20- He who Cannot Eat

76K 1.2K 94
                                    

And ever has it been known that love knows not its own depth until the hour of separation.

-Khalil Gibran

P.S. Unproofread: Sorry for the errors and grammars...

------*-***-**-***-------

20- He who Cannot Eat

Azalea:

Palabas na kami ni Jamaica sa classroom nang biglang may humawak sa magkabilang balikat ko mula sa likuran na ikinasinghap ko.

"Jamaica, pwede ko bang hiramin saglit ang kaibigan mo?" tanong ni Zach sa babae na hindi naman kayang ipinta ang mukha dahil sa laki ng pagkaka-kunot noo nito. "Or, let's just say na sabay na kaming kakain so pwede mo ba siyang ipahiram sa akin saglit?" tanong pa nitong may nakakalokong mga ngiti.

Napalis naman ang pagkakakunot noo nito nang makabawi sa pagkabigla. "Opps! Sabihin niyo muna kung anong meron?" Nakataas ang isang kilay na tanong nito na ikinalaki naman ng ngisi ni Zach. "I supposed you hate each other's guts kaya bakit I have seen it the other way?"

Binitawan ni Zach ang balikat ko at tumabi sa akin.

 "Well, let's just say that this girl can't resist my charm so--" mahinang hinampas ko siya sa braso at masamang tiningnan.

"Anong can't resist -resist your charm ka diyan mas nauna kang nahulog sa akin kaya ikaw ang hindi makaresist?" nakapameywang na putol ka sa dapat pa sana'y sasabihin niya.

"Kahit na, nahulog ka din naman so hindi ka nga talaga makatagal sa charm ko."

"Hay, ewan ko sayo. Yabang mo talaga kahit kailan." Nakacross arms na tinalikuran ko na lang siya.

Magsasalita pa sana si Zach nang maunahan siya ni Jamaica at pinambilugan ng mga mata.

"Hey! Baka nakakalimutan niyo nandito pa ako kaya kung gusto niyong magharutan na dalawa umalis na kayo sa harapan ko at baka magbago pa isip ko Zach at ipagdamot ko iyang kaibigan ko sayo." Kunway inis na wika niya sa amin kaya naman mabilis siyang sinagot ni Zach.

"We're dating now... And I think mahahati na ang oras ni Zale sayo kaya I'm just asking for your deep understanding." Again she rolled her eyes on him.

"Whatever, Zach. Just don't hurt her or else you'll be dead." Pagkawika noon ay iniwanan na niya kami at narinig kong may tinawagan siya sa cell phone. "Hello, sabayan mo akong pagkain ngayon wala akong kasama kaya magpakita ka kundi lagot ka sa akin."

Iyon lang ang narinig kong sabi niya sa kung sino mang tinawagan niya. Binalingan naman ako ni Zach at hinawakan sa kamay bago iginiyang mag-umpisa ng maglakad. Nilingon ko siya saglit at nakita ko sa mga mata nito ang di maipaliwanag na saya.

"Zach? Kailangan ba talagang magkahawak kamay tayo?" tanong ko sa kanya dahil pinagtitinginan at pinagbubulungan na naman kami ng ibang estudyante. Hindi siya tuminag at sa halip ay tinuon lang ang pansin niya sa nilalakaran kaya naman nagsalita akong muli. "Yabang, nakikinig ka ba sa sinasabi ko?"

"Zale, just don't mind them, okay. I am on your side so you're not in harm." Nahalata ko sa boses nito ang pagkairita ngunit nakaramdam din naman ako ng seguridad sa sinabi niya kaya mas hinigpitan ko na lamang ang pagkakahawak sa kamay niya hanggang makarating kami sa parking lot at pinagbuksan niya ako ng pinto ng Chevrolet Corvette Stingray niyang sasakyan. Mayaman eh kaya mamahalin din iyong kotse.

"Sa'n ba tayo pupunta?" tanong ko pa sa kanya nang makapasok siya sa loob ng sasakyan.

"Kakain." Matipid na sagot niya nang minaneho na niya ang sasakyan.

Mr. Rich meets Miss Nobody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon