27 - I'm Speechless

58.8K 957 81
                                    

"A woman's heart should be so hidden in God that a man has to seek Him just to find her."

-Max Lucado

27- I'm Speechless

Azalea:

"No, Zach. Ayokong sumakay diyan." Naglalakihang mga matang pagpipilit kong pumiglas sa mga kamay nitong nakahawak sa akin habang hinihila papunta sa cable car.

My God, I'm afraid of heights no? Kaya bakit ba ako pinapasakay ng taong ito dito? Gusto ba niya talaga akong patayin sa takot? It's a big NO, NO! Bahala na siyang magalit basta hindi ako sasakay sa bagay na iyan.

Tingnan mo naman ang baba, parang hindi ka na ata mabubuhay kapag malaglag ka eh. Ang taas dito at puro kahoy at tubig iyong nasa ibaba na ewan kung may pag-asa pa bang mabuhay ang taong malalaglag kapag nagpalya ang cables nito.  So, please Zach huwag mo naman akong pilitin. Ikaw lang mag-eenjoy, pramiz!

"Come on, Zale. Tanggalin mo kasi lahat ng agam-agam mo sa utak at e-enjoy mo na lang ang mga bagay-bagay." Binitawan ako ni Zach at hinarap na nakapameywang.

Tinakpan ko naman ang tenga ko gamit ang dalawa kong kamay. "No, Zach. No-no—Ahh! Ano ba? Ibaba mo ako!" Pinaghahampas ko ang likod nito nang kinarga niya ako bigla at isinampay sa balikat niya. "Ayokong sumakay Zach. Please...please... iba na lang...huwag lang 'to, promise gagawin ko lahat ng gusto mo huwag mo lang akong patayin!" pagwawala ko pa at pilit na gumagalaw-galaw para makawala ngunit mahigpit ang pagkakahawak nito sa binti ko kaya di rin naman ako nagtagumpay.

"OA mo, Zale. Sasakay lang papatayin agad? Pwede bang magkaroon muna tayo ng mga apo bago mamatay?" alam kong kinilig kayo pero hindi ako dahil mas malakas pa ang kabog ng dibdib ko kesa sa pag-comprehend ng mga sinabi niya.

"Zach, please...please... Takot ako sa bagay na 'to." Hindi siya sumagot sa halip ay ibinaba na niya ako nang makarating kami sa metal na sasakyan at nilapag niya ako sa upuan at siya'y tumabi sa akin habang hawak-hawak ang kamay ko bago pa man ako umaksyong lumabas ng cable car.

"Relax, okay? Nakaya mo nga ang dagat ito pa kaya? It's time for you to start conquering your fears because sooner or later mararanasan mo rin ang mga bagay na iyon." He said it with a double meaning pero hindi pa rin ako kumalma at pilit na binuksan ang pinto ng cable car ngunit hindi rin naman ako nagtagumpay dahil may automatic lock pala iyon.

Nilapitan niya ako at iginiyang maupo sa upuan at pinagtiklop niya ang mga daliri ko sa daliri niya bago nilingon na puno ng assurance sa mga mata nito.

"Trust me... I won't do anything that could harm you." Namumugay ang mga matang wika niya na ikinahinto ko naman nang maramdamang unti-unti nang tumatakbo ang sasakyan at ipinikit ko na lamang ang mga mata habang mahigpit na pinisil ang kamay ni Zach.

Naramdaman ko ang paglingon niya sa akin at halata ko ring nakangiti ito ngayon ng pilyo dahil sa ipinapakita kong kaduwagan pero bahala siya kung anong isipin niya dahil takot na takot eh.

Kaya naman nang maramdaman kong may mainit na bagay na dumampi sa labi ko ay agad akong napamulat ng mata upang magulat sa nakita.  Kay lapit-lapit lang ng mukha nito sa akin at kay laki ng pagkakangisi nito.

"Did that help you lessen your anxiety?" tudyong tanong pa niya na ikinahampas ko naman ng mahina sa balikat nito at natatawang bumalik na rin naman siya sa pagkakasandal sa upuan niya.

"Did you just kiss me?" tanong ko pa ditong hindi makapaniwala.

"Why? It's not even our first kiss and it's just more of a peck than a kiss."

"But—" hindi ko na rin naman natuloy ang sasabihin ko dahil hindi ko makuhang ipalabas sa bibig ko ang dapat na sasabihin. This guy always makes me feel speechless.

Mr. Rich meets Miss Nobody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon