52- The Meeting

32.3K 698 24
                                    

"The life that I was trying for is gone, and I am feeling so darn sorry for myself that it is hard to breathe."

 - As Good As It Gets

52- The Meeting

Thea:

“Manong, pakihinto ‘ho sa tabi iyong sasakyan. Bibili lang ‘ho ako ng fishball saglit.” Wika ko pa kay Manong Carlo na personal driver ko nang makita ang stall ng fishball sa tabi ng park.

“Ang hilig-hilig mo talagang bata ka sa mga street food, ano?” wika pa ni Manong nang iparada niya ang sasakyan.

“Eyy… masarap kaya, manong” nakangiti ko pang sagot ko dito bago lumabas at lumapit na sa street vendor.

“Manong, magkano ‘ho?” tanong ko agad nang kunin ang isang tuhog ng fishball.

“Singko pesos lang iyan.” Sagot naman ni manong sa akin.

Agad ko namang isinubo ang mainit pang fishball matapos itong isawsaw sa sauce.  Masarap ito at matakam kaya naman ay ilang beses rin akong nagpabalik-balik sa pagdukot ng stick ng kakanin na iyon at isinubo.

Isusubo ko na sana ang panghuling stick na kakanin ko nang matuon ang mata ko sa isang bench ng park. Medyo kalayuan rin iyon ngunit sapat nang makita ng klaro ang mga tao doon. May isang babae kasing nakaupo doon habang tulala. Agad kong nabitiwan ang stick ng fishball nang makilala ito at biglang lumaki ang mga mata ko.

“Miss, okay ka lang ba?” wika pa ni Manong sa akin nang mahulog ang stick ng fishball sa lupa.

Nilingon ko ito at tinanong. “Manong, pakisabi nga, Kamukha ko ba ang babaeng nakaupo sa bench doon.” Turo ko pa sa bench kung saan nakaupo ang babae.

Nilingon naman agad iyon ng mama at nagpapalit-palit ang tingin nito sa akin at sa babae. “Kambal niyo ba?”

“Ho?” gulat na tanong ko dito.

“Eh, kasi parehong-pareho kayo ng mukha eh. Buhok niyo lang ang magkaiba.” Dagdag pa nito.

Bigla ay bumilis ang pagtibok ng puso ko. “Manong, magkano ho lahat? Kasama na iyong nalalaglag.”

“Twenty five pesos lahat.”

Dumukot ako ng pera mula sa bulsa at ibinigay iyon sa kanya bago nagmamadaling tumakbo papasok sa park at baka makalayo pa ito.

“Thea, saan ka pupunta?” narinig ko pang tanong ni Mamang driver nang takbuhin ko ang daan papunta sa babae.

Hindi ko na ito pinansin dahil okupado ang utak ko sa babaeng kamukha ko. Nakita kong tumayo na ang babae kaya binilisan ko pa ang paglalakad papunta sa kanya bago pa man ito tuluyang makalayo.

Hinarang ko ito at hindi ko alam kung ano ang ekspresyong bumabalot ngayon sa mukha ko nang lingunin niya ako. Kagaya rin ng reaksyon ko kanina ay ganun din ang reaksyon nito ngayon nang makita niya ako. Lumaki ang mga mata nito at napaawang ang mga labi niya habang pinagmamasdan niya ang kabuuan ng mukha ko.

“Who are you?” tanong ko sa kanya nang makabawi ako.

Azalea:

Alam kong may kakambal ako ngunit hindi pa rin ako makapaniwalang nakikita ko na siya ngayon. I was speechless for a moment. Marahil ito ang Thea’ng sinasabi nila. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dito. Kagaya ko ay puno rin ito ng pagtataka.

“I… I’m… Azalea.”

“A-Azalea?” hindi pa rin makapaniwalang tanong nito sa akin.

“Sino ka? Bakit magkamukha tayo?” naguguluhan pa ring tanong nito sa akin.

Mr. Rich meets Miss Nobody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon