28- Pretentious Love

51K 835 68
                                    

Love is a force more formidable than any other. It is invisible - it cannot be seen or measured, yet it is powerful enough to transform you in a moment, and offer you more joy than any material possession could.

-Barbara de Angelis

P.S. Proofreading not done, might encounter some grammatical errors and spellings.

Enjoy!

28- Pretentious Love

Azalea:

"Ms. Evans and Mr. Tyrones, you will be the representative for Performing Arts Club competition." Pag-aanounce ni Mrs. Aquino sa klase na pareho naming ikinabigla ni Jethro.

"Ho?" sabay naming tanong ni Jethro kaya naman pinanlakihan kami ng mga mata ng guro namin.

"You'll be performing next week so better prepare a presentation for celebrating our foundation day." Wika pa nito sa lahat pero nagmadali naman akong tumayo at iwinagayway ang kamay sa hangin.

"Ma'am, baka nagkakamali 'ho kayo pero hindi 'ho ako kumakanta." Mariing tanggi ko naman dito.

"But someone suggested that you're good in singing." She said it in a confused manner.

"Ay! Opo, ma'am magaling po talaga 'yang si Zale kumanta kaya go ako diyan, ma'am." Si Jamaica naman ang sumagot na may pa thumbs up - thumbs up pang nalalaman. Nilingon ko ito at tiningnan ng masama. Nakangiting nagkibit balikat lang ito sa akin at hinarap na din iyong guro.

"Baka pwedeng idaan na lang po muna sa audition, ma'am. Unfair naman po kasi kong pipili lang kayo agad basta-basta na baka malay niyo may mas maganda pa palang boses sa kanya." Narinig kong wika ng isa sa mga kaklase ko at napatango-tango naman ako at ang iba naman ay sumang-ayon rin. Hindi ko naman talaga forte ang kumanta noh? Kaya bakit ako pa ang magpe-perform kaya mabuti na ring nagsuggest silang magkaroon ng audition dahil hindi rin naman ako sasali sa audition.

"Ms. Evans you also need to participate the audition or else I'll give you an INC." wika pa nitong ikinangiwi ko.

"Ho?" hindi makapaniwalang tanong ko dito. 'Ma'am naman eh. Pang ba-blackmail naman ata iyon.' Ngunit di naman niya ako sinagot at binalingan rin si Jethro.

"Also you Mr. Tyrones you must participate too." Wika pa niya bago hinarap ang klase. "Okay class. Open your book to page 49." Then topic is close.

'Hahays! Sino kayang nag-suggest sa akin?' Napabuntong-hiningang tanong ko na lamang sa sarili bago naupo. Lumingon naman si Jethro sa akin bago nagsalita. Magkatabi lang kasi kami ng upuan sa subject na 'to.

"Hey, tiger." Napalingon ako sa tinawag niya sa akin.

"What? Sinong tiger?" pinanlakihan ko ito ng mga mata at sinagot lang naman niya ako ng ngiting abot tenga.

"Gusto mo bang malaman kung sino nagsuggest sayo?" kunot-noong pinagmasdan ko ito saglit bago tumango. "Si Kaizer."

"What?" napalakas ang pagkakasabi ko noon kaya naman...

"Is there a problem, Ms. Evans?" tanong ng guro namin sa akin at mabilis naman akong umiling-iling.

"Wala po, ma'am. Sorry po." Nahihiyang sagot ko na lamang dito at itinago na rin ang ulo mula sa lalaking nasa harapan ko buti na nga lang at malaki-laki din ang katawan nito kaya malaya akong makakapagtago.

"Sigurado ka ba?" pabulong na tanong ko kay Jethro at tumango naman siya bilang sagot.

"Yes, Zale. Actually narinig ka naming kumakanta habang nag-e-sketch ka sa Art room. Hindi ka pa namin kilala nun." Sabi naman niya sa akin na ikina-pamula ng pisngi ko.

Mr. Rich meets Miss Nobody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon