14-Unexpected Passenger

86.4K 1.4K 84
                                    

14 - Unexpected Passenger

Zachary:

Nagising ako nang maramdaman kong may dumadamping malambot na bagay sa ilong ko at napa-atsing.

Isang linggo na rin simula nang insidenteng iyon kay Kaizer. Sa loob ng isang isang linggong iyon ay medyo nagkakaasiwaan kami. Bihira lang kung kami ay mag-usap dahil ramdam ko ang tension sa pagitan naming dalawa.

Hinihintay kong sabihin niya sa akin na isa lamang iyong biro and he was only trying to provoke me pero sadya nga talaga sigurong totoo iyong mga sinabi niya sa akin. Kahit wala pa man akong nakikitang nagiging aksyon niya kay Azalea ay hindi pa rin maitanggi ng isip at puso ko ang takot at kaba. At sa tingin ko'y kagaya ko rin ay naghahanap lang ito ng tamang pagkakataon para magtapat sa kanya.

Natatakot man akong mawala siya sa akin pero di ko rin kayang lokohin ang sarili ko dahil hanggang ngayon ay di ko pa rin mawari kung si Azalea ba talaga ang gusto ko o ang nakikita kong pagkatao ni Thea dito.

"Anong ginagawa mo Cindy?" asik ko sa babae nang makita itong kinikiliti ang ilong ko gamit ang balahibo ng manok na hindi ko alam kung saan niya kinuha.

"Ang hirap mong gisingin. It's already ten in the morning... Hello?" nakapameywang pa niya na wika sa akin.

"Bakit ba? Sabado naman ngayon kaya gigising ako sa kahit anong oras na gusto ko." sabi ko sabay balik sa paghiga ngunit hinila na naman niya ang kumot ko at napabalikwas ako ng bangon. "What do you want?" inis na ginulo-gulo ko ang buhok ko at pinandilatan ito ng mga mata.

"Samahan mo ako sa mall. Hindi ko kabisado ang mga lugar dito at nakapagpaalam na rin ako kay tita."

"Why don't you just go with your friends?"

"I can't. Gusto ko ikaw kasama ko."

"You're being unreasonable, Cindy."

"Dati naman sinasamahan mo akong magshopping ah ba't ngayon parang nagbago ka na."

"Things are tend to change, Cindy. So you better go on your own."

"No," pagmamatigas pa rin nito. Umupo siya sa kama ko at nagcross arms. "I won't go without you."

"Seriously?" I rolled my eyes on her but it doesn't help anyway since she will always be the spoiled brat that I have ever known. "Bumaba ka na, dun mo ako hintayin sa living room." Sukong wika ko dito dahil alam kong hindi ito titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya.

Nakita ko ang pagsilay ng naglalakihang ngiti nito bago lumabas ng kwarto. Tumayo na rin ako at dumiretso na sa banyo para maligo. Ilang sandali pa ay nakapag-ayos na rin ako at bumaba na sa dining room.

"Zach, hindi ka kumain kagabi ah. Kumain muna kayo bago umalis. Sabayan mo na si Cindy." Salubong na wika ni mommy nang  makapasok ako sa kusina.

Hindi ako sumagot at naupo na lamang sa katapat na silya ni Cindy. And as usual, they were always talking about fashion, new trends and any other girly stuff. Ang tanging nagiging partisipasyon ko lang sa conversation nila ay ang tumango o di kaya naman sumagot ng 'oo' o 'hindi'.

Kaya naman ay binilisan ko na ang pagkain at tumayo na nang matapos.

"I think we should go." Putol ko sa mas lalong nakaka bored na pinag-uusapan nila. Tumayo din naman si Cindy at nakangiting nagpaalam na rin dito.

Ilang sandali pa ay tinatahak na namin ang daan papunta sa mall.

"I really love your mother. She's still the sweetest and the most wonderful woman I have ever met." Wika niya ilang sandaling katahimikang pumagitna sa amin nang makasakay sa kotse.

Mr. Rich meets Miss Nobody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon