55- Wishing Tree

41.1K 901 49
                                    

"I feel like everything in my life has led me to you.  My choices, my heartbreaks, my regrets.  Everything.  And when we're together, my past seems worth it.  Because if I had done one thing differently, I might never have met you."

55- Wishing Tree

Five years later...

"Zach, come on! Don't tell me hindi ka naman a-aattend sa gathering natin?" Pangungulit pa rin ni Jethro sa akin nang tumawag ito sa opisina.

"I'm sorry, Jethro. Maybe next time pero hindi talaga ako pwede ngayon." Sagot ko mula sa kabilang linya habang pinepermahan ang isang papel at ibinigay iyon sa secretary ko.

"The word next time... Ilang beses mo na yang ginagawang excuse... I think you're still not over her. My God, Zach! It's been five years... Five years, Zach? Di mo pa rin ba maintindihang wala ka ng dapat na hintayin pa. You're only limiting yourself to us."

"No, you're wrong. Marami lang talagang gawain sa kompanya. I can't even afford to eat due to my hectic schedule." Napahinto ako nang may kumatok sa pinto. "I'm sorry, Jeth.. The meeting is about to start." Iyon lang at binabaan ko na ito ng telepono.

Agad kong inayos ang sarili at tumayo na para lumabas ng silid at magtungo na sa conference room. Isang taon din akong nagtraining bago  ako isinalang sa pwestong CEO ni Daddy. It's been five years din simula nang insidenteng iyon. It's been too long kaya tama nga siguro si Jethro. Wala na akong dapat na hintayin pa dahil wala ng babalik sa akin. But, I still can't help myself missing her. Mahirap tanggapin na limang taon na simula ng mawala siya sa piling ko. I can't accept it yet I have to... dahil alam kong mas magiging masaya siya ngayon sa lugar kung nasan man siya ngayon.

Nakapagtapos na rin ako ng kursong Business Management at kasalukuyan din akong nag-aaral for my Masters kaya wala na akong masyadong time para sa sarili. Hindi na ako ang dating Zach na happy-go-lucky, I am a man with full of responsibilities now and I've changed a lot. Kaya madalas na nagrereklamo na iyong mga kaibigan ko dahil bihira na lang kami kung magkita.

Bumalik na rin ang pamilya ni Cindy sa States tatlong taon na ang nakalipas. They're staying there for good na at bihira nalang din kong mag-punta dito sa Pilipinas. Yet, we still friends. Tanggap na rin naman niyang hindi kami ang para sa isa't-isa kaya nanatili na lamang siyang maging kaibigan ko.

Sometimes, there are things that are bound to end to have the best things in your life. But, with me, I think there will be no best person just like her. So, I'm praying that someday she could appear in front of me again, saying that "everything will be okay" and that she will always be at my side forever. 


"I wish I could see her just one more time just to let her know that she have made a difference in my life and I appreciate her; to let her know that a part of her will always be with me; to tell her that I'll never forget her."

After an hour and half ay natapos rin ang meeting namin and I have to prepare for my class this night. But before that I have to go somewhere else, to the place where our memories have been kept for a very long time. Ang lugar kung saan palagi niyang pinupuntahan dati para maibsan lahat ng bigat na nararamdaman niya. Lugar kung saan una kaming nangako na hindi namin bibitawan ang isa't-isa, but I was a fool to break it first that's why everything has fallen apart. Everything has ended.

Magkakalahating oras rin bago ko narating ang dulo ng gubat na tinawag namin ni Azalea na Haven, isang lugar kung saan malayo ka sa kapahamakan at problema. Kaya simula nang dalhin ko siya dito ay naging habit na niyang maging taguan ito kaya naman ay ginawa naming Wishing Tree ang nag-iisang punong nasa tabi ng rails.

Mr. Rich meets Miss Nobody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon