50-Could it be the Last?

34K 675 24
                                    

"I hear your heart beat, it's in my memory just like sugar. Kiss me like candy."

- Jann Arden, 'taste of this'

50- Could it be the Last?

“Hoy! Tabi diyan, pwesto namin yan.” Narinig kong wika ng isang lalaking may malaking katawan. Ngunit dahil sa alak na bumabalot sa sistema ko ay hindi ako kumibo kaya naman ay tinapik ako ng isa pa nilang kasama na may pang-wrestling na katawan.

“Hindi ka yata  naririnig, boss eh.” narinig ko pang wika ng isa ngunit patuloy lamang ako sa pag-inom.

“Ayaw talagang pumalag, boss. Mukhang hindi ata takot sayo.”

Nilapitan ako nang tinatawag nilang boss at kinuwelyuhan dahilan para mapatayo ako.

“Bingi ka ba o gusto mo lang talagang makatikim sa akin?” narinig ko pang tanong nito ngunit nginitian ko lang ito ng sarkastiko.

“Bakit? Anong kaya mong gawin?” paghahamon ko pa saka tinabig ang malalaking kamay nito sa pagkakahawak sa kwelyo ko dahilan para mapaupo ito sa couch na pinuwestuhan ko kanina.

          Agad ko din naman silang iniwanan sa pag-aakalang hindi na nila ako hahabulin ngunit ganun na lamang ang pagkahilo ko ng makatikim ako ng malakas na suntok mula dito.

“Gago ka, ah. Matapang ka?” narinig kong wika nito nang matumba ako.

Nalasahan ko pa ang alat ng dugo sa labi ko. Pinunasan ko iyun gamit ang daliri ko saka tumayo at binigyan din ng malakas na suntok ang lalaki na nakapagpatumba dito papunta sa isang table na may lamang mga bote ng alak.

Doon na rin naagaw ang atensyon ng iba kaya naman nagsipag-tinginan na rin ito sa amin. Mabilis naman na nagsipaglapitan ang mga waiter at inawat agad kaming dalawa bago pa man madagdagan ang sugat na itinamo ko sa mukha niya gawa ng boteng nadaganan nito nang tumilapon siya.

“Boss, okay ka lang ba?” narinig ko pang tanong ng mga kasamahan niya bago ko ibinigay ang bill sa waiter na umawat sa akin at lumabas na ng bar.

Nailuwa ko pa ang dugong nalalasahan ko sa labi bago pumasok na sa sasakyan ko at dahan-dahang minaneho iyon. Hindi pa naman ako ganun kalasing kaya kaya ko pa namang magdrive ng sasakyan.

Isa lang ang nasa isipan ko ngayong dapat na puntahan, iyon ay ang lugar na pinagtatrabahuan ni Zale. Wala pa namang nine kaya hindi pa iyon nag-a-out. Pagkadating ko dun ay agad kong ipinarada ang sasakyan para hintayin ang paglabas niya.

Busy ito sa pagbibigay at pagkuha ng mga order ng customer. Napangiti ako bigla nang maalala ko nang magpicnic kami sa isang park at sinubuan niya ako ng pagkain.

“Say Ah…” wika pa niya sa akin habang nilalapit niya ang kamay niyang may hawak ng piniritong sugpo. Agad ko din namang isinubo iyong pagkain at nginuya ito.

“Ikaw ba ang nagluto nito?” tanong ko pa habang nginunguya ito.

Tumango siya at nagsubo naman ng sa kanya. Kumuha naman ako ng ibang putahe at isinubo rin dito at nang ibubukas na niya ang bibig ay agad ko din naman iyong isinubo sa sarili ko. Nakatikim pa ako ng mahinang hampas mula dito at ang nakamamatay na titig nito.

Tinawanan ko lang siya sa naging reaksyon niya at muli’y kumuha ng ibang putahe at isinubo iyon sa kanya, nagdadalawang isip pa siyang ibuka ang bibig niya ngunit inilingan ko ito senyales na hindi na ako nagbibiro kaya naman ay agad ko itong isinubo sa kanya the moment she opens her mouth.

We were both happy that time. That’s why I still can’t figure out why we need to end up hurting each other’s heart.

Agad akong lumabas sa sasakyan nang makita kong lumabas na si Azalea sa restaurant. Hinarang ko ito nang papunta na siya sa direksyon ko at ganun na lamang ang pagkagulat niya nang makita ako.

Mr. Rich meets Miss Nobody (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon