41- It's complicated

37.2K 839 45
                                    

"So much time I've wasted, I can truly say I never thought it would come to this, never would I doubt you, but the truth kept smacking me in the face."

-avenged sevenfold

41- It's Complicated

Azalea:

"Tay..." paumpisang wika ko sa ama nang lumabas ako sa silid. Nilingon niya ako at halata ang pag-aalala sa mukha.

"Zale, anong oras ka dumating kagabi? Okay ka lang ba?" tanong pa niya sa akin.

Umiling-iling ako. "Okay lang po ako, tay." Pagsisinungaling ko pa.

Bumuntong-hininga siya. "Kung sana may ina ka lang na matatakbuhan. Hindi ka na sana mahihirapan pa ng ganito." Wika pa niyang may dalang pagsisisi. "Pasensya ka na, anak ha? Alam kong kailangan mo ng mga magulang ngayon para man lang may mapagsabihan ng mga problema mo. Pero, di ko iyon magawa sayo."

"Tay, magkakilala na ba kami ni Zach dati pa?" tanong ko pa dito sa halip na sagutin ang sinabi niya. Nakita ko ang pagkatigil niya at hindi makapaniwalang tiningnan ako.

"May naaalala ka bang magkakilala kayo?" balik tanong naman niya sa akin.

"He was calling me Thea and I am trying to save him from the raging car."

"Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?" Instead he asked me.

" Tay, si Thea ba at ako ay iisa lang?"

"Gusto kong ikaw ang makatuklas nun, anak..." he takes a deep breath and smiles at me. "Magreretire na ako sa trabaho ko at lilipat na rin tayo ng ibang bahay." He started and I was out of my own thinking for a moment.

"Ho? Bakit po?" hindi ko makapaniwalang tanong dito bagkus ay parang gusto ko ang ideyang iyon.

"Plano kong magtayo na lang ng sariling negosyo natin. Tutal, may naipon na rin naman ako. Nafully-paid ko na rin naman ang bahay na binebenta sa akin. Kaya pwede na tayong lumipat kung kailan mo gusto."

"Okay lang po ba sa inyong iwanan ang trabaho niyo?"

Tumango ito. "Napagdesisyunan kong mas ituon lahat ng pansin sayo kesa sa trabaho. Alam kong marami akong naging pagkukulang sayo kaya gusto kong bumawi man lang kahit sa sandaling panahon man lang." Napakunot noo ako sa sinabi niya.

"Ano pong ibig niyong sabihin, tay? Iiwanan niyo po ba ako?"

Ngumiti ito ng malumanay at hinawakan ang kamay ko.

"Lahat ng bagay ay kailangang maihanay kung saan sila dapat nakalagay. Nang sa ganun maitama naman lahat ng pagkakamali." Tapos tinapik ang balikat ko. "Anak, kung may problema ka wag ka lang mag-hesitate na sabihin iyon sa akin. Please, give me a chance to become a father to you."

"Tay, nawe-weirduhan ako sa inyo." Nagtataka pa ring wika ko sa kanya ngunit mas lalo lang lumapad ang ngiti nito. Pero halata namang parang may mabigat itong dinadala.

"Ano mang oras ay pwede na tayong lumipat sa bahay. Sabihin mo lang kung kailan mo gusto."

Ngumiti ako ng tipid at tumango. Tinapik-tapik pa niya ang kamay ko bago tumayo. "Sa labas lang ako." Sabi pa niya sa akin saka ako iniwanan.

 —- *** —-

Zachary:

"We are moving." Narinig kong wika ng kung sino man mula sa silid-aralan ng daddy.

"That's a good decision to make, Artemio." Sagot ni Daddy sa ama ni Azalea. Kaya naman ay mas lalo umalsa ang pag-iinteres kong marinig ang pinag-uusapan nila.

Mr. Rich meets Miss Nobody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon