47-Cutting Ties

34.1K 693 19
                                    

"Finally every tear has dried. I've wiped you from my life."

- Hilary Duff, "play with fire"

47- Cutting ties

"Zale, where are you? Everybody's looking for you here." text ni Jethro sa akin nang pauwi na ako sa amin kinahapunan. Hindi pa siguro sila na-iinform na nag-quit na ako sa competition because I need to attend my new part-time job.

"You'll receive news soon, Jethro." I replied to him.

I need to save for my college tuition kung gusto ko pang makapag-aral dahil ayoko na rin namang umasa lang sa tulong nang ama ni Zach. I have to cut all ties relating to Zach kung gusto ko na talagang makalimot. May naipon na rin naman si tatay na pera para pangkolehiyo ko but I also need to have my own savings dahil wala na ring trabaho si tatay ngayon.

He quit his job by the time we leave their house. At dahil medyo matanda na rin siya ay mukhang mahihirapan na rin itong makapaghanap ng ibang trabaho kaya naman ay napagpasyahan na lang naming mag-rent ng espasyo ng tindahan ng sari-sari sa merkado.

Ok din naman ang kita pero kailangan pa ring kumayod para sa mga susunod na araw. Hindi rin biro ang gastusin pag tumungtong na ng kolehiyo.

Ilang minuto rin ang lumipas bago siya nagreply. "Yeah, I've heard it now... Why?"

"May kailangan lang asikasuhing ibang bagay." Agad ko din namang reply dito bago sumakay na sa humintong bus sa waiting shed.

"Dahil ba kay Zach?"

"No... I really just have to do something important for now."

"Well, if that's what you really want. I understand."

"Thanks and God bless with the competition."

"Thank you." He replied.

Inilagay ko na ang cellphone sa loob ng bag ko matapos kong mabasa ang huling message nito at napatingin na sa labas ng bus.

Zachary:

Sabihin man nilang stalker ako... yes, that's true. Dahil sa mga oras na to ay sinusundan ko si Zale at tinitingnan ito mula sa malayo. Months passed yet I still can't believe that she's out of my life right now. I still can't accept it. Even though I always with Cindy, hindi pa rin siya nawawala sa isip ko. I'm wondering what's she's doing at this moment.

She was talking to somebody in her phone by the time I stopped my car after I followed her. Hindi niya rin kasama si Jamaica at balita ko ay bihira na lang daw din silang magkasama ngayon sa hindi ko alam na dahilan. Kaya naman napagpasyahan ko ng e-stalk muna ito para malaman ko kung okay lang ba ang kalagayan nito.

Pilit ko mang pinipigilan ang sarili ko noon but now I really can't help myself but to miss her. I miss all about her and the things we have done together in the past.

Sinundan ko ang bus na sinakyan niya kanina at dahan-dahang inihinto ang sasakyan nang huminto ito sa restaurant nila Kaizer. Nagtatakang napasunod ako ng tingin dito nang pumasok siya sa restaurant at binati ang mga nakaunipormeng trabahante doon bago pumasok sa isang pinto na sa tingin ko ay for employee lamang.

"Anong ginagawa niya dun?" mahinang tanong ko sa sarili na puno ng pagtataka. Lalabas na sana ako para lapitan ito ngunit siya namang paglabas niya mula sa employee's room na nakasuot na ng unipormeng pareho din sa iba.

Mas lalo namang kumunot ang noo ko nang makita ito. "Nagtatrabaho ba si Zale sa restaurant nila Kaizer?" muli ay naging sambit ko sa sarili.

Nakita ko rin ang pagpasok ni Kaizer sa loob ng restaurant at nilapitan niya si Azalea. Kaya naman ay nagmadali akong bumaba ng kotse at pumasok sa loob.

Mr. Rich meets Miss Nobody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon