa kabilang kanto ang sasakyan.

Isinuksok ko na lamang ang earphone sa tenga at humalukipkip bago pumikit.

Mr. Rich meets Miss Nobody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon