2-Dead Comfort Zone

131K 2K 96
                                    

2- Dead Comfort Zone

Azalea:

"Siya ba iyong babaeng humalik kay Zach?"

"Yeah"

 "Eh, hindi naman pala maganda eh."

"Kaya nga lumalandi di ba, kasi hitsura pa lang di na mapansin. Tch."

Paupo na sana ako sa ta sa cafeteria nang marinig ko ang ibang mga babaeng naghahabulan makipagchikahan sa iba.

Hay naku! Ang mga tao nga naman pag walang magawa sa buhay.

Napapailing na isinuksok ko na lang sa tenga ang earphone na nakasabit sa leeg ko tsaka kinuha 'yung mp3 mula sa bulsa ng uniform at pinalakasan ang volume nito bago umupo na sa silya.

Expected ko naman na mangyayari ang bagay na ito eh.

Hello? You're talking about Zachary Ridenfield, the one and only son of Mr. Manuel Ridenfield, what would you expect then?

Posible kayang lahat ng mangyayari kay Zachary ay mananatiling tago?

Hindi no? Dahil siya lang naman ang isa sa mga item ng school nito.

Kaya lahat ng galaw at kilos ay sinusubaybayan.

Hearthrob eh.

Let's talk about Zachary. Mayaman, tagapagmana ng Ridenfield Academy at ng iba pang naglalakihang hotel sa bansa.

Edi, wala pa ako sa kalingkingan nun? Kaya 'wag kayo assuming na pwede kami sa isa't isa.

Isa pa, siya iyong pinakagwapo sa lahat ng lalaking meron ang school na to. Ma-appeal kaya naman lahat ng madadatnang babae nito ay mapapahanga talaga sa kanya.

Idagdag mo pa ang makamatay na ngiti nito na kulang nalang sabihin ay matutunaw ka talaga kapag nginitian niya.

Matangos din ang ilong nito at makakapal rin ang mga kilay.

Hindi naman masyadong halatang may pagnanasa ka rin sa tao noh?Bulyaw ng boses sa isang tenga ko

Shut up! Nagdedescribe lang naman.Hiyaw naman ng boses sa kabilang banda ng tenga ko.

Idagdag mo na rin ang angking tangkad nito, matipuno ang katawan at higit sa lahat magaling pumorma. Kaya nga heartthrob diba?  At masakit mang isipin, matalino din. Pumapangatlo kaya iyun, syempre pangalawa si papa Ryder ko no. Yes, si Ryder isa din sa mga barkada ng yabang na yun but he's different. He's too beautiful to describe and he's my crush since 1st year.

Ba't naman napunta sa kanya iyung topic? Di ba nga si Zach iyung denedescribe mo?

Eh crush ko siya eh. kinikilig na bulyaw ng isang parte ng isip ko.

Napapailing na sinimulan ko na lang ang pagkain, mabuti pang ituon ko na lang ang atensyon ko dito mawawala pa stress ko.

Susubo na sana ako nang may biglang naglapag ng tray sa table ko. Dahan-dahan kong iniangat ang ulo upang tingnan kung sino iyon.

At sa di sinasadya ay biglang lumaki ang mga mata ko.

Siya na naman?

Kunot ang noong tinanggal ko ang earphone at hinarap ang nakangising mukha nito.

"Ano bang problema mo?" iritang tanong ko sa kanya nagsimula na ring napako ang mga mata ng ibang tao sa aming dalawa.

"Relax, okay? I'm not going to eat you." Halatang nang-aasar ang ngiting lumabas sa labi niya habang paupo sa silya.

Mr. Rich meets Miss Nobody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon