11-Honeybunch on the Rescue

72.5K 1.5K 66
                                    

111- Honeybunch on the Rescue

Zachary:

It's already lunch time. Bumaba si Zach sa café para doon sana kumain kasabay ni Azalea nang hindi niya ito naabutan doon. Wala rin ang kaibigan nito. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Azalea ngunit ang tanging voicemail lang ang palaging sumasagot dito.

'Bakit ayaw niyang sagutin ang tawag ko?' nagtatakang tanong ni Zach sa sarili. 'Iniiwasan ba niya ako?' at muli ay di-nial na naman ang number nito ngunit kagaya ng dati ay tanging voicemail lang ang nakukuha niya.

"Okay, fine. Kung ayaw mong sagutin edi 'wag." Naiinis na bulong pa niya sa sarili bago lumabas ng café.

"Hey, Zach." Tawag sa kanya ni Kaizer nang naglalakad na siya sa hallway pabalik sa haven (name of their hideout) "Hindi ka ba kakain sa café?" tanong pa nito.

"No, nawalan na ako ng gana." Hindi nililingong sagot niya dito.

"Bakit tinaboy ka na naman ba ni Azalea?" nakasunod na tanong ulit ng lalaki.

"She's not there. She's not even answering my calls."

"LQ kayo no?" napahinto sa paglakad si Zach at hinarap ang lalaki.

"You're impossible, you know?" he rolled his eyes on him and starts walking again.

"Okay, okay. Pero nasaan ba si Azalea?" nagtataka namang tanong ni Kaizer dito.

"Hindi ko alam, okay." Paasik na sabi ng binata sa kaibigan.

"Eh, ba't ang init ng ulo mo? Nagtatanong lang naman." nangingiting tanong nito sa kanya

"Shut up! Will you? Bakit ako tinatanong mo kung nasaan siya? Kung gusto mong malaman, bakit hindi mo siya hanapin."

"You know what, Zach? You're so weird these days."

"What are you talking about?"

"Bakit kapag hindi mo nakikita si Azalea ay ang init-init ng ulo mo?"

"You're just imagining things, Kaizer."

"Let me guess... You-- "

"Zach!!!" Naputol ang sasabihin pa sana ni Kaizer nang may tumawag sa pangalan ni Zach mula sa likuran nila. Sabay nilang nilingon at nakita ang hinihingal na si Jamaica habang patakbo papunta sa kanila.

"Bakit palagi ka na lang nakasigaw?" tanong ni Zach dito nang makalapit na ang babae, unti-unti munang binabawi ni Jamaica ang normal na breathing niya habang nakahawak ang dalawang kamay nito sa magkabilang tuhod.

 "Bakit ka tumatakbo? May marathon ba?" si Kaizer naman ang nagsalita.

Inirapan lang siya nang babae saka umayos ng tayo habang nakahawak naman ang isang kamay sa beywang nito para pakalmahin muna ang sarili.

"Nakita mo ba si Zale?" tanong ni Jamaica kay Zach.

"Hindi. Bakit? Di ba kayo naman ang palaging magkasama?" hindi pa rin nawawala ang pagsusungit nito.

"Hindi kayo magkasama?" gulat na tanong nito. "I have to leave, I need to find her."  sabi niya sabay lakad na sana ngunit hinawakan siya sa braso ni Zach.

"Sinasabi mo bang nawawala si Zale?" kunot ang noong tanong ng lalaki sa babae.

Tumango si Jamaica. "Kanina ko pa siya hindi nakikita. Hindi rin siya pumasok sa panghuling subject namin. Sabi niya may pupuntahan lang daw siya pero hindi na siya bumalik." Puno ng pag-aalalang wika ng babae.

"Sa'n ba daw siya pupunta? Hindi ba niya sinabi?" napalitan na rin ng pag-aalala ang kanina'y inis na nararamdaman ni Zach.

"Nagmamadali siyang umalis. Hindi sinabi kung saan siya pupunta. Sinubukan ko din siyang tawagan pero di rin niya sinasagot." Kinakabahan na si Jamaica, kanina pa siya hindi mapakali.

Mr. Rich meets Miss Nobody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon